JAMES LUIS
PANSAMANTALANG ipinagpaliban ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbubukas ng 45th season dahil sa banta ng novel coronavirus.
Sa kanilang social account post, sinabi ng PBA na gagawin na lamang ang opening ceremony sa Marso a-8 sa halip na Marso a-uno.
Maging ang PBA D-league na magsisimula sana sa Pebrero a-13 ay gagawin na lamang ito sa Marso a-2.
Sa pahayag ng PBA, inaalala nila ang kaligtasan ng kanilang mga fans, manlalaro, koponan at mga opisyal kaya ipinagpaliban muna ang pagsisimula ng liga.