HANNAH JANE SANCHO
BUMUO na ng isang seven-man panel ang Office of the Ombudsman para siyasatin ang posibleng maling paggamit ng pondo ng 30th Southeast Asean Games.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, sinimulan na ng panel ang fact-finding investigation sa alegasyon ng korupsyon sa SEA Games
Sinabi ni Martires na sakop ng imbestigasyon ang mga opisyal ng Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) kasama si PHISGOC chairman, House Speaker Alan Peter Cayetano.
Una nang sinabi ni Cayetano na handa siya at ang PHISGOC na harapin ang anumang imbestigasyon ukol sa alegasyon sa SEA Games kapag natapos na ang palaro.
Matatandaang kabilang sa kinukwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang limampung milyong halaga ng itinayong cauldron.