ADMAR VILANDO
MAHIGPIT na binabantayan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang Philippine Offshore Gaming Operator Firms o POGO sa posibleng pagkakasangkot nito sa illegal drug trade.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, bagamat wala pang naitatalang illegal drug transactions sa mga POGO companies ay patuloy na imo-monitor ng otoridad ang mga ito sa posibleng illegal drug activities.
Magugunita na isa sa mga isyu sa POGO ang pagtaas ng bilang ng mga Chinese workers sa bansa at kidnap-for-ransom activities.
Sa ngayon, patuloy namang iniimbestigahan sa Senado ang isyu ng pastillas scheme kungsaan madaling nakakapasok sa mga bansa ang mga Chinese national.