• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Monday - January 25, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Presidential Spokesperson Salvador Panelo

DUTERTE BIYAHENG ESTADOS UNIDOS?

January 28, 2020 by PINAS

HANNAH JANE SANCHO

 

IMBITADO si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga leaders ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN para sa nalalapit na US-Asean Summit na gaganapin sa Las Vegas sa March 4.

Ang imbitasyon ni US President Donald Trump ay sa kabila ng ipinapanukala ng US Senate na huwag pahintulutang makapasok ang mga nasasangkot na opisyal ng Pilipinas sa pagkakakulong ni Senator Leila De Lima.

Sa isang pahayag sinabi ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na unang ipinaabot ang imbitasyon ng Estados Unidos sa Asean Summit sa Bangkok, Thailand noong Nobyembre.

Muling pinaalalahanan ang mga Asean Leaders tungkol sa nasabing imbitasyon sa liham na ipinadala nitong January 9 lamang.

Hindi ito ang unang pagkakataon na inimbitahan si Pangulong Duterte na bumisita sa Amerika.

Si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang nagsabi na noong 2016 ay inimbitahan ni Trump si Pangulong Duterte sa White House nang magkausap ito sa telepono.

Muling inimbitahan si Pangulong Duterte ni Pres. Trump noong 2017 para talakayin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng strategic partnership ng dalawang bansa.

Gayunpaman wala sa mga imbitasyon na ito ang pinagbigyan ng Pangulong Duterte.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo noong Oktubre 2019 na isa sa dahilan kung bakit ayaw bumisita ng Pangulong Duterte sa Estados Unidos ay dahil sa masyadong malamig ang klima nito, mahaba ang biyahe at wala pa sa plano.

Magbabago kaya ang desisyon ng Chief Executive kung buwan ng Marso naman gaganapin ng Asean-US Summit?

Magugunitang inihayag ni Pangulong Duterte na nagkaroon ito ng “very bad case of colds” nang umuwi ito mula sa pagbisita nito sa Russia noong nakaraang Oktubre.

Gayunpaman nagpahayag noong nakaraang Hulyo si Philippine Ambassador to the United State Jose Romualdez na nagpahiwatig si Pangulong Duterte na pupunta ito ng Estados Unidos, timing na lamang ang tinitingnan kung kailan ito mangyayari.

Itong taong 2020 na nga ba ang tamang pagkakataon para kay Pangulong Duterte sa kaniyang kauna-unahang pagbisita bilang chief executive sa Estados Unidos?

Sa kabila nito, wala pang maibibigay na kasiguraduhan ang Malakanyang na ituloy ni Pangulong Duterte ang biyahe sa Amerika.

 

Editorial Opinyon Slider Ticker Pangulong Duterte Pangulong Duterte ni Pres. Trump Pangulong Rodrigo Duterte Presidential Communications Operations Office (PCOO) Presidential Spokesperson Salvador Panelo Senador Christopher Lawrence "Bong" Go

Pangulong Duterte, may i-aanunsyo kaugnay sa deals sa mga water concessionaires

January 2, 2020 by PINAS

ADMAR VILANDO

MAY mahalagang inanunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa government deals sa mga water concessionaires sa Enero 6 sa susunod na taon.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos ang banta ni Pangulong Duterte na ita-take over ang water concessionaires na  Manila Water at Maynilad at itutuloy ang pagsasampa ng “economic sabotage” at economic plunder laban sa mga ito.

Sinabi ni Panelo na hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang pangulo ukol sa kanyang iaanunsyo.

Ayon kay Panelo, sinabi ng pangulo na hindi ito papayag na walang mangyari sa kaso.

Sinabi rin ng kalihim na plano ng punong ehekutibo na maresolba ang isyu sa onerous contracts ng water distribution companies sa gobyerno bago ito bumaba sa kanyang pwesto sa 2022.

Kaugnay nito, nais pa rin aniya ni Pang. Duterte na makausap ang mga sangkot sa isyu kabilang na ang mga abogado ng gobyerno at private lawyers upang marinig kung bakit hinayaang mangyari ang klase ng ‘treason’ laban sa mga Pilipino.

Pambansa Slider Manila Water at Maynilad Pangulong Rodrigo Duterte Presidential Spokesperson Salvador Panelo

Malakanyang, pumalag sa ipinasang resolusyon ng Senado ng Amerika

December 23, 2019 by PINAS

HANNAH JANE SANCHO

 

PUMALAG ang Malacañang sa ipinasang resolusyon ng U.S. senate na humihiling na palayain na ng gobyerno ng Pilipinas si Senator Leila De Lima.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang nasabing re­solusyon ay pagyurak sa dignidad ng gobyerno ng Pilipinas at ng soberenya ng bansa.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay inaprubahan ng US senate committee on foreign relations ang resolution no. 142 na kumokondena sa gobyerno ng Pilipinas dahil sa patuloy na detensiyon ni De Lima.

Nakasaad din sa nasabing resolusyon ang hiling ng komite na dapat palayain na ang senadora.

Binanggit din sa nasabing resolusyon ang hindi umano makatarungang judicial proceedings laban sa media at mga mamamahayag partikular kay Maria Ressa ng Rappler.

Ayon pa kay Panelo, imposibleng hindi alam ng US senate committee na hindi na nila kolonya ang Pilipinas.

Aniya, dapat respetuhin ng mga US senators ang judicial process ng bansa katulad ng ipinapakitang pagrespeto ng Pilipinas sa kanila.

Pambansa Slider Ticker Maria Ressa ng Rappler Presidential Spokesperson Salvador Panelo

Malacañang, ipinagmalaki ang pagiging overall champion ng Pilipinas 30th SEAG

December 18, 2019 by PINAS

HANNAH JANE SANCHO

IPINAGMALAKI ng Malacañang ang pagiging overall champion ng Pilipinas sa katatapos lamang na 30th Southeast Asian Games.

Sa pahayag ng Malacañang, binati ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang mga miyembro ng Philippine contingent sa pagkakasungkit sa overall champion na may record breaking na 149 gold medals.

Binati rin nito ang lahat ng atleta at support staff na nakilahok sa SEA Games dahil sa kahanga-hanga aniyang ginawa ng mga ito sa pagbibigay ng karangalan na maipagmamalaki sa kani-kanilang bansa.

Nasaksihan din aniya ng lahat ang maayos na ugnayan, camaraderie at sportsmanship ng mga bansang kasapi sa Southeast Asia.

Dagdag pa ng kalihim na tama ang campaign slogan ng SEA games ngayong taon na “We Win As One”.

Samantala, opisyal nang ipinasa ng Pilipinas ang susunod sa pagho-host ng SEA games sa Vietnam.

Samantala, umani ng papuri at pasasalamat mula sa mga sports officials at atletang dayuhan ang pagho-host ng Pilipinas sa naturang aktibidad.

Ito ay dahil sa pag-iral ng pusong Pinoy kahit kapalit nito ang siguradong pagkapanalo sana ng gintong medalya.

Lubos ang pasasalamat ng mga Indonesian sports officials kay Pinoy surfer Roger Casugay matapos nitong iligtas sa tiyak na kapahamakan ang karibal na Indonesian surfer na si Mencos Cosomen habang naglalaban sa isang surfing event sa Monaliza Point sa La Union.

Nangunguna sa kompetisyon si Casugay ngunit isinantabi nito ang panalo ng gintong medalya at binalikan si Cosomen hanggang ligtas na naibalik sa pampang.

Todo-todo pasasalamat din ang ipinaabot ng koponan ng Timor Leste sa mga Pinoy dahil sa suporta na manalo ang koponan ng medalya sa palaro.

Bumilib naman si Thailand Lawn Bowl coach Daniel John Simmons sa world class sports facility sa Clark Freeport na isa sa mga naging venue ng Lawn Bowl Competition.

Namangha naman ang Malaysian official na si Abdul Kader, Director General ng International Sepak Takraw Federation sa venue ng Sepak Takraw sa Subic Gymnasium na tinawag niya itong pinakamagandang Sepak Takraw Venue sa kasaysayan ng SEA Games.

Dahil sa magandang pagho-host ng bansa sa 30th SEAG, hinikayat ni Olympic Council of Asia Vice President Wei Jizhong ang Pilipinas na lumahok sa bidding para sa 2030 Asian Games.

PNP, nagpupugay rin

‘Mission accomplished’ namang maituturing ang Philippine National Police (PNP) sa natapos na SEAG sa pamamagitan ng engrandeng closing ceremony sa New Clark City, Tarlac.

Ayon kay PNP Officer-In-Charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, ikinararangal ng pambansang pulisya ang kanilang naging papel sa matagumpay na hosting ng Pilipinas sa naturang palaro.

Kinilala rin ni Gamboa ang kooperasyon at suporta ng publiko sa maayos na pagdaraos ng palaro.

Aabot sa 27,000 pulis ang dineploy ng PNP sa iba’t ibang mga lugar na pinagdausan ng SEAG at maging sa ibang mga lugar na binisita ng mga atleta para tiyakin ang seguridad ng mga dayuhan at lokal na panauhin.

Mga kontrobersiya sa hosting SEAG, pinaiimbestigahan sa Kamara at Senado

Naghain ang Makabayan Bloc sa Kamara ng resolusyon para paimbestigahan ang hosting ng Pilipinas sa kakatapos lamang na SEAG.

Sa ilalim ng House Resolution 602, inaatasan nito ang House Committee on Good Government and Public Accountability na imbestigahan, in aid of legislation, ang mga kontrobersiyang lumutang sa paggamit ng pondong inilaan sa biennial sporting event.

Maging ang Senado ay hinikayat din ni Sen. Panfilo Lacson na ituloy ang imnbestigasyon kahit nag-overall champion ang Pilipinas.

Sinabi ni Lacson na dapat ihiwalay ang panalo ng mga atleta sa isyu ng organizing committee.

Iginiit naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano, head ng Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC), na handa siyang harapin ang anumang imbestigasyon laban sa kanya.

Mahigit kalahating bilyon, inisyal na kinita ng Pilipinas  – DOT

Umaabot sa mahigit kalahating bilyon ang naitalang kita ng bansa ayon kay Tourism Sec. Bernadette Fatima Romulo-Puyat, inisyal na report pa lamang ito at maaari pang lumobo kapag natanggap na nila ang datus mula sa iba pang tanggapan.

Umaasa si Puyat na aakyat pa ang revenue figure dahil maraming turista ang nagpasya na manatili at mamasyal sa bansa matapos ang makulay na closing ceremony ng SEAG sa New Clark City, sa Capaz, Tarlac.

Pambansa Slider Ticker Abdul Kader Director General Malacañang Philippine National Police (PNP) PNP Officer-In-Charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa Presidential Spokesperson Salvador Panelo SEA Games

Gazini Ganados, bigong makalusot sa Top 10 ng Miss Universe 2019

December 17, 2019 by PINAS

YNA MORTEL

 

BIGONG makapasok sa Top 10 ng Miss Universe 2019 ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados.

Hindi nakalusot ang Cebuana-Palestinian beauty sa listahan ng sampung kandidata na aabante sa swimsuit at evening gown competition ng pageant.

Nagtapos sa Top 20 ang Pinay beauty queen matapos na makapasok at unang tawagin sa wild card category.

Sa kaniyang opening speech, ipinahayag ni Gazini ang kaniyang adbokasiya na nakatutok sa mga nakatatanda.

Bigo mang masungkit ang ika-limang Miss Universe crown ng Pilipinas ay bumuhos pa rin ang pagbati ng mga proud Pinoy para kay Gazini.

Sa katunayan, pinuri ng Palasyo ang maayos na pag-presenta ni Ganados sa Pilipinas sa prestihiyosong beauty pageant na ginanap sa Atlanta, Georgia sa USA.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagbigay ng “pride and glory” sa bansa si Gazini sa pamamagitan ng pagpapakita ng kakaibang ganda at talento ng isang Filipina.

Dagdag pa ni Panelo na ang karanasan ni Ganados sa Miss universe ay tiyak na makadadagdag sa kanyang development bilang isang beauty queen.

Hangad din aniya ng Malacañang ang lahat ng kabutihan ng 23-year-old beauty queen para sa iba pang susuungin sa buhay.

Showbiz Slider Ticker Gazini Ganados Presidential Spokesperson Salvador Panelo

Pangalan ng susunod na PNP chief, hintayin na lang – Malakanyang

December 11, 2019 by PINAS

HANNAH JANE SANCHO

 

HINTAYIN na lamang ang Pangulong Duterte sa pagpili sa susunod na pinuno ng pambansang pulisya.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na maaaring hindi pa kuntento ang presidente sa tatlong pangalan na pamimilian sana niya ng susunod na hepe ng Philippine National Police.

Kabilang sa mga isinumite sa pangulo para sa susunod na PNP chief ang mga pangalan nina PNP Officer-In-Charge General Archie Francisco Gamboa; Deputy Chief for Operations Lieutenant General Camilo Cascolan; at Chief of Directorial Staff Major General Guillermo Eleazar.

Dagdag pa ni Panelo, hindi ito nagsasalamin na hindi honest o hindi qualified ang tatlong pangalan na ibinigay, maaaring hindi pa lang raw nakakarating sa pangulo ang pangalan ng hinahanap nitong susunod na hepe.

Kung sakaling wala talagang mapili ang pangulo, siya raw muna ang magiging pinuno ng pambansang pulisya ng bansa.

Pambansa Slider Ticker Chief of Directorial Staff Major General Guillermo Eleazar Deputy Chief for Operations Lieutenant General Camilo Cascolan HANNAH JANE SANCHO Pangulong Duterte PNP Officer-In-Charge General Archie Francisco Gamboa Presidential Spokesperson Salvador Panelo

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Page 4
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.