• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Monday - January 25, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Quincy Joel Cahilig

Putin nagpasalamat kay Trump sa pagpigil sa New Year terror attacks

January 7, 2020 by PINAS

US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin (Photo from Army RumourService)

 

QUINCY JOEL CAHILIG

 

PINASALAMATAN ni Russian President Vladimir Putin si US President Donald Trump sa pagbibigay ng intelligence information na nakatulong sa pagsugpo sa terorismo sa Russia, ayon sa isang pahayag ng Kremlin.

Ayon dito, nag-usap ang dalawang top leaders sa telepono, bagama’t di nagbigay ang ahensya ng iba pang mga detalye ng talastasan.

Iniulat ng Russian media agency na Tass ang pag-aresto sa dalawang Russian nationals. Plano umano ng mga ito na magsagawa ng pag-atake sa malakihang pagtitipon sa pagsalubong ng Bagong Taon sa St. Petersburg.

Noong December 2017, pinasalamatan din ni Putin si Trump sa pagbibigay babala nito kontra sa terrorist plot sa St. Petersburg; nasupil din ang isang planong pag-atake dahil dito.

Naging maasim ang relasyon ng Washington at Moscow pagkatapos ng kontrobersya sa Crimean Peninsula sa Ukraine noong 2014 at dahil sa panghihimasok ng Kremlin sa 2016 US presidential election.

Nguni’t sa kabila nito, naging maayos ang personal na pakikipag-ugnayan nina Trump at Putin sa isa’t-isa. Patuloy din ang kanilang pakikipagtulungan kontra sa terorismo.

Internasyonal Slider Ticker Quincy Joel Cahilig Russian President Vladimir Putin US President Donald Trump

Problema sa maruming CR sa terminals, solved!

July 20, 2019 by PINAS

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Republic Act 11311, na nag-oobliga sa mga public transportation terminals na magkaroon ng malinis at maayos na palikuran, na libreng magagamit ng publiko. (Larawan mula sa PCOO)

 

Ni: QUINCY JOEL CAHILIG

LIBO-LIBONG pasahero ang paroo’t parito sa mga lansangan sa bansa. Bukod sa mataas na pamasahe at hassle sa trapiko, isang pasanin ng mga Pinoy commuter, lalo na ang mga bumabiyahe ng long distance, ang access sa malinis na palikuran kapag tinatawag ng kalikasan sa daan.

Paano ba naman kasi, madalas ay dugyot ang kalagayan ng kubeta sa mga public transport terminal. Kung nais naman na makagamit ng comfort room na talagang komportable, kailangang magbayad ng lima hanggang 15 piso.

Upang lutasin ang pasaning ito ng mga biyahero, minarapat na ipasa ng namayapang Mountain Province Rep. Maximo Dalog ang isang panukalang batas na magtatanggal sa extrang bayad para lang makagamit ng maayos na public toilet.

Aniya hindi dapat ito ipinapataw sa mga biyahero dahil bahagi na dapat ng “human care for common carriers” ng mga establishment ang maintenance ng service facilities para sa mga commuter.

KOMPORTABLENG COMFORT ROOMS, APRUB!

Hulyo 2018, ipinasa ng Senado ang House Bill 1749. Ito ay tinanggap naman ng House of Representatives noong Enero 29, 2019 bilang amyenda sa House Bill 725, na inihain ni Dalog noong 2016.

 

Kamakailan, tuluyan nang naisabatas ang naturang panukala sa pamamagitan ng paglagda ni Pangulong Rodrigo R. Duterte. Sa ilalim ng Republic Act 11311, isa nang requirement ang pagkakaroon ng malinis na restrooms sa mga transport terminals, stations, at roll-on/roll-off terminals.

Sa ilalim ng batas, kinikilala ng Estado ang “the right of every establishment to a fair return of investment carries with it a corresponding social responsibility to provide adequate facilities for the comfort of its clientele.”

“Towards the end, the State shall hereby require the owners, operators, and administrators of land transportation terminals, stations, stops, rest areas, and roll-on/roll-off terminals to improve their facilities through the provision of free internet services, and clean sanitary facilities,” nakasaad pa dito.

Dapat din mayroong hiwa-hiwalay na comfort rooms ang mga persons with disabilities, male, at female. Dapat may sapat din na lighting at ventilation, ligtas at sapat na water supply.

Kailangan ding may flush system, toilet seat with cover, toilet paper, sabon, hand dryer, mirror, garbage bin, door lock, at lugar para sa pagpapalit ng diaper.

Bukod sa malinis na CR, kalakip din ng Republic Act 11311 ang pagkakaroon ng internet connection at lactation station sa mga terminal. (Larawan mula sa PNA)

 

Bukod sa pagkakaroon ng malinis na palikuran, kailangan mayroon ding libreng internet connection at lactation stations sa mga terminal.  Ang mga lactation stations para sa mga ina na nagbe-breastfeed ay dapat may privacy, malinis, at well-ventilated.

Sa ilalim ng batas, bawal na ang paniningil sa mga pasahero para lang makagamit ng palikuran. Kailangan na lamang ipakita ang bus ticket para makagamit ng naturang sanitary facility.

Papatawan ng multang PHP5,000 ang may-ari o operator ng transport terminal na lalabag sa batas.

Ikinatuwa ni Senate public services committee chair Sen. Grace Poe ang pagkakapasa ng Republic Act 11311, na nagsisiguro ng malinis at maayos na comfort rooms para sa riding public. (Larawan mula sa PNA)

Samantala, ikinalugod ni Senador Grace Poe ang pagpasa ng batas, na kaniyang akda at sponsored sa Senado.

“Now, travellers and commuters can rest in the thought that after hours in traffic, they can find an oasis in transportation terminals through free internet connection and clean comfort rooms,” wika ni Poe.

Hiling niya nawa’y istriktong maipatupad ang naturang batas at ang pangangalaga sa mga sanitary facilities para sa kaginhawahan ng riding public.

Pinuri rin ng ilang Pinoy netizens ang hakbang na ito ng pamahalaan. “Nice, but i hope free restrooms would really mean clean restrooms. I don’t mind paying a few coins if restrooms are really for comfort. Thanks, Mr. President! We’re getting there!!! You have our support!” sabi ni James Montales Lotarion sa Facebook.

Hirit naman ng iba, ngayong mayroon ng batas para sa kaayusan ng comfort rooms, sana ang lahat ay maging responsable sa paggamit ng mga palikuran para sa pagpapanatili ng kaayusan ng mga ito.

SANA LAHAT

Matapos umani ng papuri ang pagkakapasa ng batas, panawagan naman ng ilan na sana ay ipatupad din ang pagkakaroon ng malinis na palikuran sa lahat ng government establishments gaya ng mga paaralan at ospital.

Ayon sa World Health Organization (WHO) at UNICEF, tatlo sa 10 health facilities sa bansa ang walang malinis na kubeta. Ayon sa Joint Monitoring Programme for Water Supply, Sanitation and Hygiene report, 23 porsyento ng mga health care facilities gaya ng ospital ang may maruming palikuran at apat na porsyento naman ang walang kubeta.

Nakasaad pa sa report na maraming health centers ang kulang sa sanitation service, basic facilities for hand hygiene at tamang disposal ng health care waste. Mga bagay na dapat ay mayroon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

“Health care facilities won’t be able to provide quality care to people if there is no safe water, toilet or handwashing facility,” wika ni WHO Representative in the Philippines Dr. Gundo Weiler.

“The recent water shortage in Metro Manila highlighted the need for long-term solutions to water, sanitation and hygiene in health care facilities. The Philippines must ensure that safe WASH facilities are available and accessible to ensure health for all Filipinos,” aniya pa.

Lumabas sa pag-aaral ng UNICEF, 7,000 bagong panganak na sanggol ang namamatay araw-araw sa buong mundo dahil sa impeksyon gaya ng sepsis, na maiiwasan kung may access sa water sanitation.

Ayon naman sa Department of Education nasa 3,628 public schools sa bansa ang walang regular source ng potable water. Katumbas ito ng 7.76 porsyento ng 46,739 pampublikong paaralan (38,657 elementary at 8,082 high schools) sa buong Pilipinas.

Ang kakulangan sa sanitation and hygiene facilities sa mga paaralan ay nagtataas ng risk ng pagkalat ng sakit at iba pang infection sa mga estudyante, na maaaring makaapekto sa kanilang school performance.

Sa pamamagitan ng Build Build Build program ng administrasyong Duterte, inaasahang malulutas ang mga nasabing isyu. Kabilang sa P8 trilyon program ang pagpapatayo ng mga iba’t-ibang pampublikong gusali gaya ng paaralan.

Nananatili rin sa top priorities ng pamahalaan ang paglalaan ng malaking pondo para sa mga sektor ng edukasyon at kalusugan.

 

Pambansa Slider Ticker Quincy Joel Cahilig

Bitay: Maibabalik na kaya?

July 16, 2019 by PINAS

Sa ngayon mas marami na ang bilang ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado, mas malaki na ang tsansa na maibalik ang parusang kamatayan sa bansa. (Larawan mula sa PCOO)

 

Ni: QUINCY JOEL CAHILIG

 

PANGUNAHING kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pagsugpo sa droga at iba’t-ibang klase ng krimen sa bansa tungo umano sa mas mabilis na pag-unlad ng bansa.

 

Kung may kapayapaan sa mga lansangan, mas maeengganyo ang mga investors na mamuhunan at mas panatag na makakapagtrabaho ang mga empleyado. Dito nga naka-angkla ang tagline na “Change is coming”, na pinanghahawakan ng bawat Pinoy, lalo na ang mahigit 16 milyon na bumoto kay Duterte noong 2016 elections.

 

Ang electric chair ay isang paraan ng pagbitay na isinagawa sa Pilipinas, na dinala ng mga Amerikano sa bansa noong 1920s. Kabilang sa mga napatawan ng parusang ito si Marcial “Baby” Ama sa kasong murder. (Larawan mula sa Wikipedia)

 

Ang pagsasabalik ng death penalty ay isa sa mga solusyon na nakikita ng Pangulo para masupil ang masasamang elemento sa lipunan dahil hanggang sa ngayon, marami pa rin ang mga halang ang kaluluwa na gumagawa ng henious crimes.

 

“It is time for us to fulfill our mandate to protect our people. Tapos na ‘yan. For so long we have to act decisively on this contentious issue. Capital punishment is not only about deterrence, it’s also about retribution,” wika ng Chief Executive sa kanyang unang State of the Nation Address.

 

Aniya pa, kailangan bigyan ng katatakutan ang mga kriminal na walang takot gumawa ng kasamaan.

 

“In the Philippines, it is really an eye for an eye, a tooth for a tooth. You took life, you must pay for it with life. That is the only way to even. You cannot place a premium on the human mind that he will go straight,” aniya.

 

Panahon pa ng mga Kastila, umiiral na ang capital punishment o death penalty sa bansa. Kabilang nga sa mga napatawan nito ang mismong Pambansang Bayaning si Dr. Jose Rizal na in-execute by firing squad. Noong 1920s, dinala ng mga Amerikano ang pagbitay gamit ang silya elektrika para sa capital crimes gaya ng rape, treason, at murder. Subali’t 1950 na nang unang nagamit ito sa pagbitay kay Julio Gullien dahil sa tangkang pagpatay kay Pangulong Manuel Roxas.

 

Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos ay tumaas ang bilang ng mga nabitay nguni’t nang mapatalsik siya sa pwesto, pansamantalang nahinto ang pagpataw ng death penalty sa ilalim ng 1987 Constitution. Ibinalik naman ni Pangulong Fidel Ramos ang capital punishment gamit ang gas chamber, electric chair, at lethal injection bilang tugon sa noo’y lumalalang bilang ng krimen sa bansa at nagpatuloy ito hanggang sa administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada. Taong 2006, sinuspinde ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang death penalty sa bisa ng Republic Act 9346.

 

PAGBITAY DAPAT ISAPUBLIKO

Sa ikatlong taon ng Duterte administration tinatayang mas malaki na ang tsansang maibalik ang death penalty dahil sa pagkakapanalo ng mga senador na kaalyado ng Pangulo sa nagdaang midterm elections.

 

Sa katunayan, bago ang pagbubukas ng ika-18 Kongreso, kasama ito sa mga inihain na mga panukalang batas ng mga kilalang kaalyado ng administrasyon na sina senador Bong Go, Ronald Dela Rosa, at Manny Pacquiao, at maging si Panfilo Lacson na kasapi ng majority block.

 

Halos magkakapareho ang panukala ng mga mambabatas na ibalik ang parusang kamatayan para sa mga henious crimes at mga high-profile drug criminals. Nguni’t sa version ni Lacson, kasamang papatawan ng bitay ang mga guilty sa plunder, rape, murder, terrorism, treason, at human trafficking.

 

Nais isulong ni Sen. Ronald dela Rosa ang pagbitay sa pamamagitan ng firing squad, na dapat ay mapapanood ng publiko para hindi pamarisan ang mga kriminal. (Larawan mula sa PNA)

 

Kung tatanungin si Senador Ronald dela Rosa, kung maibabalik ang bitay, ang gusto niyang paraan ay sa pamamagitan ng firing squad. Ito aniya ang isa sa kanyang pangako noong kampanya na pilit umano niyang tutuparin.

 

“I have no other campaign promise or platform when I run for Senator except for death penalty for drug trafficking. I have to do that. The people voted for me and I won with that platform,” wika ni dela Rosa sa mga kawani ng media sa nakaraang PNP Civil Security Group–Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) 2019 Stakeholders’ Summit sa Camp Crame, Quezon City.

 

Gusto ng bagitong senador at dating Philippine National Police chief na isapubliko ang mga executions para di pamarisan ang mga kriminal.

 

“If you want, we can have it through firing squad in a plaza covered live by media so that the people will be reminded not to be lured into this activity,” aniya.

 

Subalit nilinaw ni Dela Rosa, na dating chief ng Bureau of Corrections, na mga high-profile drug offenders lang ang dapat bitayin.

 

“Not for all crimes. As I have said, small-time drug peddlers, pushers or users won’t be included. My version of the death penalty is for drug trafficking, those who flood the country with illegal drugs. There should be a ceiling. For example, if you are caught in possession of at least 1 kilo of shabu, you are classified as a drug trafficker. It can be like that,” paliwanag ni Dela Rosa.

 

Bagama’t dehado sa bilang, di basta-basta palulusutin ng minority block sa Senado ang panukalang ibalik ang death penalty ayon kay Senate Minority leader Franklin Drilon. (Larawan mula sa PNA)

 

DADAAN SA BUTAS NG KARAYOM

Sa kabila ng ingay ng pagbabalik ng bitay, ipinahayag naman ni Senate Minority leader Franklin Drilon na hindi basta-basta makakalusot ang panukala sa Senado. Nangako si Drilon na matinding pagkontra ang gagawin ng minority block sa hakbang na muling maisabatas ang death penalty– kahit na dehado ang kanilang bilang pagdating sa plenaryo.

 

“We are prepared to fight it all the way. It will be a tough fight considering that it is administration-backed legislation and a number of senators have openly endorsed its passage. Let alone our diminished number in the Senate,” wika ni Drilon. “Notwithstanding these difficulties, we will do our best to prevent it. We will never allow the 18th Congress to give license to authorities to kill the poor.”

 

Wika pa ng beteranong mambabatas, hindi sagot ang death penalty para masugpo ang krimen dahil sa mga butas sa justice system.

 

“It has been proven time and again that capital punishment is not an effective deterrent to crimes. Only the poor will be made the victim of this measure,” sabi ni Drilon.

 

Tila hati naman ang opinyon ng mga mamamayan sa panukalang ito. Ayon sa survey ng Social Weather Stations, pito sa 10 Pinoy ang tutol na muling ibalik ang parusang kamatayan para sa ilang “serious crimes.” Subalit 47 porsyento ang gustong maibalik ang parusang bitay para sa kasong “rape under the influence.”

 

Pambansa Slider Ticker Pangulong Rodrigo R. Duterte Quincy Joel Cahilig Senador Ronald dela Rosa Senate Minority Leader Franklin Drilon

Pinas pumalag na sa ‘swarming’ ng Chinese vessels sa Pag-asa 

April 25, 2019 by Pinas News

ANG Pag-asa Island, na bahagi ng Spratly Islands group na pinag-aagawan ng maraming mga bansa sa Southeast Asia.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

MULI na namang ipinakita ng China ang pagiging agresibo nito sa pag-angkin sa mga isla at karagatang pagmamay-ari ng Pilipinas. Sa isang ulat ng militar, makikita na pinapalibutan ng daan-daang mga sasakyang pandagat ang Pag-asa Island, na bahagi ng lalawigan ng Palawan.

Tinawag ng Department of Foreign Affairs na “illegal” ang pag-“swarm” sa naturang dako ng mga Chinese vessels, na aabot ang kabuuang bilang na 275 mula Enero hanggang Marso.

Sa kabila ng pagsiguro ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na hindi armado ang mga fishing vessels na namataan, tinukoy ng think tank na Centre for Strategic and International Studies (CSIS), na ang mga barkong namataan ay binubuo ng navy, coastguard, at fishing boats. Batay sa satellite images na kanilang nakalap, nagsimula noong Disyembre ang pagpapadala ng China ng mga vessels sa naturang dako.

Ayon naman kay analyst Richard Heydarian, marami sa mga sasakyang pangdagat ay mula sa Chinese People’s Liberation Army at layunin ng mga ito na pigilan ang Pilipinas na makapagtayo ng mga structures sa isla.

“This is not really helpful to President Duterte because he is trying very hard to sell his rapprochement to China to the Philippine people, including to the Philippine military, which remains very skeptical of China,” wika ni Heydarian.

Sa kasalukuyan sumasailalim sa rehabilitasyon ang mga structures sa Pag-asa Island, kabilang dito ang isang runway. Ang isla ay bahagi ng Spratly Island group na matagal na panahon nang pinag-aagawan ng iba’t-ibang mga bansa gaya ng China, Vietnam, Malaysia, Philippines, Brunei, at Taiwan.  Sinasabing mayaman sa natural gas ang Spratlys.

PERSONAL na inimbitahan ni Chinese President Xi Jinping si Pangulong Rodrigo Duterte para daluhan ang 2nd Road and Belt Forum sa Beijing ngayong Abril, kung saan maaaring talakayin ang usapin sa West Philippine Sea.

 

Duterte to China: ‘Pag-asa is ours’

Kung noon ay tila “friendly” ang tono ng Duterte administration sa issue sa West Philippine Sea,  tila palaban na ang naging mga pahayag ng pamahalaan sa ginagawang pangangamkam ng China sa mga teritoryo ng bansa.

Sa isang pagkakataon, sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na lubayan ang Pag-asa Isand.

“I’m trying to tell China: ‘Yung Pag-asa is ours. We have been there since 1974. Kung inyo ‘yan, bakit hindi ninyo pinaalis kami?” sabi ni Duterte sa isang kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

“Let us be friends, but do not touch Pag-asa Island and the rest, Pag ‘yan ang ginalaw ninyo, ibang istorya na ‘yan. Sabihin ko sa mga sundalo ko, ‘Prepare for suicide mission,'” dagdag nito.

Sa kabila ng magandang relasyon ngayon ng dalawang bansa, ani Duterte, maaari itong magbago kapag may sinaktan ang China na Pinoy.

“I said that is part of the conflict because they have gobbled up the whole of China Sea. Para sa kanila, kanila ‘yan. So they feel free to roam around and do whatever, but they actually never harmed or arrested any Filipino. I am sure that it has something to do with the greater game of geopolitics and it is not directed to us. And I assure you that if they kill or arrest people there who are Filipinos, then that would be the time that we will have to decide on what to do,” wika ng Pangulo.

Subali’t nilinaw ni Duterte na hindi niya hinahamon ang China kundi pinapayuhan lamang.

“This is not a warning; this is just a word of advice to my friends, kasi kaibigan tayo ng China. So nakikiusap ako. I will not plead or beg, but I’m just telling you that lay off the Pag-asa because may mga sundalo ako diyan,” aniya.

Sinabi naman ng Malacañang na walang dahilan para palibutan ang mga islang occupied na ng Pilipinas at binigyang diin na hindi tutulutan ng Duterte administration na panghimasukan ng mga Chinese ang teritoryong pagmamay-ari ng bansa.

Wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, patuloy na tututulan ng gobyerno ang paglalayag ng mga Chinese vessels sa karagatan ng Pilipinas sa pamamagitan ng paghahain ng diplomatic protests.

“We will object to their presence. We have already filed a diplomatic protest and that applies to everything, anything that concern Chinese vessels in our territory,” wika ni Panelo. “They should leave, they have no business being there. They cannot be staying there forever.”

“We remain steadfast in maintaining our claims with respect to our territory and exclusive economic zones pursuant not only to the said arbitral judgment based on accepted principles of public international law but consistent with the directives of our Constitution and the aspirations of the Filipino people,” aniya.

Sinabihan din ni Panelo ang China na iwasang gumawa ng mga hakbang na maaring makasama sa mga mangingisdang Pilipino na namamalakaya sa mga teritoryong pinagtatalunan, bagay na makapagdudulot umano ng di magandang epekto sa “friendly relations” at “bilateral negotiations” ng dalawang bansa.

“If they continue to be present in our territory then it is an assault to our sovereignty,” sabi ni Panelo.

Inaasahan na pag-uusapan ang naturang isyu sa 2nd Belt and Road Forum na dadaluhan ni Pangulong Duterte ngayong Abril. Noong Nobyembre, personal na inimbitahan ni Chinese President Xi Jinping ang Pangulo na daluhan ang naturang pagpupulong na isasagawa sa Beijing.

SINA dating foreign secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, na kamakailan ay kapwa nagsampa ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court dahil sa pang-aagaw ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

Gamitin na ang The Hague ruling vs. China

Tinawag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na “solid” ang claim ng Pilipinas sa Spratly islands batay sa historical at legal na mga ebidensya.

“Despite the pronouncement of the Chinese Foreign Ministry, we stand on solid ground on our claims in the Spratlys and the West Philippine Sea. There is the 1981 UNCLOS (United Nations Convention on The Law of the Sea) of which China is a signatory, that gave the Philippines an EEZ (exclusive economic zone) of 200 nautical miles,” sinabi niya sa harap ng media.

Dagdag ni Lorenzana, mas pinatibay pa ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ruling noong July 12, 2016 ang claim ng Pilipinas, na tuluyang nagbasura naman sa Nine-dash Line historical claim ng China.

“There is the PCA ruling of July (12) 2016 which invalidated the Chinese historical claims. In short, the Chinese have nothing working for them except their imagined historical claim,” binigyang diin ni Lorenzana.

Subali’t nagpasya noon si Pangulong Duterte na isantabi muna ang verdict ng International arbitration court upang isulong ang magandang ugnayan ng Manila at Beijing para sa bilateral ties tungo sa ikalalago ng ekonomiya.  Nguni’t sinabi ng Pangulo na gagamitin din niya ang The Hague ruling sa tamang panahon.

Para kay dating foreign secretary Albert del Rosario, ito na ang tamang panahon para gamitin ng Duterte admin ang nasabing ruling sa gitna ng agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea.  Dapat na aniyang gumawa si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ng mga recommendation hinggil dito.

“What is currently notable is that Beijing is now clearly revisiting its excessive and unlawful claim in the South China Sea that has been ruled upon by the arbitral tribunal whose ruling is now an integral part of international law. At the same time, amid aggressive moves by our northern neighbor in such areas as Pag-asa, in other areas and in other issues, it may be the right time to finally unshelve our arbitral outcome, enabling our SFA to develop recommendations for our President’s consideration,” pahayag ni del Rosario.

Naniniwala si del Rosario at si Ombudsman Conchita Carpio Morales na ngayon na nga ang best time para isulong ang resulta ng arbitral tribunal outcome. Kapwa nila sinampahan ng reklamo for crimes against humanity sina Chinese President Xi Jinping at ang iba pang Chinese officials sa International Criminal Court dahil sa usapin sa West Philippine Sea.

Sa ruling ng PCA, walang basehan umano ang China na gamitin ang Nine-dash Line claim nito sa West Philippine Sea at sinabing nilabag ng Beijing ang sovereign rights ng Pilipinas. Sinabi rin ng korte na hindi mga isla kundi mga bato o reefs lang ang kontrolado ng China, na hindi nabibigay ng territorial rights sa kanila.  Subalit hindi tumalima ang China sa naturang ruling at inakusahan pa ang mga hukom ng tribunal na tumatanggap ang mga ito ng suhol mula sa Pilipinas para ibasura ang claims nito sa West Philippine Sea.

Pambansa Slider Ticker Albert del Rosario Brunei China Chinese Ambassador Zhao Jianhua Chinese People’s Liberation Army Chinese President Xi Jinping Department of National Defense (DND) Malaysia Ombudsman Conchita Carpio Morales Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Permanent Court of Arbitration (PCA) Philippines PINAS Presidential Spokesman Salvador Panelo Quincy Joel Cahilig Secretary Delfin Lorenzana Taiwan Vietnam

Duterte admin, pumapalag sa fake news

April 10, 2019 by Pinas News

HINIHIKAYAT ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang publiko na gamitin ang Freedom of Information para masiguro ang transparency sa mga ahensya ng gobyerno.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

SA isang click lang, ngayon, nasa mga kamay mo na ora mismo ang anumang impormasyon na hinahanap mo. Salamat sa biyaya ng modernong teknolohiya na internet at natapos na nga ang mga araw ng paghahalungkat at pagbubuklat ng mga maalikabok na libro sa mga shelves ng library.

Sa panahong ito, halos lahat ng ating ginagawa ay isinasangguni natin sa internet — produktong pipiliin, pasyalan at mga events na pupuntahan, lunas sa karamdaman, troubleshooting, at marami pang iba.

Kasama sa kinokonsumo ngayon ng mga tao sa internet at social media ang mga pinakabagong balita, na batayan sa pang araw-araw na gawain.  Bagama’t nananatili pa rin na telebisyon ang pangunahing source ng balita at mas pinagkakatiwalaan ng audience, unti-unti nang humahabol ang social media platform sa paghahatid ng balita dahil sa patuloy na improvement sa communications technology.

Subali’t gaano nga ba ka-realiable ang mga balita na nakikita sa new media? Lalo na kung mayroong tinatawag na fake news o ang mga artikulong naglalayong makapanlinlang, na ipinepresenta sa anyong balita subalit mali-mali ang mga impormasyong nakasaad.  Wika nga ng batikang columnista na si John Nery, taglay ng fake news ang tatlong Ds — “deliberate, disguised, and deceiving.”

Para sa UP Professor at batikang journo na si Luis V. Teodoro, hindi na bago ang ganitong taktika upang makapag-kundisyon ng isipan at damdamin ng madla sa iba’t-ibang personalidad at isyu.

“Fake news is not the new phenomenon most people, and apparently — some senators — think it is. Its proliferation is driven by popular misunderstanding of the responsibilities of communication and its value in human affairs. But it is also the means through which human perceptions of the most crucial issues of public concern and interest are manipulated by forces whose interests are contrary to mass understanding,” aniya.

Gaano ba kalala ang impact ng fake news? Di na kailangan ng extensive research para matukoy ito. Tumungo lamang sa mga comments sections ng mga online news pages at makakakita ka ng “hate speech” ng mga online trolls para ibagsak ang mga respetadong institusyon ng lipunan. At marami ang nahahawahan ng naturang takbo ng pag-iisip– kahit pa ang mga kamag-anak at kaibigan natin, sadly.

Dahil sa panganib na kaakibat ng fake news, naging aktibo ang mga technology companies gaya ng Facebook, sa tulong ng mga respetadong news organizations, sa pagtugis sa mga nagpapalaganap ng disinformation. Kamakailan nga ay tinanggal ng Facebook ang 200 pages at accounts, na may libo-libong mga followers, dahil sa pagpapalaganap ng fake news at trolling na naglalayong makapanira ng imahe ng ilang mga kandidato sa nalalapit na halalan.

AYON sa mga eksperto, upang malabanan ang pagkalat ng fake news, kinakailangan din na maturuan ang mamamayan kung papaano matukoy kung alin ang opinion at alin ang news.

 

‘Quality journalism’ vs. Fake news 

Subalit sa panig ng mga eksperto, di sapat na i-take down lang ang mga promoter ng disinformation. Kailangan isulong ang “Quality journalism” sa hanay ng mga mamamahayag at turuan ang mamamayan kung papaano mag-verify ng impormasyon.

Tinalakay sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Workshop for Addressing Fake News sa Bangkok ang naturang isyu. Tinukoy ng mga lecturers na ang mga nakapaloob sa quality journalism ay ang verification, independence, accountability, and transparency.

Para sa veteran Thai journalist Kavi Chongkittavorn, dapat iwasan ng mga mamamahayag ang pag “dramatize” ng balita, sa halip ay mas pagtuunan ng pansin ang fact-checking.

“People often spread rumors.’Mouthbook’ (gossip) is faster than Facebook. They say, ‘This is just what I heard.’ Thus, we need to verify,” sabi ni Chongkittavorn.

Sinang-ayunan naman ito ni Dr. Masato Kajimoto, assistant professor sa Journalism and Media Studies Centre sa University of Hong Kong.

“If somebody says something to the public, we have to verify. Misinformation spreads far and wide. We must be able to differentiate opinions from facts,” ani Kajimoto.

Dagdag pa niya, hindi sapat ang pagtitiwala sa pinanggagalingan ng balita para tukuyin kung totoo ba ito o hindi.

“When your mother says the pizza is in the fridge, you believe it because you trust her. But do you actually check whether the pizza is really in it? It’s the same for news,” paliwanag niya.

Duterte admin kontra disinformation 

Isa sa mga commitment ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang transparency at good governance. Kaya aktibo rin sa pakikibaka sa fake news ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pangunguna ni Secretary Martin Andanar.

Naglunsad ng PCOO ng mga anti-fake news na mga programa, na naglalayong turuan ang mamamayan kung papaano matutukoy ang tama sa maling balita, tulad ng Real Numbers PH na nagbibigay ng accurate numbers sa anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration; Provincial Communications Officers Network, na direct link ng national government sa local government units; at ang Dismiss Disinformation, isang advocacy na tumutulong para sugpuin ang paglaganap ng fake news.

Kamakailan ay inilunsad naman ng Bureau of Communication Services (BCS) ang Balita Central, isang pahayagan na tagapaghatid sa publiko ng mga balita tungkol sa mga programa ng pamahalaan upang iangat ang kabuhayan ng mamamayan.

“This as we seek to make the public informed of the current and relevant events, we believe that one of the hallmarks of democracy is a literate, informed citizenry,” wika ni PCOO Undersecretary George Apacible sa launching ng pahayagan sa LRT-2 Araneta-Cubao Station, kung saan ito ay libreng ipinamimigay.

FOI: Sandata kontra fake news 

Samantala hinimok naman ni Andanar ang publiko na gamitin ang Freedom of Information (FOI) Order na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte wala pang isang buwan pagkatapos ng kanyang pagkakaluklok noong 2016.

Sa ilalim ng FOI, inaatasan lahat ng ahensya ng gobyerno sa ilalim ng executive branch, national government, at lahat ng mga opisina, departamento, bureaus, government-owned and controlled corporations, state universities and colleges, at local government units na maging transparent sa kanilang serbisyo.

“Kung hindi ninyo gagamitin, wala din. There lies this freedom to be free from hypocrisy, free from hatred, free from anger, free from the false expressions of opinions that contaminate the mind and wounded the heart, free from the fake news, free from the false reports, from the fabricated stories,” wika ni Andanar sa kanyang talumpati sa PCOO Roadshow sa Leyte Normal University.

“In that space lies your ability or your right to know what is true,” aniya. “Our people are now at the doorsteps of government as it opens itself for their entrance.”

Binigyang diin ni Andanar na kailangang lumahok ang mamamayan upang maisakatuparan ang pagbabagong inaasam ng lahat.

“The FOI ideal is information for transformation. Clearly, it is not just a matter of knowing how our government functions but the manner of acting on that knowledge for improving both the work of government and the living standards of the people,” sabi ng PCOO Secretary.

Pambansa Slider Ticker Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Bureau of Communication Services (BCS) Dr. Masato Kajimoto Luis V. Teodoro PCOO Roadshow Leyte Normal University PINAS Presidential Communications Operations Office (PCOO) Quincy Joel Cahilig University of Hong Kong

Laban kontra terorismo, di aatrasan ng Duterte admin 

March 25, 2019 by Pinas News

ALERTO 24 oras na nagbabantay sa mga karagatan ng bansa ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard laban sa banta ng terorismo.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig 

Isa ang terorismo sa mga isyu na matagal nang kinakaharap ng gobyerno ng Pilipinas. Ang paghahasik ng kaguluhan ng iba’t-ibang mga bandido, communist, at extremist groups ay talaga namang nakakahadlang sa peace situation, bagay na mahalaga para sa mga investors na gustong mamuhunan sa bansa.

Batay sa Global Terrorism Index report na inilabas ng Institute for Economics & Peace (IEP), nasa pang-sampung pwesto ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang apektado ng terorismo noong 2018; kabilang ang Nigeria, Afghanistan, Syria, Pakistan, Somalia, India,Yemen, Egypt, Congo, Turkey, Libya, South Sudan, Central African Republic, Cameroon, Thailand, Kenya, Sudan, U.S., Ukraine, Mali, at Niger.

Siniguro naman ng Malacañang na seryoso ang pamahalaan sa paglutas sa banta ng terorismo at patuloy pang pinapalakas ang kakayahan ng militar at pulisya upang labanan ang mga pwersang naghahasik ng karahasan sa lipunan.

TINIYAK ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na seryoso ang Duterte administration sa pagsupil sa pwersa ng terorismo sa bansa.

 

“As one would expect, we are not taking terrorism lightly. Our goal is to totally eradicate rebellion by crushing it as well as providing better services and opportunities for all to achieve a state where there would no longer need for any uprising or armed struggle,” pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo, kasalukuyan pa ring umiiral ang martial law sa Mindanao matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 216 bunsod ng paglusob ng Islamic State-inspired Maute group sa lungsod ng Marawi noong 2017. Ayon kay Panelo ang extension ng martial law sa rehiyon ay dahil sa patuloy na banta sa seguridad ng publiko, bagay na suportado naman ng maraming Pilipino.

Ilan pa sa anti-terrorism steps ng  Pangulong Duterte ay ang pag-isyu ng Memorandum Order No.32, na nagpapalakas sa guidelines ng miltar at pulisya sa pagsugpo sa karahasan, at ang pagpapatupad ng Executive Order No.70, na nagtatakda sa pagbuo ng isang national task force para lutasin ang problema sa local communists at insurgencies.

PINAPAYUHAN ng mga government authorities ang mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak sa paggamit ng internet upang maiwasang ma-brainwash ang mga ito ng mga extremist groups.

 

PAGBIBIGAY PRIORITY SA PANGANGAILANGAN NG PNP AT AFP

Patuloy ang modernization programs ng Duterte administration sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) upang makasabay sa lumalakas din na kakayahan ng mga terrorist groups sa loob at labas ng bansa.

Kamakailan, inanunsyo ni PNP chief, General Oscar Albayalde ang pagbili ng pulisya sa mga motorized patrol boats at pag-recruit ng karagdagang tauhan para sa maritime operations ng PNP, nagbabantay sa mga borders mula sa pagpuslit ng mga bawal na gamot at pagpasok ng mga terorista.

“We are modernizing our maritime group. We have procurement last year and there will be a portion of our 2019 budget that will be allocated for the capability enhancement,” wika ni Albayalde.

Ayon naman kay Brigadier General Rodelion Jocson ng PNP Maritime Group, dumating na ang pito sa 28 gunboats na naaprubahan noong nakaraang taon at inaasahan ang pagdating ang nalalabi pang gunboats ngayong taon. Oorder din umano ang PNP Maritime Group ng karagdagan pang 18 gunboats at drones ngayong 2019.

Samantala, pinapalakas din ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kakayahan nito gamit ang PHP1.320 bilyon na pondong inilaan para sa pagbili ng speed boats mula sa U.S.

Apat sa 38-meter response boats ang paparating na sa bansa ngayong taon, na may bilis na 40 knots, na kayang habulin ang mga terorista at pirata sa mga karagatan ng Mindanao.  Inaasahan na din umanong makukumpleto na ngayong taon ang 40 units ng 33-footer boats na kanilang inorder mula sa mga local shipbuilders.

Patuloy din ang natatanggap na suporta ng Pilipinas mula sa mga malalaking bansa na kaalyado nito tulad ng U.S. na nag-pledge ng PHP300 milyong ayuda para paigtingin ang intelligence operations laban sa extremist groups. Nagpahayag din ng suporta ang France, Russia, Japan, at China sa kampanya ng Pilipinas kontra terorismo.

“Terrorism knows no boundaries, politics, religion and creed. It is the new evil in the world that strikes at every country and every continent and all member-nations of the United Nations really should help and cooperate with each other to combat and crush terrorism,” wika ni Panelo.

MANATILING ALERTO SA ISIS

Habang isinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang sinasagupa ng US-backed Syrian Democratic Forces (SDF) ang nalalabing caliphate ng Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) sa isang village sa Baghouz. Sa loob ng ilang araw ng paglusob ng SDF at coalition warplanes, matagumpay nilang napasuko ang mahigit 4,000 na ISIS fighters kasama ang kanilang mga pamilya.

Dahil dito, natatanaw ng ilan ang nalalapit na pagguho ng naturang kampo ng mga extremist, na minsa’y naging singlawak ng Britain.

Subali’t kung natitibag na ang pwersa ng IS sa middle east, kasalukuyan din namang umuusbong ang panibagong pwersa nito sa ibang panig ng mundo. At ayon sa mga ulat, ito’y sa Mindanao.

Taong 2016 nang magsimula ang malawakang recruitment ng ISIS sa Mindanao sa pamamagitan ng online videos at marami-rami umano silang nahikayat sa loob at labas ng bansa. Taong 2017, ang mga militanteng sumanib sa IS na Maute Group ang lumusob sa Marawi, kung saan nakita rin na mayroong mga foreigners sa kanilang hanay. Matapos ang mahigit limang buwang bakbakan na kumitil sa buhay ng 900 insurgents, nagtagumpay ang pwersa ng pamahalaan ng Pilipinas. Nguni’t naniniwala ang ilan na reresbak pa ang IS sa bansa.

Nitong Enero, ginimbal ng kambal na pambobomba ang Jolo, Sulu, na kilalang balwarte ng Abu Sayyaf terrorist group, na sinasabing sumapi na rin sa IS. Mahigit 20 katao ang nasawi at marami ang sugatan sa naturang pagsabog.

Naunang inako ng ISIS ang naturang twin blasts. Nguni’t tinukoy ng pamahalaan na ang bandidong Abu Sayyaf ang may kagagawan.

Ayon kay Rommel Banlaoi, chairman ng Philippine Institute for Peace, Violence, and Terrorism Research, maraming financial resources ang IS at patuloy ang pagrecruit nila ng fighters.

“ISIS is the most complicated, evolving problem for the Philippines today, and we should not pretend that it doesn’t exist because we don’t want it to exist,” babala ni Banlaoi.

WAR ON TERRORISM, NAGSISIMULA SA TAHANAN

Sinabi naman ni Sidney Jones, director ng Institute for Policy Analysis of Conflict na nakabase sa Indonesia, tinatarget ng ISIS ang mga kabataan na gawing recruits.

 “The government didn’t recognize its strength in attracting everyone from university-educated students to Abu Sayyaf kids in the jungle. Whatever happens to the pro-ISIS coalition in Mindanao, it has left behind the idea of an Islamic state as a desirable alternative to corrupt democracy,” aniya.

Kaya naman pinapayuhan ng isang socio-anthropology professor sa Philippine Military Academy (PMA) ang mga magulang na bantayang mabuti ang kan

ilang mga anak sa social media. Ayon kay Capt. Sherhanna Paiso, military science professor at chief ng education branch ng PMA, mahalagang malaman ng mga magulang kung sino-sino ang kausap ng kanilang mga anak sa social media gayon din ang mga tanda kung ang kanilang anak ay nahawahan ng radicalization, na ipinanghihikayat ng mga extremist groups sa mga menor de edad na may kakulangan pa sa critical thinking skills.

Aniya, kapag pinalitan ng isang bata ang kanyang profile picture na nakasuot ito ng maskara ng ISIS o ISIS flag, ibig sabihin ay naimpluwensyahan na ito ng radicalization.

“If you are in a group the promotes violence, there is a tendency for you also to become violent individual. Remember, prevention is always better than cure,” wika ni Paiso.

Payo din ng military prof na iwasan ang pag-stereotype sa mga Muslims bilang “terrorists” at “bombers” para maiwasang mahikayat ang mga Muslim youth na sumapi sa mga grupong nagpapasimuno ng karahasan.

Pambansa Slider Ticker Armed Forces of the Philippines (AFP) Britain Capt. Sherhanna Paiso China esidential Spokesman Salvador Panelo France Institute for Economics & Peace (IEP) ISIS Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) Japan Mindanao Pangulong Rodrigo Duterte Philippine Coast Guard (PCG) Philippine Military Academy (PMA) Philippine National Police (PNP) Quincy Joel Cahilig Russia Syrian Democratic Forces (SDF)

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Page 4
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.