POPE Francis (Larawan mula sa The Long Island Catholic)
QUINCY JOEL CAHILIG
PINAYUHAN ni Pope Francis ang publiko na iwasan ang paggamit ng cellphones sa hapag-kainan at sa halip ay makipag-usap sa isa’t-isa, alinsunod sa halimbawang ibinigay nina Jesus, Mary, at Joseph sa Biblia.
Sa kaniyang Angelus address sa St. Peter’s Square, ibinahagi ng Papa sa mga dumalo na tularan nila ang Holy Family na nagtrabaho, nanalangin, at nag-usap sa isa’t-isa.
“I ask myself if you, in your family, know how to communicate or are you like those kids at meal tables where everyone is chatting on their mobile phone … where there is silence like at a Mass but they don’t communicate,” wika ni Pope Francis.
Nanawagan din ang pinuno ng Simbahang Katolika na ibalik ng bawa’t pamilya ang pakikipagtalastasan sa isa’t isa.
“We have to get back to communicating in our families. Fathers, parents, children, grandparents, brothers and sisters, this is a task to undertake today, on the day of the Holy Family,” aniya.
Tinukoy sa mga pag-aaral na ang communication ay isang “essential block” sa pagpapatibay ng relasyon ng mag-asawa, mag-anak, at magkakapatid, subali’t sa sobrang paggamit ng mga teknolohiya gaya ng mobile phones ay nababawasan ang pakikipag-usap ng mga miyembro ng pamilya sa isa’t-isa.