Ni: Jonnalyn Cortez
BINASAG ni Nadine Lustre ang kanyang katahimikan upang magsalita ukol sa kumakalat na tsismis na paghihiwalay nila ni James Reid. Ikinaila ng Kapamilya aktres ang kanila umanong paghihiwalay at sinagot ang batikang entertainment writer na si Ricky Lo sa pagdawit nito sa isyu ng kanyang mental health.
Sa kanyang Instagram story, sinagot ni Lustre ang mga akusasyon laban sa kanya at kanyang nobyo. “First off, that was low @therealricklylo @philippinestar,” wika ng actress sa kanyang post ukol sa sinulat na artikulo ni Lo sa Philippine Star.
“Second, none of what you said was true & It is NEVER okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental Illness is a very sensitive matter,” dagdag pa nito sa paggamit ni Lo sa kanyang mental health problem.
Diumano, maingat si Reid sa nararamdaman ni Lustre matapos ang kanilang hiwalayan dahil sa mental illness nito. Bukod kay Lustre, maraming fans at mga taong dumaan at may depresyon ang nag-react sa pagdawit sa ganitong uri ng karamdaman. Meron na ring batas upang pangalagaan ang mga taong meron nito.
Sa isang post ni Dr. Gia Sison sa Twitter, binanggit nito ang RA 11036 or Mental Health Law na sinisiguro ang pagkakaroon ng tamang mental health services at pangangalaga sa karapatan ng mga taong meron nito. Wika rin nito na hindi kailanman isang biro ang suicide at dapat seryosohin ang usapin ukol sa mental health.
“Use your platforms wisely,” payo ni Sison. “Let’s start this year with that- education on mental health, the law was signed June 20, 2018 so 2020 na. Anu na.”
Jobert Sucaldito, nag-public apology na kay Nadine Lustre
MATAPOS maharap sa matinding pambabatikos online ay nag labas naman ng public apology ang talent manager at radio host na si Jobert Sucaldito sa aktres na si Nadine Lustre.
Ito ay kaugnay ng kaniyang pahayag kung saan sinabihan nito ang aktres na sana’y tumalon na lamang sa building.
Say ni Jobert, humihingi siya ng tawad sa kay Nadine at sa lahat ng na-offend at na-apektuhan sa kaniyang naging pahayag.
Humingi din ng paumanhin ang talent manager sa radio station kung saan niya inere ang naturang statement.
Sa ngayon ay iniimbistigahan na ng naturang estasyon ang tirada ni Jobert on air sa aktres.
Hindi naman nag-isyu ng kaniyang statement si Nadine kaugnay ng kontrobersya.
Magugunitang inulan ng batikos si Jobert dahil sa tila pangmamaliit at pagbibiro nito sa mental illness at suicide.