ADMAR VILANDO
ITINALAGA si Police Lieutenant General Francisco Archie Gamboa, deputy chief PNP for administration bilang officer-in-charge ng PNP matapos na magbitiw sa pwesto si Police General Oscar Albayalde.
Sinaksihan ni Interior Secretary Eduardo Año ang simpleng turnover ceremony sa pagitan nina Albayalde at Gamboa.
Si Gamboa ay Mistah ni Albayalde sa Philippine Military Academy (PMA) class of 1986.
Ang desisyon ni Albayalde na mag ‘non-duty’ status ay kasunod ng imbestigasyon ng Senado kung saan nadidiin ang kanyang pangalan sa kontrobersya sa nangyaring raid sa Pampanga noong 2013.
Inaasahan ang pagkakaroon ng bagong PNP chief sa Oktubre 29.