HOUSE Speaker Alan Peter Cayetano
HANNAH JANE SANCHO
IPINAHAYAG ngayon ni House Speaker Alan Peter Cayetano na mangolekta ang kamara de representantes sa lahat ng mga miyembro nito upang makakalap ng hindi bababa sa P10 milyon magmula sa kanilang mga suweldo para sa January 2020 upang ibigay bilang additional benefits sa mga Filipino gold medalists sa 30th Southeast Asian Games o SEAG.
Layon ng naturang kapasyahan sa ilalim ng house resolution no. 568 na i-congratulate at ipagbunyi ang mga Pilipinong manlalaro na nanalo at mananalo pa sa naturang sporting event bilang paghahanda sa massive medal haul ng bansa.
Ang pledge ng mga kongresista na hindi bababa sa P10 milyon bilang additional benefits sa mga gold medalist ay pinangunahan nina Speaker Cayetano na siyang chairman ng Philippine Sea Games Organizing Majority Leader Martin Romualdez, Deputy Committee o PHISGOC, Speakers Paolo Duterte at Prospero Pichay, house committe on accounts chairman rep abraham Tolentino na siya ring tagapangulo ng Philippine Olympic Committe o POC at House Committte On Youth And Sports Development Chairman Rep Eric Martines.
Aniya, ang hakbangin ay bilang pagpapakita ng pangkalahatang honor at pride sa bansa at silang mga lider at miyembro ng kamara ay marapat lamang na magbigay ng kani-kanilang individual pledges galing sa kanilang mga suweldo para sa January 2020 bilang additional incentives sa mga Filipinong gold medal winners sa nabanggit na palaro.