Pinas News
NANAWAGAN si House Asst. Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy.
Aniya, na ilagay bilang ‘election hotspot’ ngayong halalan ang Quezon City.
Ito ay kasunod ng pagpatay kay Bagong Silangan Barangay Captain Crisell ‘Beng’ Beltran.
Tumatakbong kongresista si Beltran ng Quezon City sa ilalim ng ticket ni QC 1st District Rep. Bingbong Crisologo.
Hinimok ni Herrera-Dy ang Comelec at PNP na isailalim sa ‘election hotspot’ at ilagay sa Comelec control ang buong Quezon City.
Dahil sa tindi ng election-related violence ngayong papalapit ang 2019 midterm election.
Sinusuportahan din ng kongresista ang panukalang ihiwalay ang local sa national election para mas matutukan ang seguridad sa mga lugar.
Nawalan aniya sila sa Quezon City ng isang dedicated na public servant sa katauhan ni Kap. Beng.