Pinas News
PATAY ang isang radio announcer na tumatakbong konsehal matapos pagbabarilin sa Guihulngan City, Negros Occidental.
Kinilala ang biktima na si Alburo Gabriel o mas kilala bilang “Commander Agila” na nagtamo ng labintatlong tama ng bala sa kanyang katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon, galing sa sabungan ang biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay sakay ng motorsiklo nang tambangan ito ng riding-in-tandem.
Ayon sa pulisya, posibleng may nakaalitan si Gabriel sa sabungan at sinundan ito.
Wala aniyang kinalaman sa trabaho o politika ang motibo sa pamamaril.