DENNIS BLANCO
Sa nakaraang artikulo ay tinalakay ang kahalagahan at kasalukuyang kahalagahan ng social enterprise sa Pilipinas.
Tinukoy ng nasabing sulatin na ang pagpasa ng isang batas na nagpapalakas ng kakayahan ng mga social entrepreneurs ay isang mahalagang pangangailangan upang makamit ng mga social entreprenuers ang kanilang pangunahing layunin – ang lumikha ng trabaho at maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at pamamahagi ng kita ng isang negosyo lalong lalo na sa mga maralita. Sa kasalukuyan ay wala pang batas na partikular na sumusuporta sa social enterprise sa Pilipinas.
Subalit mayroong mga panukala na nakabinbin ngayon sa Kongreso na tinatawag na Poverty Reduction through Social Enterprise Bills (PRESENT) Bills, partikular na sa Senado na naglalayon na tulungan ang mga social entrepreneur sa hinaharap, ito ang Senate Bill Number 2108 na kung saan si Senator Grace Poe ang siyang pangunahing author na ipinanukala noong Seventeenth Congress bilang pagpapatuloy ng nakaraan na panukala ni Senator Paolo Benigno Aquino IV at Senator Loren Legarda ang siyang mga pangunahing authors na ipinanukala noong Seventeenth Congress of the Republic of the Philippines, First Regular Session noong Hunyo 30, 2016.
Ang Senate Bill Number 2108 ay nagbibigay diin sa katarungang panlipunan bilang pangunahing mithiin na hindi lamang tumutukoy sa pamamahagi ng yaman at kita ng mga negosyo kundi tumutukoy din sa paglikha ng sapat na pangangailangan ng mga indibidwal at pamayanan lalong lalo na ang mga mahihirap. Ang ilan sa mga gabay alituntunin ng mga PRESENT Bill ay ang mga sumusunod: a) pagtaguyod ng mga sustainable programs na sumusuporta sa kaunlaran ng sektor ng ekonomiya para mabawasan ang agwat ng mahirap at mayaman, b) palakasin ang social enterprise para mapagtagumpayan ang mga balakid ng kahirapan, c) pagpatupad ng people empowerment sa pamamagitan ng pagsigurado na ang lahat ay kabahagi sa pagdesisyon at pagpatupad ng mga programa lalong lalo na ang mga mahihirap. d) kaayusan ng kalikasan sa pag-abot ng sustainable at pantay-pantay na kaunlaran, at e) pagsali ng mga PRESENT programs na may kinalaman sa pagsugpo ng gobyerno sa kahirapan.
Sa kabila nito, ayon sa pag-aaral ng British Council Report (2015), ilan sa mga sumusunod na isyu at pagsubok ng mga social entrepreneurs ay ang mga sumusunod, a) ang mga bagong tatag na social entrepreneur ay may problema sa “financial aspect”, samantalang ang mga matagal ng social entrepreneur ay “shortage of technical skill” naman ang pangunahing suliranin, b) sa dalawangdaan at anim (206) na social enterprises na bahagi ng survey ng social enterprises sa Pilipinas, limited supply of capital, unrefined business model, and accessibility to investors due to lack of network ang itinuring na tatlong pinakamalaking financial constraints, c) samantalang ang mga pangunahing balakid ay ang capital, obtaining grant funding, cash flow, understanding and awareness of social enterprise among general public, shortage of technical skills at taxation VAT business rates. Sa bandang hui, ang mga nabanggit na isyu at hamon ng social enterprise ang siya ring mga isyu at hamon na nais na lutasin ng PRESENT Bills, kayat mahalaga na ang panukalang ito ay agarang maipasa bilang batas upang maisakatuparan ang mga pangarap ng mga social entrepreneurs sa Pilipinas.
Sanggunian:
Aquino, Paolo Benigno IV. 2016 June 30. Senate Bill Number 176 otherwise known as an Act Institutionalizing the poverty reduction through social entrepreneurship (PRESENT) Program and Promoting Social Enterprises with the Poor as primary stakeholders. https://www.senate.gov.ph/lisdata/2359820226!.pdf
British Council. (2015). A review of social enterprise activity in the Philippines. British Council Philippines: Overseas Development Institute.
`Poe, Grace. 2018 November 21. Senate Bill Number 2108 otherwise known as An Act To Promote the Growth and Development of Social Enterprises As A Means To Alleviate Poverty, Establishing For The Purpose The “Poverty Reduction Through Social Entrepreneurship (PRESENT) Program. http://senate.gov.ph/lisdata/2902725598!.pdf