Enjoyin ang 2 oras na pagkain na unli pizza, pasta, wings, rice, at drinks sa UNLI.
Ni: Jonnalyn Cortez
PINAGKAKAGULUHAN ngayon ang bagong bukas na kainan sa UP Village, ang UNLI (unlimited). Sa halagang Php299, maaari ka ng kumain ng unli pizza, unli wings, unli pasta, unli rice, at ang kanilang pinagmamalaking, unli shrimps. Kasama na rin dito ang bottomless na inumin.
Sulit na sulit nga kung susumahin ang pagkain dito sa UNLI. Kaya naman, agad na pumatok ang gimik nilang ito mula nung makita at kumalat ang kanilang offer sa social media. Sa katunayan, sa loob lamang ng tatlong araw, agad silang nagkaroon ng 98,000 likes sa kanilang Facebook page.
Dahil nga sa dami ng tao na gusting kumain rito, hinihikayat ng pamunuan ng restaurant na kumuha muna ng reservation ang mga nais pumunta rito. Ito ay upang maiwasan ang hindi ma-accommodate dahil sa dami ng kumakain – dahil na rin sila ay nagsisimula pa lamang at konti pa lang ang mga tauhan. Isa na rin itong paraan upang mapanatili nila ang pag-se-serve ng unli na pagkain at, syempre pa, ang sarap nito.
Ang dagsa ng taong kumakain sa UNLI.
Humihingi naman ng pasensya ang mga tao sa likod ng UNLI. dahil sa hindi na nila masagot ang mga reservation request dahil na rin sa dami nito. Gayunpaman, kanilang sinisiguro na and presyong Php299 ay hindi magbabago at hindi promo lamang.
Ang mga customer na mapalad na makapag-pa-reserve ay may dalawang oras upang enjoyin ang kanilang unli na pagkain at inumin. At katulad ng ibang eat-all-you-can na kainan, bawal rin dito ang magtira at makihati ng pagkain. Ang mga senior citizen at PWD ay meron ding discount – imbes na Php299, Php240 na lang ang kanilang kailangang bayaran. Php188 naman para sa mga bata.
Ang UNLI. ay matatagpuan sa 27 Mayaman St. UP Village, Quezon City, bukas mula 4 pm hanggang 11 pm. Maaari namang magpa-reserve sa kanilang Facebook page, hanapin lamang ang UNLI.