ADMAR VILANDO
IBINIDA ng Philippine National Police o PNP ang mga bago nilang kagamitan bilang bahagi ng kanilang modernisasyon at paglaban sa kriminalidad sa bansa sa Camp Crame.
Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, aabot sa P3-B ang halaga ng mga kagamitan na binili pa mula sa Estados Unidos, Russia at Israel.
Kabilang dito ang dalawang single engine turbine helicopter na nagkakahalaga ng mahigit P450 milyon, tatlong EOD robots na mahigit sa P50 milyon at isang bomb suit na umaabot sa mahigit P1.5 milyon.
Gayundin ang mga assault rifle, pistol, mga bala, helmet, vest, night vision googles, ballistic eyewear, handheld radio at signal jammer.
Bumili rin ang PNP Special Action Force ng 37 medium troop carriers.
Habang ang labindalawang 4×4 pick-up ay mula sa donasyon at ilalaan sa Misamis Occidental.