Ni: Kristin Mariano
MADALAS napag-iiwanan ang Mindanao sa mga proyekto ng mga nakaraang administrasyon at naging pokus ang pagpapayabong ng mga business district sa Maynila. Ngunit sa mga nakalatag na infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng administrasyong Duterte, nakasentro ito sa Mindanao.
Sa ginanap na Philippine Economic Briefing sa SMX Convention Center sa Davao, ibinida ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III ang mga naglalakihang proyekto at pondong nakalaan sa katimugan. Aprubado na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang mga nasabing mga proyekto na nagpapakita na gagawing sentro ng agrikultura at industriya ang Mindanao.
“An aggressive infrastructure program aims to link isolated communities with the mainstream of growth,” pahayag ni Dominguez.
LIMANG PRAYORIDAD NA PROYEKTO SA MINDANAO
Nais ng administrasyon na umpisahan na ang mga aprubadong mga proyekto sa Mindanao upang matapos agad ang ilan bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Beginning this year, a new Mindanao story is set to unfold. The island is the focal point of major infrastructure projects that will enhance economic production, open new irrigated lands for our agriculture and make the movement of goods and people easier,” dagdag ni Dominguez.
Narito ang limang bilyun-bilyong infra projects na gagawin sa Mindanao:
1. MINDANAO RAILWAY PROJECT – P35.26 BILLION
Ang Phase 1 ng proyektong ito ay tatakbo ng 102 kilome-tro na magdudugtong sa mga siyudad at bayan ng Tagum, Davao, at Digos. Ito ay may walong estasyon: Tagum; Carmen; Panabo; Mudiang (in Bunawan, Davao City); Davao Terminal; Toril; Sta. Cruz; and Digos.
Ang magiging depot ng mga tren ay isang 10-ektarya sa Tagum. Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, inaasahan na ang una at pangalawang bahagi ng Mindanao Railway System ay makukumpleto sa loob ng anim na taong termino ng Pangulo. Sa kabuuan, ang railway project ay tatakbo ng 1,500-kilometro na magdudugtong sa mga “key cities” ng Cagayan de Oro, Iligan, Zamboanga, Butuan, Surigao, General Santos, at Davao.
2. MALITUBOG-MARIDAGAO IRRIGATION PROJECT PHASE 2 – P5.4-BILLION
Inaasahan ng National Irrigation Administration (NIA) na matatapos nila ang proyekto ngayong taon na magsu-supply ng tubig sa mga 10,000-ektarya ng kapatagan sa 56 na lugar sa North Cotabato at Maguindanao na nagsisilbing rice baskets ng Mindanao.]
Ayon kay NIA Spokesman Filipina Bermudez, bumaba ang total cost ng proyekto nang aprubahan ito ng NEDA noong 2016. Malaking dahilan sa pagbaba ng presyo ay dahil sa pagtanggal ng fo-reign contractors and finan-cing. “The project is now fully locally funded. The other components like having foreign consultants and assistance are no longer there also probably because of peace and order issues in the region,” sabi ni Bermudez.
3. PANGUIL BAY BRIDGE – P4.86-BILLION
Magsisimula ngayong taon ang konstruksiyon ng Panguil Bay Bridge na magdudugtong sa Tangub City sa Misamis Occidental at Tubod, Lanao del Norte na inaasahang matatapos sa 2021. Ang tulay ay may haba na 3.48 kilometro.
Hangarin nito na mapaikli ang biyahe mula Tangub hanggang Tubod na magiging pitong minuto na lamang mula sa dalawa’t kalahating oras na karaniwang tagal ng biyahe. Bilang isa sa mga pangunahing daan sa Mindanao, maapektuhan din nito ang biyahe mula at papunta sa iba’t-ibang lugar.
4. DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT – P40.57 BILLION
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap), nakahanay na ang
pagpapalawak at pagpapaganda sa Francisco Bangoy International Airport o mas kilala bilang Davao International Airport.
Bunsod ito ng dumaraming mga turista na bumisita sa Mindanao sa nakalipas na taon. Nagtala ang paliparan ng 936,828 incoming trave- lers at 997,004 outgoing tra-velers mula Enero hanggang Hunyo noong 2017.
Kasama sa proyekto ang pagdaragdag ng isa pang boarding bridge. Inaasahang patuloy na yayabong ang turismo sa Mindanao sa pagpapalaki ng paliparan.
5. LAGUINDINGAN AIRPORT – P14.6-BILLION
Sa ilalim ng proyekto, kasama ang konstruksiyon ng dagdag na passenger terminal building, operation at maintenance, at
pagsasaayos ng apron, runway, at taxiway ng paliparan. Nais ni 2nd District of Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na maging international airport ang Laguindingan sa katagalan upang serbisyuhan ang mga mangingibang bansa sa Northern Mindanao.
Bukod sa mga nasabing mga infra projects, sinabi ni Dominguez na pumirma ang gobyerno at Asian Development Bank (ADB) sa isang kasunduan upang pondohan ang iba pang importanteng proyekto sa imprastraktura. “The ADB has also been generously assisting us in funding important infrastructure projects that would spur economic development in this island,” sabi ni Dominguez na isa sa mga board member ng ADB.
PAG-UNLAD NG MINDANAO, ABOT-KAMAY NA!
Tubong Davao si Pa-ngulong Rodrigo Duterte at inaasahan na ng marami na gagawin niyang prayoridad ang kanyang bakuran. Ang pagtatayo ng mga nasabing imprastraktura ay naglalayon na paunlarin ang Mindanao na kadalasan ay napag iiwanan.
Ang riles ng tren, paliparan, at tulay ay magpapabilis sa dati ay napakatagal na biyahe patungo sa iba’t-ibang lalawigan sa isla. Mapapayabong din nito ang kalakalan dahil mas mabilis na maipapadala ang produkto mula sa timog. Ilan sa mga popular na kalakal mula sa Mindanao ay pinya, durian, tuna, kopra, saging, at cassava. Maeeng- ganyo rin ang mga mamumuhunan na magtayo ng mga negosyo sa Mindanao. Ang mga negosyong ito ay magi-ging malaking tulong upang mapagyaman ang mga ta-lento ng kababayan natin sa katimugan.