• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 28, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Pilipinas

May krisis ba sa tubig?

March 25, 2019 by Pinas News

Ni: Louie C. Montemar

ALAM ba ninyong ayon mismo sa United Nations, 844 milyong tao sa buong mundo ang kulang ang access sa inuming tubig (higit sa isa sa bawat 10 tao sa planeta)?  Mga bata at matatandang babae sa buong mundo ang gumugugol ng may 200 milyong oras para lamang sa pag-iigib ng tubig araw-araw?  Sa average, ang mga babae sa rural Africa ay naglalakad ng anim na kilometro araw-araw upang makapag-igib lamang ng 19 na litro ng tubig?

Sa Pilipinas naman, ayon sa grupong Water.Org, siyam na milyong tao ang walang access sa malinis na tubig at 19 na milyon ang walang access sa maayos na sewage at sanitation systems. Nililinaw din ng grupo na kung walang malinis na tubig, ang mga pamilya at komunidad ay natatali sa kahirapan sa loob ng ilang henerasyon.

Paano? Tuntungan sa magandang kalidad ng buhay ang access sa malinis na tubig. Kung ang mga tao ay walang pagkukunan ng malinis na tubig, lalong hindi nila maaalagaan ang kanilang katawan at ang kalinisan ng kanilang paligid. Sa ganitong kalagayan, may matinding banta sa kalusugan lalo na ng mga bata o ng mga may kahinaan ang pangangatawan. Araw-araw, higit sa 800 na bata sa edad lima at pababa ang namamatay mula sa pagduming maiuugnay sa kakulangan ng sanitasyon sa hirap ng pagkuha ng tubig.

Kung gayon, dumadalas ang pagliban sa paaralan ng mga mag-aaral sa kalagayang may suliranin sa tubig. Kapag mayroong may sakit sa pamilya, napababayaan din ang kabuhayan ng buong sambahayan.  Mula sa ganitong kalagayan, malinaw kung paano tila lubid na nagtatali sa kahirapan ang suliranin sa tubig.

Kung gayon, totoo man o hindi ang dahilang salat tayo sa tubig dahil sa tagtuyot ngayon, malinaw na dapat pa rin nating harapin ang usapin sa kakulangan ng tubig lalo na dahil patuloy na lumalaki ang ating populasyon.

May krisis sa tubig sa buong mundo, oo, hindi lamang sa Pilipinas. Kailangan sa usaping ito ang pamumunong maalam at may puso upang ang interes ng lahat ay mabigyan ng karampatang konsiderasyon.

Opinyon Slider Ticker Louie C. Montemar May krisis ba sa tubig? Pilipinas

Mag-tren tayo?

March 25, 2019 by Pinas News

Ni: Louie Checa Montemar

KAILAN ka huling nakasakay ng tren sa Pilipinas? Lalo na sa PNR?

Napakahalaga ng isang maayos na sistemang pangtransportasyon sa isang makabagong lipunan. Kung may problema rito, babagal ang produksiyon ng ekonomiya, maaantala ang pakikipag-ugnayan ng mga tao, at sa pangkalahata’y bababa ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan.

Ang tren ang isa sa pinakamainam na paraan ng transportasyon sa mga pinakaabanteng bansa sa mundo. Sa kaso ng ating bansa, malinaw na malaki pa ang maiuunlad ng train system upang mapagsilbihan nang lubos ang ating mga kababayan.

Ang ating Philippine National Railways (PNR), na nagbukas pa noong 1892, ay dating ginagamit upang magpatakbo ng halos 800 kilometro mula sa La Union papuntang Bicol. Sa halip na lumawak pa ang sakop at lalong dumami ang mga bayang mapagsilbihan nito, umiksi pa nga ang ruta nito na ngayo’y naaabot na lamang ang Metro South (Tutuban-Alabang-Tutuban, Tutuban-Mamatid-Tutuban, Tutuban-Calamba-Tutuban), Bicol (Naga-Sipocot) at Metro North (Pascual, Malabon-FTI, Tutuban-Governor Pascual, Malabon).

Dumarami man ang napagsisilbihan ng sistema ng tren, lalo na kung isasama sa pagtatasa ang operasyon ng LRT at MRT, marami pa ring hinaharap na hamon sa pagpapagana ng mga sistemang ito. Sa PNR na lamang, libu-libong tao ang umaasa rito araw-araw subalit napakadalas ng pagkaantala ng serbisyo nito at laging siksikan ang mga bagon sa araw na may mga pasok sa paaralan at opisina.

Kahit pa nga makailang ulit nang lumaki ang singil ng mga biyahe sa PNR, hindi naman halos nagbabago ang kalidad ng serbisyo nito.  Higit sa lahat, ang isang nagba-biyahe ay hindi makasisiguro sa iskedyul ng pagdating o pag-alis ng isang tren sa sistema nito. Naiulat pa nga kamakailan lamang na nasa mahigit pitong daang biyahe nito ang nakansela sa unang dalawang buwan ng 2019.

Sa kabila nito, patuloy naman ang mga karaniwang tao sa pagtangkilik sa serbisyo nito dahil halos walang alternatibong transportasyon para sa kanila.

Sana naman ay mas seryosohin ng mga nangangasiwa natin ang pag-aayos sa ating mga sistema ng tren. Ang mas nakararami sa ating mahihirap na mamamayan ay nakaasa na rin sa tren at hindi lamang sa mga jeep o tricycle.

Sa pag-aayos ng mga sistema ng tren, nawa’y maging pangunahin sa isip ng ating mga lider ang kapakanan ng ordinaryong si Juan.

Kailan ka huling nakasakay ng tren sa Pilipinas?  Mag-PNR tayo?

Editorial Slider Ticker (Pascual Malabon-FTI Tutuban-Governor Pascual Malabon) La Union Louie Checa Montemar Mag-tren tayo? Philippine National Railways (PNR) Pilipinas PINAS

Ang pagsisid sa Mactan island

February 7, 2019 by Pinas News

ANG makisig na tindig ni Lapu-lapu na siyang nakipagdigma kay Magellan.

 

Ni: Eugene Flores

LIKAS na kilala ang archipelago ng Pilipinas sa bukod tangi nitong bahagi, ang Cebu.

Dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at maging mga banyaga ang Cebu City na popular dahil sa mga beach nito.

At kung sakaling mapadpad dito, mayroong isang lugar na hindi dapat makaligtaan bisitahin upang masulit ang ganda ng Cebu, ito ay ang isla ng Mactan kung saan matatagpuan ang Cebu International Airport.  Kaya sa mismong paglapag pa lamang ay maari nang mapuntahan ang mga magagandang destinasyon sa isla.

MAG-snorkeling sa mga marine sanctuaries sa isla.

 

Halina’t alamin ang mga pinagmamalaking lugar ng isla ng Mactan.

Kilala ang Mactan bilang isang coral island kung kaya’t patok at pinagmamalaki ng mga taga roon ang kanilang diving at snorkelling activities.

Mayroong kilalang mga diving spot sa isla na kakikitaan ng mga lamang dagat na bihirang makita sa ibang lugar, bukod dito maari ring mas lumalim ng 20 metro ang sisid kung ang hanap ay adventure.

Bukod dito, maari ring mag water sport pa sila, patunay na hindi lamang sagana sa mga coral ngunit pati sa mga liguan.

Matapos ang nakakapagod ngunit nakakaaliw na pagsisid sa karagatan at sanctuario ng Mactan, maaring magpahinga sa mga bungalow sa isla na tanging hampas ng alon at ihip ng hangin ang maririnig.

MAAARING mag island hopping sa mga karatig isla ng Mactan.

 

Upang muling mapagmasdan ang buong isla, maaring magtungo sa Scape Skydeck kung saan matatanaw ang buong isla, tampok para sa mga turistang mahilig sa selfie at photography.

Syempre, hindi rin papahuli sa mga nakatakam na putahe ang lugar, magtungo lamang sa Lantaw Native Restaurant at mabubusog hindi lamang ang inyong tiyan kundi pati mga mata. Binibisita ito ng mga magkasintahan upang pagmasdan ang kalangitan habang ninanamnam ang iba’t-ibang pagkain.

At hindi papahuli ang istatwa ni Lapu-Lapu na kilala bilang magiting na bayani na lumaban sa mga kastila taong 1521. Ang 20 metrong istatwang gawa sa tanso ay tiyak na hindi pinalalagpas ng mga turistang napapadpad sa lugar dahil sa malawak na kasaysayan at kahalagahan nito sa ating bansa.

 

Environment Slider Ticker Cebu City Cebu International Airport Eugene Flores Pilipinas PINAS

Pinas, ginawang tambakan ng basura?

January 22, 2019 by Pinas News

SOUTH Korea nagpasok ng tone-toneladang basura sa bansa.

Ni: Jonnalyn Cortez 

MARAMI ang nagulat nang lumabas ang balita tungkol sa tone-toneladang basura na ibinababa sa seaport ng Tagoloan, Misamis Oriental mula sa South Korea noong nakaraang taon.

Nananatiling palaisipan sa maraming Pilipino kung bakit binabagsakan ng mga banyagang bayan ng santambak na basura ang ating bansa na para bang ito ay isang malaking dump site.

Matatandaang nagpasok din ng basura ang Canada dito sa Pilipinas na hanggang ngayon ay nakatambak pa rin sa ating lupain.

Ayon sa mga ulat, dumating sa Mindanao International Container Terminal noong Hulyo 2018 ang ang barko mula South Korea na puno ng basura. Base sa mga dokumentong hawak ng mga Customs officials, ang Koreanong kompanya na Verde Soko Philippines Industrial Corporation ang consignee ng mga kargamento.

Idineklarang “plastic synthetic flakes” ang laman ng naturang kargada, ngunit 5,100 na tonelada ng basura ang nakita rito. Sinasabi ng kumpanya na mali ang naideklarang nilalaman nito at raw materials daw para sa paggawa ng furniture, pero hindi naman maipaliwanag ng kinatawan nito kung paano ito nangyari.

Sinabi naman ni MICT Port Collector John Simon na kung ang idineklarang laman ng padala ay plastic flakes, dapat lamang na plastic flakes ang makikita rito at wala ng iba. Subalit, ilan sa mga natagpuang nilalaman nito ay mga plastic waste, iba’t-ibang materyales katulad ng kahoy at metal waste na pare-parehong hindi dumaan sa tamang proseso ng pagre-recyle.

ECOWASTE Coalition hiniling ang pagbabalik ng basura mula sa South Korea sa kanilang bansa.

 

RE-EXPORTATION AT ANG PANGAKO NG SOUTH KOREA

Ipinangako ng South Korea na kukunin nitong muli ang tone-toneladang basura na ipinasok sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng gobyerno nito na magsasagawa sila ng mga hakbang upang mabalik ang mga nasabing basura sa kanilang bansa sa lalong madaling panahon.

“The Ministry of Environment on November 21 initiated legal procedure to have the wastes in question in the Philippines be brought back in accordance with Article 20 of the Law on Cross-border Movement and Disposal of Wastes – Prior Notice of Repatriation Order – and embarked on investigation of the violation of Article 18-2 of the said law – False Export Declaration,” dagdag pa nito.

Ayon sa isang opisyal ng BOC, mga 6,500 na tonelada ng basura ang ibabalik sa Pyeongtaek City. Nagkakahalaga naman ng $47,430 o P2,493,869.40 ang gagawing re-exportation.

“We expect the 51 garbage-filled containers stored at MICT to be homebound by January 9 provided that all regulatory requirements are readily available,” wika ni Simon sa joint news conference ng BOC at EcoWaste Coalition.

“Their expedited re-export is what BOC wants and this is what our people are yearning for,” dagdag ito.

Gayunpaman, siniguro ni Simon na ginagawa nila ang lahat ng dapat ayusin upang matiyak na ang lahat ng basura na nakatambak sa Verde Soko compound sa Barangay Santa Cruz sa Tagoloan ay maibabalik sa pinagmulan nitong bansa ngayong buwan.

Alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act, Republic Act 6969 o ang Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act, at ang Basel Convention on the Control of Transboundary Movements of Hazardous Wastes and Their Disposal ang gagawing re-exportation.

Binaba ang desisyon na ibalik ang mga naturang basura isang linggo matapos ang bilateral meeting sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at South Korea sa Tagoloan.

Merong higit na 35 na kalahok ang nasabing pulong, kabilang ang isang delegasyon na binubuo ng apat na katao mula sa South Korea na pinamumunuan ni Lee Jong Min mula sa Ministry of Environment.

HALIMBAWA ng basura na itinambak ng South Korea sa bansa.

 

VERDE SOKO, MAHAHARAP SA PAGLILITIS

Ibinunyag ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na ang consignee ng kargamento na Verde Soko ay walang sapat na permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang mag-import ng materyales na ito sa bansa.

Sa ilalim ng patakaran ng departamento, kinakailangang makakuha ang mga nakarehistrong importer ng import clearance mula sa environment department ng hindi bababa sa 30 araw bago ganapin ang importasyon. Meron hawak na tamang permit ang pagpasok ng basura mula sa Canada.

Sinabi rin ni Antiporda na hindi rehistrado ang naturang kumpanya bilang importer ng mga recyclable materials.

Dagdag naman ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy, nakatakdang magsagawa ng paglilitis ang House of Representatives ukol sa pagbabagsak ng Verde Soko ng foreign wastes sa bansa.

Kailangan umanong humarap ang kumpanya sa provincial government ng Misamis Oriental, DENR at the Phividec Industrial Estate Authority para sa lahat ng posibleng paglabag sa environmental and business operation laws kaugnay sa importasyon ng basura.

IMPORTASYON NG BASURA, INSULTO SA DIGNIDAD NG BANSA

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nagbagsak ng basura sa ating bansa.

Noong 2013, matatandaang nag-import ng 50 container ng basura mula Canada ang kumpanyang Chronic Plastics Inc. na nakabase sa Valenzuela City.

Katulad ng kargamento mula sa South Korea, mali rin ang idineklara nitong laman ng kargada na sinasabing recyclable materials.

Nagdulot naman ito ng matinding takot sa mga environment groups sa paniniwalang maaaring naglalaman ito ng mga toxic materials. Mahigit sa kalahati o 29 na containers na ang naitapon sa dump site sa isang landfill sa Tarlac.

Noong 2017 naman, tinawag ng BOC ang atensyon ng isang South Korean shipper na kunin ang iniwan nitong 5,000 metriko tonelada ng pinaghihinalaan ding basura na tinambak sa Mandaue City sa Cebu.

Iprinotesta ng mga environment groups ang pagbabagsak ng basura sa mga daungan sa Pilipinas, lalo na nga pagkatapos magdala ng basura ang Canada sa bansa.

Kinondena naman ni Senator Aquilino Pimentel III ang mga pagbabagsak ng basura na ito sa Pilipinas. Hihingi rin diumano ito ng update ukol sa mga waste materials galing sa Canada.

“As far as I’m aware, as of January 2018, the matter has yet to be resolved. The Canadian Prime Minister promised to resolve the matter when he went here for the 31st ASEAN Summit in November 2017. There’s been no follow through ever since. We need immediate and concrete action on this,” pahayag nito.

Sinang-ayunan naman ito ni Uy at sinabing kinakailangang bisitahin muli ang isyu ng mga basurang nagmula sa Canada pagkatapos masolusyunan ang problema sa South Korea.

“The lessons learned from this Verde Soko case should be applied to the Canada garbage case whenever relevant. There is also the need to have the Department of Foreign Affairs follow-up with Canada on the legal and legislative actions they should have taken by now,” pahayag nito.

Binigyan-diin naman ni Pimentel na hindi “dumping ground” ng kahit sino man ang bansa.

“The Philippines should assert its dignity and co-equal standing as a sovereign state in the community of nations. We should not be seen as a recipient, officially or unofficially, of waste material coming from other countries,” aniya.

Nanawagan naman si Aileen Lucero, EcoWaste Coalition National Coordinator, ng pagpapatibay ng mga mahigpit na patakaran upang mapigilan ang pag-ulit ng mga ganitong pangyayari, kabilang na ang crackdown sa pag-import ng mga plastik na basura.

“We need to act decisively to protect our country from turning into a global dump for plastics and other wastes that China no longer wants,” wika nito.

Pambansa Slider Ticker Aileen Lucero EcoWaste Coalition National Coordinator Canada Department of Environment and Natural Resources (DENR) Environment Undersecretary Benny Antiporda Jonnalyn Cortez Lee Jong Min Mindanao International Container Terminal Misamis Oriental Rep. Juliette Uy Pilipinas PINAS Senator Aquilino Pimentel III South Korea

Kongreso inaprubahan ang pagtatayo ng Philippine Space Agency

December 18, 2018 by Pinas News

Ni: Jonnalyn Cortez

INAPRUBAHAN sa pangatlo at huling pagbasa — by unanimous vote ng 297 — ang House Bill 85410, ang Philippine Space Development Act.

Layunin nitong magtayo ng Philippine Space Agency (PhilSA) na mamahala sa pagtataguyod ng national space program sa bansa at ang pagtatatag ng Philippine Space Development and Utilization Policy.

Erico Aristotle Aumentado at Seth Frederick Jalosjos

 

Inihain ni Senator Benigno “Bam” Aquino IV ang bersyon ng bill sa Senado at ang parehong bersyon naman nito ay inihain sa Kongreso nina Bohol 2nd District Representative Erico Aristotle Aumentado at Zamboanga del Norte 1st District Representative Seth Frederick Jalosjos.

Bam Aquino inihain ang Philippine Space Development Act sa Senado.

 

Ayon kay Senator Bam Aquino, “The PhilSA would be responsible for developing space science technology policies, implementing research and education programs, and establishing industry linkages between private and public sector stakeholders,” nakasaad sa explanatory note ng bill sa Senado.

“Lastly, the PhilSA would be our country’s representation for international space agreements and arbitrations.”

Magiging central government agency ang PhilSA na mangangasiwa sa lahat ng mga pambansang isyu at aktibidad na may kinalaman sa space science at technology application. Inilalarawan ito ng bill bilang “scientific principles” at “space science, engineering,” at iba pang may kinalaman dito.

Layunin din nitong gumawa ng isang framework para sa space policy na mangangasiwa sa anim na pangunahing development areas. Kabilang dito ang national security and development, hazard management and climate studies, space research and development, space industry capacity building, space education and awareness, at international cooperation.

Nakatakda namang ilipat ang mga trabahong may kinalaman sa astronomical space sa naturang ahensya mula sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Science and Technology (DOST).

Dati nang sinabi ni National Space Development Program leader Dr. Rogel Mari Sese na ang pamumuhunan na magkaroon ng isang space science ay magbibigay ng pangmatagalan at kayang itaguyod na benepisyo sa bansa.

“For every peso the Philippines would spend on a space program, the quantifiable return of investment would be about P2.50. So it’s not a money-losing venture —it’s a money-making venture, and that’s just based on infrastructure savings alone,” saad nito.

Mga trabahong pang space agency

Sa kasalukuyan, iba’t-ibang ahensya ang nagsasagawa ng mga trabaho na dapat ay pang space agency. Kabilang dito ang disaster risk management na hinahawakan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga pag-aaral ukol sa astronomical science na ginagawa ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) at mapping na nasa ilalim ng National Mapping and Resource Information Agency (NMRIA).

Ang National SPACE Development Program ang bumubuo ngayon ng framework at nagtatatag ng foundation para sa space agency ng bansa.

Sasailalim ito sa DOST, na siya ring magpopondo rito. Susubaybayan naman ito ng DOST-Philippine Council for Industry and Emerging Technology Research and Development.

Eksklusibong magsasagawa naman ng Philippine Space Development Fund para gamitin sa mga operasyon nito.

Nakatakda itong magkaroon ng dalawang sangay na itatayo sa Clark Special Economic Zone sa Pampanga at Tarlac.

Pagyabong ng space science

Sa kabila ng kawalan ng isang central space agency, nagawa pa rin ng bansa na paunlarin ang space science.

Nailunsad na sa kalawakan mula sa Tanegashima Space Center noong Oktubre 29, ang pangalawang microsatellite na Diwata-2 na gawa sa Pilipinas. Katulad ng Diwata-1 na kayang kunan ng mga imahe ang mundo para sa mga environmental assessments, tutulong ito upang subaybayan ang lala ng magiging pinsala ng mga paparating na sakuna.

“The success of Diwata-1 and 2 is only the start of the success of our space explorations, and with the help of a centralized agency, I believe we can move further in developing Filipino space scientists, space science researchers, and astronomers,” saad ni Valencia.

Pagkakaroon ng space agency

Naniniwala ang mga nagsumite ng HB 8541 na ang pagpapaunlad ng agham at teknolohiya sa pamamagitan ng isang space program ay maaaring magpatibay ng nasyonalismo at pagkamakabayan.

Nakasaad din dito na tutulong ang mga programa nito na pangalagaan ang soberanya at territorial integrity ng bansa.

“As a developing country and emerging economic powerhouse in the Asia-Pacific region, it is crucial for the Philippines to embark [on] the efficient utilization of space science and technology applications to address various national development and security issues,” saad nina Aumentado at Jalosjos sa explanatory note nito sa Kongreso.

“A Philippine Space Agency, with its consolidated programs and strategies for space science and technology, will pave the way for future Filipino astronomers, space scientists, and astronauts by laying down a strong foundation in space science education and research,” paliwanag naman ni Aquino sa explanatoy note ng bill sa Senado.

Nakatakda nang bumuo ng komite na siya namang gagawa ng pinagsama-samang bersyon ng bill na siyang ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pag-apruba.

Pambansa Slider Ticker Bohol 2nd District Representative Erico Aristotle Aumentado Department of Science and Technology (DOST) Department of Transportation (DOTr) DOST-Philippine Council for Industry and Emerging Technology Research and Development Dr. Rogel Mari Sese National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) National Mapping and Resource Information Agency (NMRIA) Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Philippine Space Agency (PhilSA) Philippine Space Development Fund Pilipinas PINAS Senator Bam Aquino Tanegashima Space Center Zamboanga del Norte 1st District Representative Seth Frederick Jalosjos

Unahin ang Ekonomiya

December 17, 2018 by Pinas News

Ni: Louie Montemar

Ayon sa Pulse Asia, mula Hunyo hanggang Setyembre ng taong ito, ang limang pangunahing isyu na nasa isip ng publiko ay ang presyo ng mga bilihin, sahod ng mga manggagawa, malawak na kahirapan, pagkakaroon ng trabaho, at katiwalian sa pamahalaan.

Sumunod na limang alalahanin ang paglaban sa kriminalidad, kapayapaan sa bansa, pagsira at pang-aabuso sa kalikasan, taas ng buwis, at ang maayos na pagpapatupad sa batas.

Nasa isipan din ng publiko ang kalagayan ng mga OFWs, paglobo ng populasyon, terorismo, at ang pag-angkin ng mga banyaga sa teritoryo ng Pilipinas. Kapansin-pansing panghuli sa listahan dahil sa mas kaunti ang tumugon nito ang pagbabago sa Saligang Batas.

Batay sa impormasyong ito at ang pagdami ng bilang ng mga mambabatas na galing sa mga dinastiyang pampulitika, kakulangan ng pamahalaan sa kapital para sa mga proyektong pangkaunlaran gaya ng nasa programang Build, Build, Build, baka mas mainam na pag-isipang muli ang panukala sa pagbabago ng Konstitusyon.

Ayon sa mga datos na nilabas ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga pananaliksik ng mga espesyalista, kukulangin pa ang inaasahang kabuuang koleksiyon sa TRAIN para pondohan ang pagpapatupad sa ipinapanukalang pederal na porma ng gobyerno sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Sa pormal na panukalang bagong Konstitusyon ng House of Representatives na pinasa na sa ikalawang pagbasa, tila pinapaboran pa ang pagdami at pagpalakas sa mga pampulitikang dinastiya dahil inalis na ang limitasyon sa pagtakbo ng mga magkakapamilya at bilang ng termino.

Kung hindi naman malinaw na may makabuluhang pagbabagong dadalhin ang isang magastos na bagong Konstitusyong gawa ng mga tradisyunal na politiko at napakarami pang iba pa namang prayoridad na usapin sa isip ng pangkaraniwang mamamayan, bakit hindi na lamang unahin ng Konggreso ang paggawa ng batas at patakarang mag-aayos sa ating ekonomiya?

Malinaw na sa mga mamamayan, pangunahin ang mga usaping pang-ekonomiya. Unahin natin ang mga ito.

Editorial Slider Ticker Build Build Build House of Representatives Louie Montemar OFWs Pilipinas PINAS Unahin ang Ekonomiya

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • …
  • Page 12
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.