POL MONTIBON
IBINABA na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 2 ang status ng Bulkang Taal.
Ayon sa PHIVOLCS, nabawasan na ang mga volcanic earthquake activity ng bulkan.
Dagdag pa ng mga eksperto, huminto na ang ground deformation sa Caldera at mismong Taal Volcano Island at humina na ang pagbuga ng steam o gas sa main crater.
Mula noong Enero a-26 ay nakakapagtala ng isandaan at apatnapu’t isang volcanic earthquakes kada araw ang Taal volcano network.
Habang nasa isandaan at dalawampu’t pito na volcanic quakes na may magnitude 1.4 hanggang 4.3 ang naitala ng Philippine Seismic Network sa buong Taal region.