• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Monday - January 25, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

PNP

No ID, No Entry sa Metro Manila, ipinatupad

March 24, 2020 by Pinas News

Ni: MJ MONDEJAR

HINDI na makakapasok sa Metro Manila ang mga empleyadong naninirahan sa probinsiya pero nagta-trabaho sa Metro Manila kung hindi makakapagpakita ng identification card.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na maghihigpit na ang mga otoridad sa mga checkpoints na ipinapatupad sa mga border ng Metro Manila.

Ayon kay Lopez, dapat may maipakitang company ID o proof of employment ang mga empleyado bilang katibayan na sa Metro Manila sila nagta-trabaho.

Sinabi naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na magpupulong ang inter-agency task force upang makapaglabas ng polisiya patungkol sa mga empleyado sa NCR na naninirahan sa mga kalapit na probinsya.

Binigyan diin naman ni Acting PNP Spokesman Maj. Gen. Benigno Durana Jr. na, mahalaga na mamonitor ang mga papasok at lalabas ng Metro Manila.

Samantala, nasa apatnapung libong police personnel ang ipakakalat ng PNP sa pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.

Metro News Slider Ticker checkpoints COVID-19 ID identification card Metro Manila NCR No ID No Entry sa Metro Manila PNP

Mahigit 5,500 drug suspect, nasawi sa war on drugs ng Administrasyong Duterte

December 23, 2019 by PINAS

MJ MONDEJAR

UMABOT na sa mahigit 5,500 ang bilang ng mga nasawing drug suspect mula nang mag-umpisa ang war on drug ng Administrasyong Duterte.

Sa Real Numbers press conference ng PNP at PDEA sa Malacañang, sinabi ni PDEA Spokesman Derrick Carreon na umabot na sa 5,552 ang mga nasawi mula Hulyo 1, 2016 hanggang Nobyembre 30, 2019.

Pumalo naman sa 220,728 ang bilang ng mga naarestong drug suspect sa mahigit 151,000 na ikinasang anti-illegal drugs operations sa buong bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, nasa 8,185 ang naarestong high value targets kung saan 222 ay mga dayuhan, 297 ay elected officials, 82 ay uniformed personnel at sampu ay mga celebrity o kilalang personalidad.

Batay din sa kanilang datos, umabot na sa P40.39 bilyon ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga.

Habang nasa 433 na mga drug den at clandestine laboratories ang na-dismantle ng PDEA at PNP.

Sa kaparehong petsa, nasa 16,706 na mga barangay ang idineklarang drug cleared sa buong bansa.

Pambansa Slider Ticker Administrasyong Duterte MJ Mondejar PDEA PNP PNP spokesperson Brigadier General Bernard Banac

Si Nanay naman

November 19, 2019 by PINAS

Louie Montemar

 

SABI ni Tatay, kailangan ng kamay na bakal sa mga durugista at drug lord.  Sabi rin niya, may mahigit isang milyong lulong sa droga na banta sa ating lahat at dahilan ng laganap na kriminalidad. Batay sa paniniwalang ito, naging diin ng paglilinis sa ating bahay (bayan) ang pagkitil sa mga nanlaban sa mga “tagapaglinis.”

Subalit tila naging labis na marahas at madugo ang paglilinis.  Higit sa lahat, sa tatlong taong kampanya, tila nabalewala ang lahat ng mga pagsisikap at dugong naibuhos—wika ngayon ni Tatay, may higit sa pitong milyong Filipino na raw ang lulong na sa droga at tila sang-ayon ang PNP dito.

Dumami pa ang mga suwail na anak?

Sa gitna ng kaguluhan, nakialam na si Nanay at nagsalitang muli. Pinuna ang marahas na kampanya laban sa droga at sinabing malinaw na hindi ito nagtatagumpay.  Hinamon tuloy siya ni Tatay na kung tatanggapin niya ang responsibilidad, gagawin siyang isa sa tagapamuno ng komite ng mga tagapaglinis.

Seryoso si Tatay. Isinatitik ang hamon. Nilagay sa isang kasulatan. Tinanggap ni Nanay.

Kumusta na ngayon?  May mababago ba?

Hindi pa nag-iinit si Nanay sa kanyang upuan bilang katuwang na pinuno ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), may magagandang senyales na.

Una, sinabi agad ni Nanay na “Indispensable ang body cameras. Protection ’yun sa law enforcement agents. Protection ’yun kasi ang iba sa kanila nakakasuhan nang walang basehan,” ani Robredo sa isang interbyu… (at) Mas lalong protection sa tao. [Makikita] kung ano talaga ang tunay na nangyari sa operasyon. Sa ngayon kasi, palitan lang ng accusations.”

Hindi nga ba may punto siya? Isang simple at praktikal na pangangailangan sa mga operasyon ng pulis at iba pang operatiba laban sa kriminalidad. Bilyun-bilyon ang intelligence fund ng Malakanyang. Mani lamang ang bagay na ito kung pondo ang pag-uusapan subalit talagang kailangan.

Ikalawa, nilinaw na ni Nanay na ang suliranin sa droga ay hindi lamang isang usaping pang-kapulisan o hinggil sa kriminalidad.  Ito ay sosyolohikal at pangkalusugan din.

Tama!  Ang ibig niyang sabihin, kailangang mas palawakin ang pag-unawa kung bakit may laganap na pagkalulong sa droga ang mga tao. Kung nais nating masugpo at hindi lamang maibsan ang drug addiction, gagawa tayo ng mga aksiyon at programa laban dito na hindi magbibigay diin lamang sa paggamit ng armas at kulungan.

Dahil dito, pinanawagan ng Nanay na palitan na ang “tokhang” ng ibang pamamaraan.  Kung anuman iyon, kailangan pang linawin ni Nanay. Ang malinaw, ayaw na ayaw niyang basta papatayin na lamang ang mga suspects pa lamang.

Ikatlo, gagamitin daw ni Nanay ang mga impormasyon at iba pang resources na handa raw ibahagi ng U.S. at U.N. laban sa droga at kriminalidad sa bansa.  Sa unang pulong pa lamang ng komite, nakumpirma na walang malinaw na datos ang pamahalaan hinggil sa pagkalulong sa droga.  Baka nga magandang maisali ang mga naturang partido sa kampanya dahil marami silang impormasyong hawak.  Sa gayon, mas maging malinaw rin sa kanila kung ano ang ating tunay na hinaharap na hamon.  Hindi ba mainam ito upang maipamalas sa mundo ang sinseridad ng pamahalaan sa naturang kampanya?

Sa huling paglilimi, mainam ngang tinanggap ni Nanay ang responsibilidad na makatulong sa kampanya sa droga.  Ang isang nanay ay kaya rin namang maghigpit kung kinakailangan hindi po ba? Maaaring maging mahigpit din ang Nanay—mahigpit subalit may pagmamahal. Iba rin ang haplos ng isang Nanay hindi ba? Kaya tama, si Nanay naman.

Ticker Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) Louie Montemar PNP

IRR ng Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law, nilagdaan na

November 6, 2019 by PINAS

KABILANG sa mga lumagda sa IRR ang nasa labing anim na ahensya ng gobyerno.

 

MJ MONDEJAR

NILAGDAAN na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law.

Kabilang sa mga lumagda sa IRR ang nasa labing anim na ahensya ng gobyerno at iba pang organisasyon kabilang na ang MMDA, DILG, PNP, CHR, DepEd, CHED, DOLE, LTO, DSWD at Philippine Commission on Women.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros na siyang author ng batas at dumalo rin sa signing ceremony sa Ortigas, ang Republic Act 11313 ay isang game changer measure na susugpo sa gender-based harassment at karahasan sa mga pampublikong lugar.

Sinabi ni Hontiveros na dumaan sa masusing pinag-aralan ang IRR ng mga government agency, advocacy group at miyembro ng akademya.

Ipinangako naman ni MMDA Chairman Danilo Lim ang buong suporta at pagsisikap ng kanilang ahensya para sa epektibong pagpapatupad ng batas.

Sinabi ni Chairman Lim na maglalagay sila ng marami pang CCTV cameras sa Metro Manila para makatulong sa pagmonitor ng posibleng harassment sa public places.

Batay kay Sen. Hontiveros, isusulong ng nasabing batas ang positive policy, behavioral at cultural changes.

Matatandaang Abril nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bawal Bastos Law.

 

Pambansa Slider Ticker CHED CHR DepEd DILG DOLE DSWD LTO MJ Mondejar MMDA MMDA Chairman Danilo Lim Philippine Commission on Women PNP Senador Risa Hontiveros

Mga bagong alkalde, maaaring magpalit ng chief of police

July 9, 2019 by PINAS

SMNI NEWS

 

PAGBIBIGYAN ng PNP ang hiling ng mga bagong upong alkalde na magpalit ng chief of police o provincial commander sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na inasahan na nila ito lalo na sa mga lugar na bago ang alkalde.

Nasa ilalim din aniya ng batas na may karapatan ang mga alkalde na pumili ng hepe ng pulis.

Bagama’t iginagalang ng PNP ang karapatan ng local chief executive ay umaasa sila na kwalipikado ang mapipiling pinuno ng pulisya sa kanilang lugar.

Ayon kay Albayalde, may mga kwalipikasyon na kailangang masunod sa pagpili ng chief of police o provincial commander.

Wala rin aniya silang magagawa kung wala sa kanilang isinumiteng listahan ang mapipiling hepe ng pulis ng mga alkalde.

Ticker PNP PNP Chief Police General Oscar Albayalde

Mga pasaway na pulis, tatapusin!

August 13, 2018 by Pinas News

Ginawaran ng parangal ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang mga kawani ng National Capital Region Police Office sa matugumpay na entrapment operations na humuli sa police scalawags na sangkot sa kindap-for-ransom.

 

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

Labing anim na milyong mga botanteng Pinoy ang nagluklok kay Rodrigo Roa Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas noong 2016 dahil sa paniniwala at pagtitiwala na magagawa niyang lutasin ang problema sa krimen at droga, na magreresulta sa mas maginhawang buhay sa bansa. At hangang ngayon, kung pagbabasehan ang mga surveys, marami pa ring mga Pinoy ang naniniwala at nagtitiwala sa Pangulo na magagawa niya ito.

Subali’t sa pagtahak sa tagumpay na ninanais, mayroong mga balakid. Papaano nga naman matutuldukan ang isyu ng droga at krimen kung ang mga alagad ng batas mismo ang promotor at protektor ng masasamang mga gawain?

Sila yung mga tinatawag na “rogue policemen o police scalawags,” na dumudungis sa imahe ng pulisya at sumisira sa pagtitiwala ng madla sa Philippine National Police (PNP).

Mismong ang Pangulo ay aminado na may mga pasaway na mga pulis. Kaya babala niya, hindi sya manghininayang na “tapusin” ang mga scalawags upang matupad ang pangakong kaniyang binitawan sa sambayanan.

“I promised you that including uniformed personnel, huwag kayong pumasok diyan sa droga, ‘yang mga murder-for-hire, kasi ipa-‘project’ ko rin kayo,” sabi ni Duterte sa isang talumpati sa Pasay City.

“You can be very sure there will be a project for you and really that is to neutralize or terminate you. Kung hindi ko ganunin, walang mangyari sa ating bayan,” dagdag ng Pangulo.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag ilang araw matapos inanunsyo ni PNP Chief Oscar Albayalde ang recalibration ng Oplan Tokhang , alinsunod sa sinabi ng Pangulo sa nakaraan niyang State of the Nation Address kung na magiging “relentless at chilling” ang kampanya kontra droga.

Si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talumpati sa 68th National Security Council and 69th National Intelligence Coordinating Agency (NICA) founding anniversary celebration sa Philippine International Convention Center, Pasay City.

GIYERA KONTRA POLICE SCALAWAGS

Makikita sa mga numero ang pagiging pursigido ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng PNP sa giyera kontra scalawags.

Base sa datos, 6,401 na mga kawani ng ahensya ang napatawan ng parusa mula 2016. Kasama sa bilang ang 1,828 police scalawags na ang sinibak na sa pwesto dahil sa sari-saring mga paglabag.

Ito ay bunga ng sariling imbestigasyon ng PNP at mga kasong isinampa ng mga sibilyan sa pulis na sangkot sa krimen, at mga paglabag tulad ng grave misconduct, serious neglect of duty, serious irregularity, malversation, dishonesty, at kurapsyon.

“The PNP has sustained the momentum of its continuing internal cleansing program in the 190,000-strong police force over the past two years under the Duterte administration when organizational discipline and internal reform became the centerpiece of the service agenda of PNP Chief Albayalde,” pahayag ni PNP spokesman Senior Supt. Benigno Durana.

Isang dahilan ng pag-arangkada sa paglilinis sa hanay ng pulisya ay ang PNP Counter-Intelligence Task Force (PNP-CITF), na binuo noong nakaraang taon para tutukan ang mga tiwaling pulis sa bansa.

Base sa record ng PNP-CITF, nasa 87 mga pasaway na police personnel ang kanilang na-aresto mula nang Pebrero 2017 hanggang Hulyo 2018.

Ayon kay PNP chief Albayalde, patuloy ang kanilang pagbabantay at pagtukoy sa mga police scalawags, na sangkot sa mga iligal na aktibidad at pumo-protekta sa mga sindikato sa bansa.

“Meron tayong binabantayang 1,000 allegedly involved sa illegal drugs. Nababawasan but hindi natin alam kung meron pang iba. Kailangan nating maging sharp dito. Kailangang ma-identify pa kung sino pa talaga gumagawa dahil alam natin meron pa rin most probabaly wala sa listahan pero gumagawa ng hindi maganda,” sabi ni Alabyalde.

Holistic approach ang gagamitin ng Philippine National Police sa internal cleansing program tungo sa reporma sa pulisya.

PINAIGTING NA INTERNEAL CLEANSING PARA SA REPORMA

Enero nitong taon nang dinoble ang sweldo ng mga pulis sa layuning papaging-sapat ang kanilang kinikita sa pag-asang maiiwasan na ang pagsali nila sa mga iligal na gawain tulad ng pangongotong. Subali’t, base sa mga report, marami pa ring mga pulis ang sangkot sa katiwalian.

Dahil dito, minabuti ng PNP-CITF pag-aralan ang mga posibilidad kung bakit nagpapatuloy ang problema at upang makagawa ng mas epektibong solusyon.

“Nagsasagawa ng pag-aaral that despite na meron na tayong internal cleansing, isang priority program ng PNP ay mayroon pa ring nasasangkot,” wika ni PNP-CITF commander Senior Superintendent Romeo Caramat Jr.

Ang hakbang ay bahagi ng Revitalized PNP Internal Cleansing Strategy, na ayon kay PNP chief Albayalde, gaya ng giyera kontra droga, ay magiging relentless.

“However frustrating it is, hindi tayo bibigay dito. We will continue on,” pahayag ni Albayalde.

Ayon kay Caramat, “holistic approach” ang gagamitin ng PNP sa bago nitong internal cleansing program, na mayroong tatlong pamamaraan: preventive, restorative, at punitive.

Sa ilalim ng preventive approach, mayroong kaukulang training para sa mga pulis para maiwasan nlang masangkot sa anumang iligal na gawain. Kasama dito ang pagkakaroon ng mahigpit na background check sa mga gustong mag-pulis.

“Lahat meron tayong dedicated team para sa intelligence ng lahat ng kapulisan natin. Kung sino ang naatasan na mag-background investigation sa isang pulis na aplikante, and it turned out na loko-loko ang aplikante, ay mananagot ngayon iyung pulis na nag-conduct ng background investigation,” wika ni Caramat.

Samantala, magtutulungan ang iba’t-ibang ahensiya sa pag-beripika ng kung sangkot nga ba o hindi ang isang pulis sa iligal na gawain sa ilalim ng punitive approach.

“Once na ma-validate ng different intelligence agency na itong isang pulis ay talagang sangkot sa iligal na gawain, dito papasok yung dismissal from the service o paano ma-neutralize, huhulihin,” paliwanag ni Caramat. “Pag yung report naman ay it turned out to be false or negative, na talagang hindi siya sangkot o nagbago, doon papasok ang restorative approach. Ibang directorate naman ang hahawak sa mga pulis na ito. Ito yung holistic approach na ginagawa ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police.”

Aniya, importanteng magtulungan ang iba’t-ibang unit ng PNP sa pagsasagawa ng mga nabanggit na hakbangin laban sa kanilang mga tiwaling kasamahan, upang maibalik ang lubos na pagtitiwala ng publiko sa pulisya.

“Yung dati kasi, ang internal cleansing natin, puro punitive lang, walang dedicated personnel. Kaya despite na meron tayong internal cleansing, pinag-aaralan natin bakit meron pa ring nai-involve, ngayon binibilang natin itong tatlong approach o strategy para talagang totally magbago na itong mga kasama nating mga pulis,” wika ng opisyal.

Pambansa Slider Ticker holistic approach Oscar Albayalde Pangulong Rodrigo Duterte Pasay City PINAS PNP PNP-CITF PNP-Counter Intelligence Task Force Quincy Joel V. Cahilig Romeo Caramat Jr. Senior Supt. Benigno Durana

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • …
  • Page 7
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.