POL MONTIBON
AABOT sa P3.74 bilyon halaga ng illegal drugs ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI), Barangay Aguado Trece, Martirez City sa Cavite.
Ayon kay PDEA Director Chief Laboratory Service at PIO Spokesperson Director Derrick Carreon, ang mga sinunog na droga ay nakumpiska sa mga drug raid ng PDEA sa Metro Manila at karatig-lalawigan na pinayagan na ng Korte Suprema na wasakin at sunugin.
Sinabi ni Director Carreon, ang mga sinunog ay nagmula sa iba’t ibang RTC branch na naging ebidensya na ipinirisinta ng PDEA.
Tiniyak din ni Carreon na bago ito sunugin ay kinikilo ang mga ito upang maalis ang pagdududa ng sambayanang Pilipino na nire-recycle ang droga.
Paliwanag pa ni Carreon na kaya lang tumatagal ang pagwasak sa mga nakukumpiskang droga ay dahil kailangan pa ng aprobal mula sa Korte Suprema.