PAMBANSANG Kickboxing ng Pilipinas President Senador Francis Tolentino
JAMES LUIS
HINIKAYAT ni Pambansang Kickboxing ng Pilipinas President Senador Francis Tolentino ang mga kabataan na subukan ang larong kickboxing.
Ayon kay Tolentino madali naman ang naturang sports dahil hindi ito masyadong magastos na kahit sa loob ng bahay maaring makapagsanay basta makagawa lamang ng isang bagay na sisipain sa pagsasanay.
Aniya makakabuti rin para sa kalusugan ng mga kabataan ang kickboxing
Sinabi rin ng senador na magsasagawa siya ng national competition para sa kickboxing sa summer sa susunod na taon upang mas maraming kabataan ang mahikayat sa naturang sports.
Si Tolentino ang siyang manager ngayong ng mga atletang Pinoy na sumasabak sa kickboxing event sa Southeast Asian Games na ginaganap ngayon sa Cuneta Astrodome sa lungsod ng Pasay.