MARGOT GONZALEZ
Bumagal pa sa 2.4 percent ang inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa buwan ng Hulyo.
Mas mababa ito kumpara sa 2.7 percent na naitala noong Hunyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang pinakamababang record na naitala mula noong Enero 2017.
Kabilang sa binabanggit ng PSA na dahilan ng pagbagal ng inflation ay ang mababang presyo ng mga pagkain at non-alcoholic beverages.