LUIS JAMES
MAPAPAGAAN ang tatahaking daan ng Philippine Azkals sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Ito ay makaraang mapadpad sa magaang grupo sa ginanap na ceremonial drawing of lots.
Kasama ng Azkals sa group ng preliminary phase ang Timor Leste, Myanmar, Cambodia at Malaysia.
Tanging ang Malaysia, na silver medalists noong 2017 Sea Games na ginanap sa kanilang baluwarte, ang kailangang lampasan ng Pilipinas sa men’s football.
Base sa panuntunan, ang dalawang koponan na umabot sa tuktok ng standing ang siya lamang uusad sa semifinals.
Nasa kabilang grupo naman ang defending champion na Thailand, Bronze Medalist Indonesia, Vietnam, Laos, Brunei at Singapore.