EYESHA ENDAR
TULUYAN nang binitiwan nina Prince Harry at Meghan Markle ang pagiging “Sussex Royal” sa kanilang branding.
Napagdesisyunan ng dalawa na huwag nang iugnay ang salitang “royal” o anuman kahalintulad na salita sa kanila, oras na simulan na nito ang kanilang bagong buhay sa labas ng palasyo.
Kasunod ito ng kanilang pag-atras sa kanilang royal duties at pagpiling mamuhay ng pribado.
Noong nakaraang buwan nang inanunsyo nina Prince Harry at Meghan ang kanilang pagbaba bilang senior royals upang maging commoner o ordinaryong mamamayan.