MELROSE MANUEL
PINASISIGURO ni House Committee on Sports and Youth Development Chair Eric Martinez sa Philippine Sports Commission (PSC) na maibibigay ang lahat ng suporta sa 14 year old rising Filipino Tennis Star na si Alexa Eala.
Ito’y makaraang manalo si Eala sa under 18 Australian Open na nag-angat sa kanya sa rank number 4 sa junior tennis world standing.
Ayon kay Martinez, hindi dapat pabayaan ng PSC si Eala dahil isa itong ‘Phenom in the Making” sa larangan ng tennis.
Pinatitiyak din ng mambabatas na maibibigay kay Eala ang kinakailangan nitong financial aid para sa training at anomang tulong na kailangan nito para mapa-angat ang skill set sa tennis.
Ayon naman kay PSC Commissioner Charles Raymond Maxey, aprubado na ng PSC ang pondo para sa financial aid ni Eala at kailangan na lamang alamin kung anong tournament ang kaniyang sasalihan.