PDEA Director General Aaron Aquino
POL MONTIBON
NAGBABALA ang Philippine Drug Enforcement Agency hinggil sa pagbebenta ng mga injectable shabu sa pamamagitan ng internet partikular sa social media at mga dating-application.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, dumarami ang mga insidente ng online selling ng illegal drugs kabilang na ang injectable shabu na mas malakas ang epekto.
Tiniyak ni Aquino na patuloy nitong pipigilan ang ganitong paraan ng drug trafficking sa bansa.
Sinabi pa ni Aquino na mabilis na nagiging popular sa mga drug user ang injectable shabu dahil sa matagal na epekto nito, mula sa sexual arousal hanggang sa prolonged sexual activity.
Nangangamba si Aquino na ang paraang ito ay maaring magdulot ng accidental drug overdose at ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa pamamagitan ng karayom.