PINATITIYAK naman ng Commander-in-Chief sa Philippine National Police (PNP) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na maipatupad ang mandato ng pangulo.
ADMAR VILANDO
PINAHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituring ng iligal ang mga sugal na pinapatakbo ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, simula Hulyo 27, 2019.
Kabilang sa mga sugal ang Lotto, STL, Peryahan ng Bayan, Keno, at lahat ng pamamaraan ng laro o sugal na may lisensya at prangkisa ng PCSO.
Kaagad ay inatas ng pangulo ang pagpapasara sa lahat ng mga laro na pinatatakbo, nilisensya at may prangkisa ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Inatasan din ng pangulo ang pagtanggal sa mga materyales na may kaugnayan sa laro at sugal ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga pampublikong lugar.