Muling nakansela ang pagdinig sa kasong plunder ni dating senador Jinggoy Estrada.
Nakansela ang pagdinig dahil sa nakabinbing pang mosyon ng kampo ng dating senador.
Nasabon naman ni Sandiganbayan Fifth Division Associte Justice Rafael Lagos ang kampo ng dating senador dahil sa delaying tactics umano ng mga ito.
Naghain si Estrada ng umano’y “very late motion” ngayong araw para i-delay ang pagdinig.
Ani Lagos, dapat ay isinumite ito ni Estrada noon pang nakaraang dalawang linggo.
Personal na dinaluhan ni Estrada ang dapat sana’y unang araw ng kanyang plunder trial.
Humirit din ito ng dalawang araw na medical pass para sumailalim sa videocolonoscopy dahil sa mataas umanong lebel ng carcinoembryonic antigen.
Nag-ugat ang kasong plunder ni Estrada sa umano’y kickback na natanggap nito sa pork barrel fund scam.
Hanggang ngayon ay nakadetine pa rin si estrada sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.