YNA MORTEL
MATAPOS ang matagumpay na kampanya ng Philippine Women’s Softball National team sa taong 2019 ay umangat ang kanilang puwesto sa world rankings.
Lumagay na sa ika-11 spot ang women’s team ng Pilipinas sa World Baseball Softball Confederation (WBSC) softball women’s world rankings.
Umangat sila ng dalawang puwesto matapos makapagtala ng kabuuang 2,110 points at naungusan nito ang bansang Czech Republic at Great Britain.
Samantala, lumagay naman sa ika-apat na spot ang softball women’s team sa Asian women’s softball championship at Asia Cup under-17 women’s softball.
Malaking kontribusyon naman sa naging tagumpay ng Blu Girls ang naging pagkapanalo nila nitong nakaraang Southeast Asian Games 2019.