ADMAR VILANDO
INARESTO ang nasa mahigit 300 Chinese na empleyado sa isang Philippine Offshore Gaming Operator o POGO sa Quezon City.
Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Quezon City Police District (QCPD) at Bureau of Immigration (BI), kanselado ang pasaporte ng mga naarestong Chinese.
Sangkot anila ang mga Chinese sa investment scams at iba pang financial crimes online.
Lisensyado naman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang sinalakay na POGO na pinagtatrabahuhan ng 300 Chinese.
Isinagawa ang operasyon Huwebes, December 19 ng gabi.
Nakikipag-ugnayan naman na ang BI sa Chinese Embassy hinggil sa estado ng mga naaresto.