• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Qatar

Hatol ng FIBA sa Gilas na manlalaro, PBA sumaklolo

August 29, 2018 by Pinas News

Ilan sa mga napipisil na PBA players ang sumaklolo sa kanilang kapwa PBA at Gilas players na masususpinde sa darating na 2nd round ng FIBA Qualifying tournament na magsisimula ngayong Setyembre.  

Ni Edmund C. Gallanosa

ISANG buong buwan na lamang ang magiging paghahanda ng Gilas Pilipinas bago magbukas ang 2nd round ng FIBA Basketball World Cup 2019 Qualifiers tournament.  Kabilang ang Pilipinas sa Group F ng nasabing torneo, kasama ang bigating bansa tulad ng Iran, Qatar, Kazakhstan, Japan, at guess who? Ang Australia.  Subalit malaki ang suliranin kakaharapin ng team Gilas—ibinaba na ang hatol na suspensyon mula FIBA sa mga manlalarong nasabak sa gulo noong huling laro ng Gilas kontra Australia. Sa pagpasok ng round 2, ipapataw ang suspensyon sa mga may sala.

Sa team Gilas, 10 ang sinuspindeng ilang araw ng paglalaro.  Nangunguna si Calvin Abueva na suspendido ng 6 na laro; si RR Pogoy, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon, 5 laro; suspendido naman si Andray Blatche, Jayson Castro, Terrence Romeo at Troy Rosario ng 3 laro; at si Japeth Aguilar at Matthew Wright ay masususpinde naman ng isang araw na laro.

Malaking dagok ito sa ating bansa at sa pagkakataon nitong manalo sa FIBA Championship.  Sapagkat kung iintindihing maigi, malalagasan tayo ng walo hanggang sampung manlalaro sa tatlo hanggang limang laban. Ibig sabihin, sa second round ay tatlo lamang ang opisyal nating manlalaro na makakakumpleto ng first window laban sa limang team —ang Iran, Kazakhstan, Qatar, Japan at laban sa Australia.  Sa sitwasyong ito, lalagpak ang pangarap natin para makalahok sa championship round na gaganapin sa China sa 2019, kung sakaling makakalusot tayo sa 2nd round ngayong taon.

SBP tuliro, PBA to the rescue

Matindi na nga ang labanan sa ikalawang round, mas lalo pang pinatindi ng pagkakasuspinde ng mga basketbolista natin. Malagasan ka na ng isa hanggang dalawang player sa klase ng torneong ito ay malaki na ang suliranin ng isang team, gaano pa kaya kahirap ang malagasan ka ng walo hanggang 10 manlalaro sa gitna ng torneo?

Enter the Philippine Basketball Association (PBA).  Mabuti na lamang at nagbago ang panuntunan ng paghihiram ng mga manlalaro mula sa PBA.  Noong mga nagdaang taon, naging policy ng propesyonal na ligang ito na magpahiram lamang ang bawat koponan ng isang manlalaro para sa Gilas program (one-player-one-team policy).  At dahil sa gulong kinasangkutan ng mga manlalaro, minabuti ng pamunuan ng PBA sa pangununguna ni PBA Commissioner Willie Marcial at mga board of governors ng mga koponan na baguhin ang panuntunan ng player-lending at tulungan ang Gilas program.  Ayon sa bagong policy, open na ang bawat team na magpahiram na kahit na ilang players sa team Gilas para mapunuan ang lakas na nawala dahil sa sinuspinding mga manlalaro.

“Kalimutan na ang one-player-one-team policy,” ani Al Chua, Sports Director ng San Miguel Corporation.  Kung kinakailangan ipahiram ang lahat ng players ng SMC group, gagawin aniya.  Ito naman ay positibong inaksyunan ni PBA Commissioner Marcial at pinalitan ang dating polisiya ukol sa player-lending.

Sinu-sino kaya ang maaaring sumaklolo alang-alang sa ating bansa, sa mga kababayan natin, sa mga kapwa players nila?  Base sa aming analysis, opinion ng mga eksperto, taga-PBA, mga basketball aficionados at sa survey naming ginawa noong mga nakaraang linggo, may nabuo kaming listahan ng piling manlalaro na ang kombinasyon ay maaaring maging panapat sa mga mawawalang players at magpapahirap sa mga makakalaban natin.

Bilis sa backcourt, galing sa diskarte

Sa pagkakasuspinde ng 3 laro sa playmakers at shooters na sina Terrence Romeo at main man Jayson Castro, pilay agad ang Gilas.  Si LA Tenorio ng Barangay Ginebra ay mainam na pamalit kasabay ni Stanley Pringle ng Globalport.  Si LA ay beterano na rin ng maraming international tourney, dedicated at hustle player.  Alam nang nakakarami ang puso nito pagdating sa paglalaro.  Mabilis din tulad ni Castro at mataas ang IQ sa paglalaro.  Si Pringle naman ay isang malupit na one-on-one player, deadly sa open court at sa 3-point arc.  Pamilyar na rin ito sa laro sa labas ng bansa.  Subalit sa kasalukuyan, may sabit pa ito sa eligibility niyang maglaro sa FIBA.  Ang mainam na pamalit?  Enter Scottie Thompson ng Barangay Ginebra.  May guard-shooter ka na, may rebounder ka pa.  ‘San ka pa?  Bihira ang talent na ganito.  Pinaka-mainam rin na kapalit ni Abueva dahil sa maraming pinapahiyang matatangkad pagdating sa rebounding.

Pilay sa ilalim, depensang pangmalalaki

Sa suspensyon ng mga big men n sina Troy Rosario, Japeth Aguilar at Andre Blatche ng ilang laro, maaari naman maibsan ang kawalan ng towering enforcer sa loob sa paggamit kay Greg Slaughter ng Barangay Ginebra at Ian Sanggalang ng Magnolia.  Hindi naman mawawala sa kampanya si June Mar Fajardo, kaya maaaring magkatulungan ang kombinasyong ito sa loob.  Ang mga wingmen naman tulad nila Raymond Almazan ng Rain or Shine at Arwind Santos ng San Miguel Beer na parehong mahaba ang galamay, magaling magbantay at may shooting sa labas ay  malaki ang maitutulong kina mainstays Fajardo at Gabe Norwood.  Sa pagkakaroon ng Slaughter sa loob, maaaring mag-slide bilang forward-center si Fajardo at batuhan ng bola para sa tres sina Almazan at Santos sa kanan at kaliwa.

Deadly shooter sa labas

Ito naman ang maaaring dalhin sa team Gilas nila Marcio Lassiter ng San Miguel Beer at Jeff Chan ng Barangay Ginebra, pamalit sa nasuspindeng Matthew Wright at Jio Jalalon.  Iba ang dimension na madadala ng dalawang quick-release shooter na ito na pumupukol ng kabi-kabilang tres, na siya namang isa sa pinaka-mahalagang arsenal sa international competition.

“We just have to continue to fight and play. We can’t give up.”  Sabi ni Samahang Basketbolista ng Pilipinas president Al Panlilio.  Kung nagawang parusahan ng FIBA ang mga nagkasalang players, sigurado may paraan tayo para maresolba ang problemang ito at makalaban nang patas ang Gilas sa ikalawang round.”  Mabuti na lamang at gumawa ng hakbang ang PBA at sumaklolo

Slider Sports Ticker Al Chua Andray Blatche Andre Blatche Arwind Santos Australia Barangay Ginebra Carl Bryan Cruz China Edmund C. Gallanosa FIBA Gabe Norwood Greg Slaughter Ian Sanggalang Iran Japan Japeth Aguilar Jayson Castro Jeff Chan Jio Jalalon June Mar Fajardo Kazakhstan Magnolia Marcio Lassiter Matthew Wright PBA Commissioner Marcial PINAS Qatar Rain or Shine Raymond Almazan RR Pogoy San Miguel Beer SBP President Al Panlilio Terrence Romeo Troy Rosario

Gilas at bansa, sama-sama hanggang sa huli

July 17, 2018 by Pinas News

 

Kinaabangan ngayon ang desisyon ng FIBA kung ano ang mangyayari sa Gilas team matapos masabak sa gulo laban sa Australia. Ganun pa man, tiwala ang Gilas at SBP na magiging patas ang FIBA para sa dalawang koponan.

 

Ni: Edmund C. Gallanosa

SIGURADONG buhay na buhay na naman ang dugo ng mga Pinoy sa kakatapos na third window ng FIBA Asia Qualifying Round na ginanap kamakailan.  Bagama’t nanalo ang P’nas sa Taiwan 90-83, sa kasamaang palad naman ay nauwi sa gulo ang kamakailang laban natin sa Australia.  Winner by default ang Australia sa kadahilanang thrown-out ang siyam sa labindalawang player natin, kaya hindi na nakuhang matapos pa ng Pilipinas ang laro.  Ang resulta—89-53 pabor sa mga dayuhan.

Sa opening ng third window, naging mabigat ang pressure nang   kaharapin ng mga Pinoy ang mga      Taiwanese sa kanilang   teritoryo. Maagang nanguna sa puntos ang Taiwan bago tuluyang kumawala ang P’nas dahil sa mahigpit na depensa, at ma­tinding opensa. Panalo ang Gilas 90-83  na siya namang nagpa bagsak nang tuluyan  sa  pangarap ng Taiwan makasama sa 2nd round. Kasabay ng larong ito, tinalo naman ng Japan ang Australia, 79-78 para sungkitin ang ikatlong pwesto sa Asian qualifier.

Balik sa Pilipinas ang laro kalaban ang Australia para sa unang pwesto, nagsimula ang laro na may kartadang 4-1 ang P’nas at Australia. Mainit ang laban, mula umpisa matindi na ang girian ng dalawang koponan. Apat na minuto pa lamang ang nagsisimula sa 3rd quarter nang mag-commit ng personal foul si RR Pogoy kay Aussie Chris Goulding. Sa patulak na foul ni Pogoy bumagsak si Goulding, at siyang sugod naman ni Daniel Kickert kay Pogoy gamit ang siko na siyang nagsimula ng rambol sa third quarter. Nagkagulo sa loob ng Sports Arena at nahinto ang laro ng halos tumagal ng 30 minuto. Pinag-aralan ang footage ng gulo at idineklarang thrown-out ang ilang manlalaro sa bawat koponan.

Dagdag man sa pagsubok, sama-sama pa rin

Tanggal sa laro ang mga Gilas players na sina Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Andray Blatche, Jayson Castro, Carl Bryan Cruz, Pogoy, Terrence Romeo, Troy Rosario, at Matthew Wright;  samantalang tanggal din sina Chris Goulding, Daniel Kickert, Thon Maker, at Nathan Sobeys sa panig ng Australia.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa nagbababa ng hatol ang pamunuan ng FIBA kung ano ang kaka­hantungan ng gulo na nangyari sa dalawang koponan. Bagama’t pinaglalabanan ng Australia at Pilipinas ang unang pwesto, lumalabas na ‘formality for positioning’ na lamang ang laro sapagkat parehong paso ang dalawang bansa sa susunod na round ng tournament.

Walang dapat ikabahala ang ating mga kababayan sapagkat sa darating na 2nd round ng torneo, nasa ikatlong pwesto ang Pilipinas sa Group F na may 10 points—lamang lang ng tig-isang punto ang Australia at Iran para sa 1st at 2nd place finish. Maliban sa nasabing bansa, makakasama natin sa Group F ang bansang Kazakhstan, Qatar at Japan. Ang second round ng FIBA Basketball World Cup 2019 Qualifiers ay magkakaroon ng 3 windows muli, at aasahang magsisimulang maglaro ang mga koponan sa buwan ng Setyembre, Nobyembre at Pebrero ng 2019.

Sa lahat ng groupings, Ang 31 na pinaka-maga-galing na teams lamang ang papasok at makakasama ang host China para sa World Cup, na gaganapin mula August 31 hanggang September 15, 2019.

Tuloy pa rin ang laban ng bayan

Ayon kay Samahang Basketbolista ng Pilipinas (SBP) Chairman Sonny Angara sa isang panayam, susulat sa pamunuan ng FIBA si SBP President Al Panlilio upang humingi ng kapatawaran sa nangyaring gulo at para li­nawin ang kahahantungan ng ating koponan. Giit ni Angara, malaki ang pagsisisi ng team Pilipinas sa pangyayari, at handa sila sa anumang desisyon o sanction ang ipapataw ng FIBA. Subalit, alam ni Angara na magiging patas sa desisyon ang FIBA para sa Australia at P’nas.

“Alam naman natin na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkagulo nang ganito sa isang ‘friendly-environment match’ ng basketball. Halos­ kapareho ‘yan ng nangya­ri noong 2010 sa laban ng Greece vs. Serbia. My point is yes pinatawan ng sanctions, even fines ang ilang players, but I don’t think the sanction on that incident was not be meted out to the whole team. We expect na pag-aaralan maigi ng FIBA ‘yung incident natin and we are positive na tuloy-tuloy pa rin tayo sa 2nd round. ”

Para kay SBP Chair Anga­ra, tiwala ang pamunuan ng SBP na papayagan pa silang bumuo ng team kung sakaling hindi paglaruin ang mga na thrown-out na pla­yers. “Should that happen, matatandaang nakapagsubmit tayo ng pool of players natin sa FIBA and also we’re lucky we have a professional league perhaps we could get some of the services of pla­yers there (sa PBA). I’m pretty sure a lot of them are willing to play for the country.” dagdag pa ni Chairman Angara.

Prepare for the worst, hope for the better ngayon ang stance ng ating Gilas team. Ganun pa man, hindi papabayaan ng pamunuan ng SBP na mabale-wala ang pinaghirapan ng ating mga manlalaro. Nadala man ng emosyon ang iba nating mga players, team pa rin nating haharapin ang ipapataw ng FIBA sa P’nas. Abangan ang susunod na kabanata!

Slider Sports Ticker Andray Blatche Australia Calvin Abueva Carl Bryan Cruz Chairman Sonny Angara China Chris Goulding Daniel Kickert FIBA Gilas Japan Japeth Aguilar Jayson Castro Kazakhstan Matthew Wright Nathan Sobeys PBA Pogoy Qatar Samahang Basketbolista ng Pilipinas (SBP) Terrence Romeo Thon Maker Troy Rosario World Cup

Carlo Biado: Mula sa Caddie patungong Hari ng Billiards

March 5, 2018 by Pinas News

NI: Jomar M. San Antonio

ISang karangalan ng bansa ang makakamit muli ng titulo mula sa pandaigdigang kompetisyon. Isang pagkakataon na dinala sa Pilipinas ni Carlo Biado, ang tinaguriang “The Black Tiger” matapos dalhin ang kampeonato ng 2017 WPA World 9-Ball Championship. Isang patunay na Pinoy muli ang hari ng mundo sa larangan ng Billiards.

Bagama’t Pinoy din ang naging katunggali ni Biado sa finals ng nasabing kumpetisyon noong isang taon sa Al-Arabi Sports Club sa Doha, Qatar, pinatunayan lamang nila na dugong Pinoy ang dapat manaig sa billiards sa buong daigdig.

Pitong taon ang lumipas nang mapasakamay muli ng bansa ang titulo na unang hinawakan nina Efren “Bata” Reyes noong 1999 kung saan ginanap ang kanyang laban sa Cardiff, Wales, Ronnie Alcano sa Pilipinas noong 2006, Francisco “Django” Bustamante noong 2010 sa Middle East, at si Alex Pagulayan noong 2004 bagamat watawat ng Canada ang dinala nito. Si Biado ang panlimang Pinoy na sumama sa grupong ito ng mga kampeon.

MULA SA LA UNION

Ang tatlumpu’t apat na taong si Biado ay isinilang sa La Union noong Oktubre 31, 1983 mula sa isang mahirap na pamilya samantalang lumaki siya sa Kamaynilaan kung saan ang kanyang payak na pamumuhay ang naging daan niya sa pagkahumaling sa larong billiards. Labintatlong taong gulang noon si Biado nang magsimulang maglaro nito kungsaan ay isa pa siyang caddie o tee boy sa Villamor Air Base golf range. “Nagwo-work ako after school then bilyar naman sa gabi,” nabanggit niya. Dagdag pa niya, first year high school pa siya noong naglaro siya ng bilyar para kumita.

“Natigil ako sa pag-aaral kasi kapos kami sa pera. So nag-concentrate na lang ako sa bilyar kasi kumikita ako sa mga pusta at nakakatulong sa pamilya,” ika niya. “Kung saan saang sulok ako ng Me-tro Manila nakakarating para lang lumaro.” Isang patunay na ang bilyar ay ang buhay ni Biado mula bata hanggang maging opisyal na atleta ng bansa.

MAHABANG KARERA

Marami-rami na ring kompetisyon ang nilabanan ni Biado at marami-rami na ring titulo ang kanyang naiuwi. Ilan na nga rito ang 2010 Manny Pacquiao Cup, 2011 Philippine National Championship, 2012 Banjamasin 9-Ball Championship, 2012 Green Garden Jakarta 9-Ball Open, 2013 Hard Times 10-Ball Open, ngunit ang 2017 talaga ang taon niya.

Napanalunan din kasi niya ang gintong medalya sa 2017 World Games na ginanap sa Warsaw, United Kingdom na sinundan naman ng isa pang ginto sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games. Kasunod naman nito ay ang kompetisyon niya sa Ashgabat para sa Asian Indoor and Martial Arts Games kung saan nanalo naman siya ng bronze na medalya bago pumunta sa Doha at lumaban sa 2017 World 9-Ball Championship. “Kaya napakabuti ng 2017 sa akin,” ika niya kung saan ay naka apat na medalya siya lahat-lahat nitong dumaang taon.

KAKAIBANG KARANASAN

Ayon kay Biado, mala-king pagbabago ang dinala sa kanya ng pagkapanalo niya sa Doha. Ikinuwento niya ang kanyang mga karanasan kungsaan nauna niyang nilabanan at tinalo sina Daniel Tangudd (11-6) at Tomasz Kaplan (11-8) sa knockout phase. Sa round of 16 naman, tinalo naman niya ang kapwa pinoy na si Jeffrey Ignacio sa iskor 11-7.

Ngunit para sa kanya, ang quarterfinals ay ang pagkakataon kung saan niya naramdamang maaari niyang maabot ang oportunidad na maging “The 2017 Champion”. Nanalo kasi siya by default laban kay Liu Haltao ng China matapos mabigo itong magpakita sa tamang oras ng laban nilang dalawa.

Sa semifinals ay pinatumba niya si Wu Kun-lin ng Chinese Taipei (11-6) bago makasagupa ang kapwa pinoy na si Ronald Garcia sa finals na kanya ring nakamit sa iskor na 13-5. “Ang nakakatuwa doon, manalo o matalo Pilipino pa rin ang panalo,” ika ni Biado nang buong pagmamalaki para sa bansa.

Nag-uwi si Biado sa ka-nyang pamilya ng medalya at tropeyo kalakip ang tumataginting na $30,000 (1.5 million pesos).

Nagsimula man sa payak na pamilya ay nagawa pa rin niyang patunayan ang ka-nyang sarili sa napili niyang propesyon. Kahanga-hanga ang kanyang mga natapos at ang maaari pa niyang makamit. Ika nga niya, itutuloy pa rin niya ang laban para sa Pilipinas at sa kanyang kinahiligang isports.

Sipag, tiyaga, at kahit na magsimula pa sa mahirap, dapat lamang lumaban. Iyan ang nakikita natin sa na-ging buhay ni Biado bilang isang manlalaro at hari ng billiards.

Slider Sports Ticker “The Black Tiger” Al-Arabi Sports Club Alex Pagulayan Canada Cardiff Carlo Biado Daniel Tangudd Doha Efren “Bata” Reyes Francisco “Django” Bustamante Jomar M. San Antonio La Union Middle East Qatar Ronnie Alcano Tomasz Kaplan Wales WPA World 9-Ball Championship

Maraming paraan ang pakikipaglaban

March 5, 2018 by Pinas News

Pinas  News

WALANG madaling solusyon sa issue ng kalagayan ng mga OFW, hindi lamang sa Kuwait, kundi maging sa ibang mga bansa sa GCC kabilang na rito ang Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, Bahrain at Oman, kung saan may pinakamalaking bilang ng mga Pinoy migrant workers.

Dahil sa malupit nilang “kafala system” o sponsorship system, kung saan ang karapatan ng isang manggagawang migrante na magtrabaho at manatili sa mga bansang nabanggit ay nakatali sa kanyang employer, nalalagay ang isang OFW sa panganib at kapos sa depensa, lalong lalo na kung siya ay isang domestic worker. Dahil na rin sa sistemang ito kung kaya’t nangyayari ang pang-aabuso at walang kapangyarihan ang pamahalaan ng Pilipinas na sugpuin ito.

Ang problema kasi sa sistemang kafala, nagagawang tanggapin ng mga mayayaman at makapangyarihang mga GCC countries ang mga migrant worker upang magtrabaho sa kanilang mga bansa na walang direktang obligasyon sa kanilang kapakanan.  Sa pamamagitan ng sistema ng kafala, inalis ng mga estadong ito ang kanilang responsibilidad sa mga migra worker – res-ponsibilidad na depensahan ang kanilang mga karapatan – at ibinigay ang kapangyarihan sa kamay ng mga employer.

Sa pananaw kasi ng mga ‘oil-rich’ na mga bansang ito pantay ang palitan – manggagawa para sa kanilang mga industriya, trabaho at remittance naman para sa atin.  Tanda lamang na tayo ay mahinang bansa kung bakit tayo pumayag sa naturang sistema.  Ika nga, tayo na din ang gumawa ng hukay kung saan tayo nahuhulog.

Marami ang bumabatikos sa hakbang na ginawa ng Pa-ngulong Duterte na itigil ang deployment ng mga OFW sa Kuwait upang magtrabaho.  Isa lamang umanong “grandstan-ding” ang ginawa ng pangulo at walang epekto sa labanan para sa kapakanan ng mga manggagawang Pinoy sa GCC.  Ayon sa mga rights groups, ang tunay na labanan ay ginagawa sa tila walang katapusang paki-ki-pag-ugnayan, pakikipag-u-sap, pagtatalumpati sa larangan ng mga organisasyon tulad ng UN at ILO.  Karanasan umano ang nagturo sa atin na walang epekto ang mga deployment ban sa polisiya ng mga GCC nations sa mga OFW. Marahil dahil na rin ito sa sistemang awtokratiko ng mga bansang naturan at historya at kultura nila sa pagkakaroon ng mga alipin sa nakalipas na mga panahon.

Gayunpaman, matunog ngayon ang pangalan ng Pangulong Duterte sa internasyunal na entablado.  Kilala siya ng maraming mga tao sa buong mundo. Ina-abangan ang kanyang mga ginagawa.  Nagiging matunog ang kanyang mga salita. Mariin na dahil sa deployment ban na ginawa niya laban sa Kuwait, mabibigyan ng atensyon at malalagay sa spotlight ang malupit na kalagayan ng marami na-ting mga OFW, ang hindi makatarungang sistema ng kafala, at kung hindi natin tantanan ang ating panindigan at demanda para sa proteksyon at karapatan ng ating mga kababayan, balang araw ay magkakaroon din ng “international outrage” at “international pressure” upang kumilos ang mga hari ng mga Gulf countries.

Pakatandaan natin na hindi na-abolish ang “slavery” sa America sa isang araw lang o nagkaroon ng “women’s rights” sa loob lamang ng isang taon, kundi ang mga pagbabagong ito ay bunga na rin ng maraming taon, maraming mga situwasyon at maraming paraan ng pakikibaka.  Gawin lang natin ang ating parte, itaas din natin ang ating tinig laban sa pang-aabuso at pagmamalupit na ginagawa sa ating mga overseas Filipino workers, at makikita din natin ang pagbabago isang araw.

Editorial Slider Ticker Bahrain Kuwait OFW Oman PINAS Qatar Saudi Arabia SMNI News United Arab Emirates

Duterte malugod na sinalubong ang 34 na mga manggagawang Pilipino

December 18, 2017 by Pinas News

Pinas News

MALUGOD na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 34 bilang na mga manggagawang Pilipino sa Clark International Airport mula sa Qatar para sa kanilang bakasyon sa nasasapit na Pasko.

Personal na binahagi ng pangulo sa mga OFWs ang OFWs iDOLE cards, P50, 000 cash, P10, 000 at P3, 000 na halaga na mga appliance packages at mga special tokens.

Ang mga naturang overseas Filipino workers (OFWs) ay napili bilang mga nanalo para sa “the 2017 Pamaskong Salubong Para sa OFW,” isang pagdiriwang na iniorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

OFW Slider Ticker Clark International Airport Department of Labor and Employment DOLE OFWs Overseas Workers Welfare Administration OWWA Pangulong Rodrigo Duterte Qatar

Saudi border, muling bubuksan sa Qatar para sa taunang pagdaraos ng Hajj Pilgrimage

August 17, 2017 by PINAS

Sa Saudi Arabia…

Muli umanong bubuksan ng Saudi Arabia ang border nito sa Qatar para sa taunang pagdaos ng Hajj Pilgrimage.

Ito ay inanunsyo matapos makatanggap ni crown prince Mohammed Bin Salman ng sugo mula sa Doha.

Pinapayagan ng hari ng Saudi na makapasok ang mga pilgrims ng Qatar sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng Salwa Border upang makapagsagawa ng Hajj at upang payagan ang mga taga-Qatar na makapasok at makadalo sa Hajj ng walang mga electronic permits.

Matatandaang isinara ng Saudi Arabia ang border nito sa Qatar kasabay ng pagpuputol ng Egypt, Bahrain, United Arab Emirates sa ugnayan nito sa Qatar dahil sa umano’y pagkakanlong nito ng mga terorista.

Internasyonal Slider Ticker Hajj Mohammed Bin Salman Qatar Saudi Arabia

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.