YNA MORTEL
PANGUNGUNAHAN ng American Rock Band na Rage Against The Machine, Travis Scott at Frank Ocean ang highly anticipated na Coachella Festival ngayong taon.
Headline ng Friday line up ang bandang Rage Against The Machine kung saan makakasama nito ang iba pang artists gaya nina Calvin Harris, Rex Orange County at Kpop boy band na BigBang.
Saturday nights naman ang paiindakin ng rapper na si Travis Scott kung saan makakasama nila ang Flume, 21 Savage, Summer Walker at marami pang iba.
Music fest ender naman ang singer-songwriter na si Frank Ocean na mangunguna para sa line up ng Sunday nights.
Agad na na-sold out ang first weekend ng naturang music fest habang open for presale noong Enero a-6 ang Coachella 2nd weekend.
Gaganapin ang unang weekend ng Coachella 2020 sa April 10 – 12 habang April 17 – 19 ang second weekend nito.