PISTON
Mga alegasyon ng Piston laban sa PUV Modernization Program, isa-isang nilinaw ng LTFRB
LTFRB, patuloy na isusulong ang jeepney modernization sa kabila ng kaliwa’t kanang protesta
Nagsagawa ng kilos protesta ngayon ang araw ang ilang grupo ng transportasyon laban sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization program ng pamahalaan upang ipaabot kay Pangulong Duterte ang kanilang mahigpit na pagtutol sa naturang programa.
Maaga pa lang ay nagtipon-tipon muna ang mga miyembro ng mga grupong PISTON, No to Jeepney Phaseout Coalition at Save Our Jeepneys Network sa Quezon City Elliptical Circle bago tuluyang nagmartsa patungo sa Mendiola sa Sampaloc, Manila.
Ayon kay Piston President George San Mateo, mahigpit ang pagtutol nila sa naturang modernization program dahil ang tanging layunin lamang aniya nito ay ilagay sa kamay ng mga korporasyon ang public transport sa bansa.
Nilinaw naman ni San Mateo na hindi naman sila tumututol sa pagsasaayos ng mga sasakyan at ang ayaw lamang umano nila ay ang pamamaraan ng pamahalaan upang maisagawa ito.
Nanindigan si San Mateo na hindi lamang mga jeepney operator ang maaapektuhan ng puv modernization program, kundi maging ang mga commuters, dahil tiyak aniyang tataas din ang bayad sa pasahe ng mga ito
Samantala, patuloy na isusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang planong jeepney modernization sa kabila ng patuloy na transport strikes ng mga drayber at operator.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ang kanilang isinusulong ay para na rin sa interes ng mga public utility jeepney operators at patuloy aniya nilang hihikayatin ang mga ito na intindihin ang mga magandang benepisyo ng phaseout program.
Matatandaang dinadaing ng mga jeepney operators ang umano’y mahal na financial package na inaalok ng gobyerno para sa nasabing jeepney modernization.
Gayunman, sinabi ni Delgra na ang financial package na inaalok ay mayroong pinakamababang interes.