TJ BUMANLAG
KASADO na ang magiging bakbakan ng Pinoy Reigning WBO Champion Johnriel Casimero at ng unbeaten Japanese Champion na si Naoya Inoue.
Gaganapin ang match ng dalawa sa darating na April 25 sa Mandalay Bay sa Nevada, Las Vegas.
Kasunod nito ay lumipad na pa-Amerika si Casimero para paghandaan ang nalalapit na laban.
Sasailalim ang pinoy boxer sa walong linggong intensive training na pangungunahan ni Coach Angel ‘Memo’ Heredia.
Puspusan naman ang gagawing pagpapakondisyon ng 29 year old boxer dahil aniya lagpas na ito sa bantamweight limit na 118 lbs.
Sa ngayon ay may record standing si Casimero na 29 win – 4 loss record with 20 kos.