MJ MONDEJAR
TULUYAN nang nakalusot sa Kamara ang panukalang batas na layong palawigin ang sakop ng Violence Against Women and Children.
Sa botong 227 affirmative, zero negative at zero abstention, ay naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 5869 o Expanded Anti-Violence Against Women and Their Children Act
Sa ilalim nito, sasaklawin na ang mga porma ng karahasan sa kababaihan na nakabatay sa teknolohiya, tulad ng stalking, paghaharass sa text messages at chat, at pagpapakalat ng video para siraan ang asawa o ka-partner.
Batay kasi sa kasalukuyang RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children ay hindi pa kasama ang electronic violence.
Oras na maging ganap na batas, nasa P300,000 hanggang P500,000 ang maaaring ipataw na multa para sa E-VAWC.