PCC Commissioner Johannes Bernabe
MJ MONDEJAR
MAHIGPIT na binabantayan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang ipinatutupad na incentive scheme ng transport network company na Grab Philippines.
Naniniwala si PCC Commissioner Johannes Bernabe na posibleng ginagamit ng kompanya ang naturang serbisyo para mapigilan ang kanilang mga driver na sumubok na magtrabaho sa mga kalabang rider-hailing app.
Nabatid na sa ngayon ay malaking porsyento pa rin ng mga pasahero ang tumatangkilik sa Grab kahit nagsulputan na ang mga competitor nito.
Matatandaan na pinagmulta ng limang milyon piso ng PCC ang Grab noong Nobyembre dahil sa umano’y paglabag sa kanilang mga ipinangakong pagbabago sa komisyon.
At nitong Disyembre ay pinagbabayad ang Grab ng labing apat na milyong pisong multa dahil naman sa usapin ng mahal na presyo ng kanilang pamasahe.
Simula noong Disyembre 31 ng nakaraang taon, nagdi-distribute ng refund ang Grab sa mga pasahero nito alinsunod sa utos ng PCC.