ADMAR VILANDO
AABOT sa 400 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa iligal na droga mula nang magsimula ang anti-illegal drugs campaign ng Administrasyong Duterte.
Batay sa datos ng PNP-Internal Affairs Service (IAS), kabuuang 396 na mga pulis ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga mula July 2016 hanggang September 30, 2019.
Sa nasabing bilang, 378 na kaso ang naresolba na kung saan natanggal na sa serbisyo ang mga sangkot habang limang pulis ang pumanaw bago pa magkaroon ng resolusyon ang kanilang mga kaso.
Ayon pa sa IAS, ang kaso ng walo pang non-uniformed personnel ay naipasa na sa Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).
Dagdag pa ng IAS, kabuuang 4,354 na ang naisampang kasong administratibo hanggang noong September kung saan 3,772 dito ay naresolba na.