Pinas News
Hindi kumakagat ang Pederalismo
Pinas News
kapansin pansin ang pag-iiba ng ihip ng hangin sa opinyon ng publiko sa usapin ng pagbabago ng porma ng pamahalaan patungong Pederalismo.
Noong isang taon lamang, nasa 44% ng mga Pilipino ang tutol sa Pederalismo. Ngayon, lumabas ang balitang nasa 64% na ng publiko ang hindi sang-ayon na gawing Pederalismo ang sistema ng ating pamahalaan gaya ng pinapanukala mismo ng Malakanyang.
Pinakamatindi ang pagtutol sa Pederalismo sa Luzon (75%), kasunod ng Mindanao (65%), at Visayas (60%), at ang National Capital Region sa 54%. Kakatwang mga taga-Maynila pa yata ang mas sang-ayon sa Pederalismo,
Iniulat na nasa 71% ng Class ABC o ang mga Pilipinong mas nakaangat sa ekonomiya, ang tutol sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan, kasunod ng Class D (68%), at Class E (60%). Lumalabas na hindi ganuon kainteresado ang mas mahihirap na palitan ang porma ng pamahalaan.
Higit sa isang-ikatlo o 36% ng mga Pilipino ang talagang tutol sa pagpapalit, samantalang nasa 30% lamang ang nagpapahiwatig na maaaring bukas sila dito sa hinaharap kahit na laban sila sa pagpapalit sa ngayon.
May dalawang bagay na nagiging malinaw sa ngayon at mahihinuha rin naman ito mula sa ating kasaysayang pampulitika: una, hindi dahil popular ang isang pinuno, agad silang papanig sa kaniyang mga panukala; at pangalawa, hindi basta maitutulak ang isang panukalang patakaran kung hindi ito nakatali sa mga pangunahing usapin ng mga tao sa pang-araw-araw gaya ng kabuhayan.
Napakapopular pa rin ni Pangulong Duterte subalit hindi pa rin niya nakukumbinsi ang marami na may halaga ang Pederalismo bilang panukala.
Lalong lumalaki ang hamon sa Pangulo dahil dama ng mga tao ang sinasabi sa istatistika na hindi bababa sa 12-15% (nasa 3 milyong pamilya o mga 15 milyong katao) ang patuloy na nakararanas ng gutom, at nasa 7M ang nakararanas ng gutom kasabay ng malnutrisyon. May 21.5% naman ng mga Pilipino ang nasa ibaba ng opisyal na itinakdang linya ng kahirapan (poverty line) habang nasa 46% ng publiko ang itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mahihirap o naghihirap.
Kailangan pa ng pamunuan ng matinding kampanya para rito. Higit sa lahat, kailangang makumbinsi ang publiko na may mas magandang kabuhayan sa ilalim ng isang Pederal na pamahalaan.
Robot teachers, motibasyon sa pag-aaral ng mga bata
Ni: Ana Paula Canua
ISANG hindi pangkaraniwang empleyado ang nadagdag sa primary school sa Finland, ito ang kanilang bagong language teacher na si Elias, isang humanoid robot.
Sa pamamagitan ng software nito ay may kakayahan si Elias na magsalita at makaunawa ng 23 lengguwahe, nakaprogram din ito para matukoy at maitala ang kakayahan ng mag-aaral at kung saan ito nahihirapan. Hindi lamang matalino ang robot na ito dahil kaya din nitong magpakita ng gilas sa pagsayaw ng “Gangnam Style.”
“In the new curriculum the main idea is to get the kids involved and get them motivated and make them active. I see Elias as one of the tools to get different kinds of practice and different kinds of activities into the classroom,” pahayag ni Riikka Kolunsarka, language teacher sa nasabing paaralan. Batid ng mga kapwa-guro ni Elias na hindi ito banta sa kanilang trabaho, sa halip ay makatutulong si Elias para sa karagdagang istilo ng pagturo.
May taas lamang na one foot si Elias at mula sa SoftBank’s NAO humanoid interactive companion robot. Si Elias ay gumagamit ng software na Utelias, isang educational software para sa social robots.
Nauna na rito nagkaroon na rin ng Math robot na si OVObot, isang kwagong robot na may laki lamang na 10 inches.
“The robot, not being a thinking individual, is unable to pose questions, elicit responses, prod for discovery learning and point a child towards engaging in a new train of thought or develop new ideas. It is also unable to meet the emotional needs of children.” Ito ang pahayag ni Melissa Bea, guro sa MY World Preschool sa Singapore, paaralan na gumagamit na rin ng robot sa pagtuturo.
Tulad ng ibang intelligent machines gaya ng telebisyon at computers kung saan labis ang interes na pinapakita ng mga bata, kaparehas din na interes ang nilalaan nila sa humanoid robots, dahil sa kanilang kasabikan na makausap at malaman ang kakayahan nito.
Layunin ng proyekto
Layunin ng pilot project na mapag-aralan ang epekto ng robot teachers, kung ito ba ay nakabubuti sa kalidad ng pagtuturo at pagkatuto ng mga bata.
Sa obserbasyon ng mga guro at scientists, kumpara sa ibang educational gadgets na ginagamit sa loob ng classroom, mas naglalaan ng atensyon ang mga mag-aaral sa patuturo ng mga robots. Ito’y hindi para tuluyang palitan na ang mga guro, kundi para matulungan lamang sila na maturuan ang mga bata. Nakatatak din sa isipan ng mga bata na tila laro lamang ang pagkatuto. At dahil robot ang kanilang kausap, hindi sila nahihiya o natatakot dito.
Nao at Milo roboteachers para sa mga batang may autism
Sa Singapore at Texas, kauna-unahang assistant teacher si Nao at Milo na nagtuturo sa mga batang may autism. Taong 2014, pinakilala sa Top cliffe Primary School si Nao. Layunin ni Nao na turuan ang mga bata ng social interaction. Iniisip mo marahil na bakit robot ang nagtuturo ng social interaction gayong wala naman itong totoong emosyon?
Ayon sa paaralan, dahil may espesyal na pangangailangan ang mga batang may autism, nakatulong si Nao at Milo para magbigay ng simplified interactions o yung simpleng mga social exchange na mas madaling masusundan ng mga batang may autism.
Mas kontrolado rin ng mga robot ang lebel ng pagtuturo sa mga batang may autism, ibig sabihin kapag nahihirapan matuto ang bata, maaari nitong ulit-ulitin ang pagtuturo hanggang sa makuha ito ng mag-aaral, mula doon paunti-unti ay mag-aadvance ang robot para maturuan pa ang bata at para mapabuti ang pakikisalamuha nito sa lahat.
Ayon naman sa website ng RoboKind’s sa tulong ni Milo, naobserbahan ang 70 percent difference sa improvement ng mga batang may autism kumpara sa traditional therapy. Dahil din sa teknolohiyang ito mas matutukan ng robot ang kanya-kanyang pangangailangan ng mag-aaral. “Every child is so unique, and we are finally at a point in time when we can create the exact right personalized environment to optimize a child’s potential, Artificial general intelligence and robotics are creating the perfect technology enhancements to complement educational techniques in the future,” pahayag ni Eric Shuss, mula sa kompanyang RoboKind.
Peligro ng robots sa mga bata
Upang mas mapalawak ang kaalaman at teknolohiya ng larangan ng robotics at social interaction, nagsagawa ng karugtong ng pag-aaral si Sherry Turkle, social psychologist sa MIT media Lab, na kalaunan ay naging libro na may pamagat na “Alone Together” kung saan tinalakay ang epekto ng mechanical helpers sa mga bata . Ayon kay Turkle maaring magdulot ng false relationship sa pagitan ng mga bata at robots.
“Why are we working so hard to set up a relationship that can only be ‘as if’? The robot can never be in an authentic relationship. Why should we normalize what is false and in the realm of [a] pretend relationship from the start?”
“The damage is potentially great, not to what children ‘learn’, but to who they are, their capacity for relationship.”
“It is from other people that we learn how to listen and bend to each other in conversation, the developmental implications of children taking robots as models are unknown, potentially disastrous.”
Ayon sa kanya kahit gaano kalayo ang marating ng teknolohiya ng robots, hinding-hindi ito magiging sapat para maturuan ang mga bata ng totoong pakikipag-kapwa tao. Giit niya, walang duda na lubos na kapaki-pakinabang ang mga teacher robot dahil sa talino at bilis nitong mag-isip ngunit hanggang pagpapayabong ng intelektwal na kapasidad lamang ang maaring maituro nito.
Dagdag pa rito, walang kakayahan ang robot teachers na magdisiplina ng mga mag-aaral, kaya naman sa huli magsisilbi lamang talaga na katulong sa pagtuturo ang mga robot at hindi maaring ipaubaya ang pagkatuto ng mga bata.
Joanna Ampil ayaw patulan ang intriga
Ni: Beth Gelena
AYAW patulan ni Joanna Ampil ang intrigang binabato sa kanya. Kesyo wala raw siyang utang loob dahil iniwan niya ang dating manager na si Girlie Rodis at lumipat sa kampo ni Noel Ferrer.
Ayon sa Best New Female Actress ng 34th PMPC Star Awards For Movies sa pelikulang ‘Larawan’ na inaasahan na nitong may magsasabi ng negatibong komento sa ka-nya. Okey lang daw sa kanya kung anuman ang sabihin ng ibang tao as long as naghiwalay sila ng dating mana-ger ng maayos.
Katunayan magkaibigan pa rin daw ang dalawa. Alam na rin naman daw ni GR na lilipat siya kay Noel noon pa man.
Paglalagas ng buhok, no more
Ni: Vick Aquino Tanes
ANG panlalagas ng buhok ang pinakama-laking problema na maaaring mangyari kapag ang buhok ay nirebond na hindi maingat ang humawak. May mga simpleng paraan na maaaring makatulong upang mapanumbalik ang dating sigla ng buhok matapos manlagas pagkatapos ng ibat-ibang pampaarte ng buhok.
Bagama’t hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging epektibo ng mga sumusunod, maaari rin itong subukan:
Paglalagay ng “aloe egg mask” sa buhok
Ito ay pinaghalong puti ng itlog (hindi luto) at aloe vera. Ang dami ng itlog ay depende sa haba ng buhok. Ihiwalay ang pula (yolk) at gamitin lamang ang puti ng itlog. Sa aloe vera naman ay kailangang kunin ang gel o katas nito. Paghaluin ang nakuhang puti ng itlog at katas ng aloe vera. Ipahid sa buhok ang mixture at hayaan ng 20-30 minuto na nakababad dito ang ulo. Pagkatapos ay banlawan ng malinis na tubig ang buhok. Gawin ito 2-3 beses sa isang linggo. Subukang gawin sa loob ng dalawang buwan o hanggang may makita nang magandang resulta sa buhok.
Gumamit ng mild shampoo at conditioner
Basahin ang label ng binibiling produkto para sa buhok. Mayroon kasing mga shampoo na hindi naaayon sa klase ng buhok.
Bigyan ng masahe anit gamit ang essential oils. Maaaring pagpilian ang virgin coconut oil at olive oil. Alinman dito ay maganda para sa buhok. Gawin ang pagmamasahe sa ulo tatlong beses sa isang linggo. Ito ay para mapanumbalik ang natural na kalagayan ng anit at para maging makapit ang buhok at patuloy na masuportahan ang paghaba nito.
Kumain ng maberdeng gulay at mga pagkaing mayaman sa bitamina at protina
Ang pagkain ng masustansya ay tumutulong upang maging maganda ang daloy ng dugo sa katawan, gayundin sa anit. Kapag dumadaloy ng maayos ang dugo sa anit, madaling maka-karecover ang buhok na napinsala.
Bawasan ang paggamit ng mga hair styling equipment
Kung minsan akala ng iba ay makabubuti ang gumamit ng hair dryer o hair straightener sa nasirang buhok. Ang hindi alam ng marami ay mas lalo lamang nitong dinaragdagan ang damage sa buhok at mas pinalalala ang panlalagas. Kaya hangga’t maaari ay iwasan ang paggamit ng mga ito kapag maraming buhok ang nalalagas.
Uminom ng dalawang litro ng tubig araw-araw
Ang simpleng pag-inom ng tubig ay may kagalingang dulot sa buhok. Magiging mas madali ang pagtubo, magi-ging malusog at makintab ang buhok kapag ang katawan ay di kinukulang sa tubig.
Alaala ni Isabel, mananatili
Pinas News
KAMAKAILAN lang nang pumanaw ang singer-actress at tinaguriang pambansang eyelashes na si Isablel Granada sa edad na 41.
Maaga mang namaalam ang isa sa may pinaka-magandang mukha sa showbiz ay mananatiling buhay ang kanyang mga alaala sa puso ng lahat ng taong nagmamahal sa kanya, mula sa kanyang pamilya, kaibigan at mga tagahanga.
Hindi lang ang kagandahan ng mukha ang maalaala kay Isabel, higit sa lahat ang kanyang pagiging mabuting anak, ina, asawa at kaibigan. Ang pagiging mabuting tao na hindi nilamon ng kasikatan.
Si Isabel na kapag nagtrabaho ay ibinibigay ng buong-buo 100% ang kanyang sarili.