Ni: MELODY NUÑEZ
INARESTO ng mga otoridad sa Barese City, Italy ang sampung Pilipino dahil sa paglabag sa mga guidelines sa gitna ng ipinatutupad na lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa report, inireklamo ang mga Pinoy dahil nag-imbita ang mga ito na magkantahan sa loob mismo ng kanilang condominium.
Nabatid na labag sa guidelines ang ginawa ng mga Pinoy.
Nakasaad sa ipinatutupad na guidelines ng gobyerno ng Italy na bawal munang mag-imbita ng mga kaibigan sa bahay, gayundin ng magkumpulan sa iisang lugar at iba pa para maiwasan at hindi na kumalat pa ang nakakamatay na virus.
Dahil dito, posibleng makulong ang mga ito ng anim na buwan hanggang dalawang taon.