ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap
PL MONTEBON
NAGPAHAYAG ng suporta si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap sa kampanya ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa laban sa lahat ng uri ng illegal gambling sa bansa.
Sinabi ni Yap, chairman ng Committee on Games and Amusement, na tama ang hakbang ni Gamboa dahil pinapatay ng iligal na sugal ang mga lehitimong games ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ayon kay Yap, base sa kaniyang impormasyon ay hindi tumatanggap ng lagay si Gamboa mula sa mga gambling lord sa bansa.
Dagdag pa ni Yap, hindi nagkamali ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili kay Gamboa bilang PNP chief.