ISANG dambuhalang tilapia ang natagpuan sa Estero De San Miguel. Halos tatlong kilo at may sukat na 20.5 na pulgada ang haba ng nabingwit na tilapia ng isang volunteer ng Pasig River. Nagbabala ang mga eksperto na delikado at masamang kainin ang ano mang isda na mahuhuli sa Ilog Pasig.
“Tunay ngang nakikita na natin ang positibong pagbabago ng ating mga ilog dahil sa pagtutulungan natin na buhayin at pangalagaan ang mga ito. Ipagpatuloy natin ang mga mabubuting gawain na ito at tiyak na bibiyayaan tayo ng ating kalikasan,” ayon sa Facebook page ng PRRC.