Ni: MELODY NUÑEZ
NAG-POSITIBO sa COVID-19 ang isang babaeng diplomat ng Philippine Mission sa United Nations (UN).
Ito ang kinumpirma ni DFA Sec. Teddy Locsin Jr. Base sa report ni UN Acting Ambassador to the Philippines Kira Azucena.
Ayon kay Locsin, nakausap na niya si Azucena at tiniyak na nasa mabuting lagay na ang Pilipinang pasyente.
Sa report ni Azucena kay Locsin, nagtungo pa umano sa UN headquarters ang Pinay bilang representative ng bansa sa Legal Affairs Committee sa ginanap na general assembly.
Sinabi ni Locsin na nagdiwang pa ng kanyang kaarawan ang Pinay makaraang lumuwas ito mula Florida.
Sa ngayon ay naka-lockdown ang Philippine Mission ng UN sa Amerika at inatasan na ang mga personnel nito na mag-self quarantine.