Ni: Vick Aquino Tanes
Dahil sa pagpupursigi ng Department of Transportation (DOTr) na maipatupad ang PUV Modernization Program, katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), unang mabibigyan ng safe na masasakyan ang mga emple-yado ng Senado sa pakikipagtulungan ng Senate Employees Transport Service Cooperative (SETSCO).
Kasabay nito ang pagbibiyahe ng mga modernong jeepney para sa mga pasahero na patungong Star City, Philippine International Convention Center (PICC), Cultural Center of the Philippines (CCP), Mall of Asia (MOA), Senate, Government Service Insurance System (GSIS) at biyahe sa Macapagal Boulevard sa Pasay City.
APRUB SA SENADO
Una nang inaprubahan sa Senado ang plano ng DOTr na magbigay ng biyahe para sa mga empleyado ng Senado at para na rin sa mga magpupunta sa madadaanan ng ruta.
Aprub ito kina Senate President Vicente Sotto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Aquilino Pimentel Jr. at Sherwin Gatchalian, na nakiisa sa naganap na launching kamakailan kasama sina DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Tim Orbos at LTRFB Chairman Martin Delgra III, at mga kawani ng SETSCO na makikiisa sa pagbibigay ng maayos at ligtas na masasak-yan ng empleyado ng senado.
Nabatid na nagkaisa ang mga samahan ng empleyado ng Senado para magkaroon ng maayos na masasakyan mula sa pag-aaral ng Office of the Transport Cooperative (OTC), na siyang nagrekomenda na maglaan ng modernong jeepney sa nasabing lugar.
Ang SETSCO ay nabigyan ng prangkisa para mamahala sa kapakanan ng mga emplayedo.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III, nakikita rito na alam na ng mga transport leaders ang kainaman ng maayos na sistema.
”Kaya naman po talaga itong gawin. Nakasuporta po tayo sa mga kooperatiba basta’t kumpleto ang mga dokumento, may maayos na ruta at kaisa natin sa pagsusulong ng PUVMP. Sila rin naman po ang makikinabang dito sa bandang huli,” paliwanag ni Chairman Delgra.
OK SA PWD AT SENIOR ANG MODERNONG JEEP
Malaki ang maitutulong ng modernong jeepney para sa mga nakatatanda at maging sa mga may kapansanan. Ito ay dahil sa ligtas, malinis at maaasikaso pa ang mga pasahero.
Paliwanag ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Tim Orbos, mahalaga na makita na ligtas ang mga pasaherong sasakay sa jeep. Hindi na uso ang bara-bara, dapat ay mapa-ngalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero, bata man o matanda.
“Dapat po ang mga mo-dernong public transport, hindi lang ligtas at kumpor-table. Ito ay dapat para sa lahat. Pag sinabing lahat, kasama po rito ang mga senior citizens o nakatatanda, gayundin ang mga Persons-with-Disabilities (PWDs),” ayon pa kay Usec. Orbos.
TUGADE, NAGBABALA SA MGA PASAWAY NA TRANSPORT SECTOR
Nagbabala si Transportation Secretary Arthur Tugade sa mga pasaway na transport groups na makiisa na lamang sa modernisasyon kundi ay mas mahigpit na patakaran ang mangyayari sa kanila.
“We cannot delay nor deny the public of their right to convenient, affordable and roadworthy mass transport. Pinangako iyan ni Presidente Duterte kaya tungkulin ko na siguruhing iyong mga bulok na at hindi na dapat pang sakyan ay maialis na natin sa kalsada,” paliwanag ni Secretary Tugade.
Hindi umano natatakot si Tugade sa mga banta sa kanya bagkus ay isa umano itong hamon para sa kanya para mas mapabuti pa ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.
“Magrally sila kung gusto nila. Sunugin nila ang effigy ko kung gusto nila. But I will insist on the PUV Moder-nization program. Hindi ko sinasagasaan ang mga driver at operator sa paghahanapbuhay nila. Ang pakiusap ko lang sa paghahanapbuhay nila, ‘wag ka namang bumawi ng buhay ng iba,” pagdidiin ni Tugade.
Kaugnay nito, sinabi ni Tugade na marami pa at malaki ang kanyang plano para sa modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan, kabilang na rito ang mga tren ng Philippine National Railways (PNR), Metro Railway Transit (MRT) at Light Railway Transit (LRT).
100 BAGONG JEEP, NAKAPASADA NA
Una nang nakabiyahe sa bansa ang may 100 na jeepney na masasabing modernisado dahil sa patakaran na walang bulok na jeep ang papayagan pang makapasada.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III, may 180,000 jeepneys nationwide ang papalitan ng mga bagong unit sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.
Marami namang mga o-perators at transport sectors ang nakiisa at nakita ang prototype vehicles na naaayon sa DOTr specifications.
Nais kasi ng pamahalaan na palitan ang mga bulok na jeep na may edad 15 taon pataas ng mga environment-friendly jeepneys na may mga safety features.
Una rito, inamin ng LTFRB sa house hearing na kulang pa sila sa paghahanda sa gaga-wing modernization program sa mga passenger jeepney kayat ang ilang mambabatas ay tumawag ng pansin na ayusin munang mabuti ang pagpaplano hinggil sa jeepney phaseout bago ito tuluyang maipatupad.
Umaabot sa 600,000 jeepney drivers at operators naman ang maaapektuhan sa gagawing jeepney phase out ng pamahalaan pero diin ng DOTr, kailangang maipatupad ito.