Ni: Melrose Manuel
MAYO pinakamasayang buwan sa Pilipinas dahil maraming mga pista, pagdiriwang, sayawan at palaro ang ginaganap tuwing sasapit ito.
Maraming bayan din ang nagsipagdiwang ng kanilang pista. Dagsaan naman ang mga bakasyunista sa mga naggagandahang mga pa-syalan sa bansa. Buwan din ng mga bulaklak ang Mayo dahil ngayong panahon sila namumukadkad at humahalimuyak tulad ng dama de noche na naamoy lamang tuwing gabi.
Ang Mayo ay buwan ng walang katapusang kasiyahan, isang paraan para makalimutan saglit at maibsan ang pressure sa trabaho at pro-blema sa buhay.
Patuloy naman ang pagdiriwang ng mga kapistahan na minana sa ating mga ninuno. Higit pa dito ay naipapakita rin ang pagiging magiliwin sa mga panauhin sa kani-kanilang tahanan.
Nagtitipun-tipon ang pamilya at kaibigan at kamag-anak para magpasalamat sa mga biyayang natanggap. Kung mawawala ang mga kapis-tahan, mawawala ang isa sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
MGA KAPISTAHAN SA MAYO
Flores de Mayo
Ito ang pinakakilalang pista na ipinagdiriwang sa buwan ng Mayo. Nangga-ling ito sa salitang Espanyol na ˝ores” o bulaklak na kilala rin bilang “Flores de Mayo” (Bulaklak ng Mayo) o “Flores de Maria” (Bulaklak ni Maria). Ang Flores de Mayo ay nagaganap sa buong buwan ng Mayo saan mang sulok ng Pilipinas kung saan tampok ang mga naggagandahang dilag sa kani-kanilang lugar. Kilala rin ito sa katawagang “Reyna ng Pistang Pilipino” o “Queen of Filipino Festivals.”
Pahiyas
Makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Ipinagdiriwang ang pistang ito bilang pasasalamat ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani sa buong taon. Makikita sa panahong ito ang mga bahay sa buong kabayanan na napapalamutian ng kani-kanilang sariling ani kagaya ng mga prutas, gulay, palay at bulaklak.
Obando Fertility Rites o Sayaw sa Obando
Nagaganap ito tuwing ika 17-19 ng Mayo. Ang pagdiriwang ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsuot ng kanilang tradisyonal na kasuotan habang sila ay sumasayaw ay sinusundan naman nila ang kanilang pinipintakasing santo. Ang mga sumasayaw para sa paghihintay na magkaroon ng asawa ay kay San Pascual Baylon; para sa mga humihiling ng anak habang umaawit ng Santa Clara pinung-pino; para sa magandang panahon o klima ay nag-aalay sila ng itlog kay Nuestra Señora de Salambao o Birhen ng Salambao.
Gulay Festival
Ipinagdiriwang sa Lucban, Quezon. Ginawa ang naturang pista sa pamamagitan ng pagparada ng mga gulay na may iba’t ibang disenyo.
Mother’s Day
Ipinagdiriwang din ang Araw sa mga Ina sa buwan ng Mayo. Hindi ito isang pista ngunit ito ang espesyal na araw para sa mga ina sa buwan kung saan inaalala at binibigyang pugay ang mga ilaw ng tahanan sa kanilang kadakilaan bilang isang mapagmahal,maarugain at responsableng ina. Ito ay idinaraos tuwing ikalawang Linggo sa buwan ng Mayo.
Espesyal para sa mga ina ang ikalawang Linggo ng Mayo dahil ito ang panahon ng pagbibigay pugay sa kanilang pagmamahal at sakripisyo.
Pista ng Magayon
Ginaganap taon-taon bilang isang paggunita sa alamat ng Bulkang Mayon. Maganda ang ibig sabihin ng salitang Magayon na buhat sa salitang Bicol. Ginaganap ito sa bayan ng Daraga sa Albay.
Pista ng Binatbat
Idinadaos naman sa siyudad ng Vigan ang pistang ito kungsaan ang lahat ay nakikiisa maging ang mga turista sa lahat ng aktibidad.
Pista ng Kalabaw
Ginagawa ito tuwing ika-15 at 16 ng Mayo. Binibigyan dito ng parangal ang halaga ng kalabaw na pambansang hayop ng Pilipinas at ang mga nagagawa nito sa sakahan.
Tagbilaran City Fiesta
Ginugugol ang buong buwan ng Mayo para idaos ang pistang ito. Pinakamahabang pista ito sa Kabisayaan partikular sa Bohol Province.
Bolibongkingking Festival
Masasaksihan ang tugtugan at sayawan sa pistang ito na sobra ang sayang hatid na dinadaraos tuwing ika-23 hanggang 24 ng Mayo.
Tanda Festival
Ang Tanda Festival ay masasaksihan tuwing ika-6-15 ng Mayo sa bayan ng Tubigon sa Bohol. May tatlong pangunahing programa ang Tanda Festival, una ay ang Bulong-Imang streetdancing at showdown, pangalawa ang Anyagsa Tubigon beauty pageant at pangatlo ang Agro-Technological fair.
Sinugboan Festival
Isinasagawa naman ito tuwing ika-27 ng Mayo sa Bayan ng Garcia Hernandez, Bohol. Tulad sa ibang pista binibigyang pansin ang mga agro-industrial fair, recognition program at street dan-cing competition.
Nagdaraos din ng pista ang mga lungsod sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan. Sa Antipolo at Rizal ay nagdaraos ng pista kada Linggo. Kainan naman ang papista sa Las Piñas na halos ang nakahaing pagkain sa kanila ay mga lamang dagat.
Makikita rin sa buwan ng Mayo ang kapistahan sa bayan sa Laguna at sikat dito ang Kesong Puti Festival at ang parada ng mga tsinelas sa Liliw dahil kilala ang Liliw na paggawaan ng mga sandalyas at tsinelas.
Sikat din ngayong buwan ang pagparada sa mga antigong mga imahen kung saan nakaugaliang gawin ng mga Kristyano.
Summer fun sa buwan ng Mayo
Nararanasan din ang tag-init sa buwang ito kung saan tugmang tugma para idaos ang pista sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Nakaugalian nating mga Pilipino na pasyalan ang mga pista kahit malayo pa ito sa ating mga tahanan. Ito ang panahon kungsaan nagtatagpo ang mga kaanak para magkumustahan.
Nakaugalian naman ng mga kababayan na mag-outing upang maibsan ang mainit na panahon kaya na-eenjoy parin ang summer season sa bansa.n