Pinas News
NAG-UMPISA sa biro ngunit hindi inaasa-han na marami palang nais sumuporta kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa pagtakbo nito sa senatorial race sa susunod na taong eleksyon.
Kahit si Bong Go ay hindi niya inaasahan na darating sa puntong seseryosohin ng kanyang mga kasamahan sa gobyerno ang pagtakbo niya sa pagkasenador.
Hinikayat siya ng mga tagasuporta sa “Ready! Set! Go!” movement na inilunsad sa Intramuros, Manila kamakailan lang para lamang tumakbo siya sa senatorial race sa darating na halalan.
Hindi rin naman karaniwang tao ang dumalo sa movement na pinangunahan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar. Dinaluhan ito ng mga cabinet officials kabilang si Labor Secretary Silvestre Bello III, Foreign Affairs Se-cretary Allan Peter Cayetano, Trade Secretary Ramon Lopez at National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Ngunit sa kabila ng mga panawagan ay naging matigas pa rin si Go sa kanyang panindigan.
Dahil hindi sumagi sa ka-nyang isipan na pumasok sa pulitika tanging hangad lamang niya ay mapagsilbihan si Pangulong Rodrigo Duterte hangga’t sa kanyang huling hininga.
Ngunit naging masaya na rin si Go dahil mismo ang dating Davao City mayor na pangulo na ngayon ng bansa ang nag-endorso sa kanya para sa pagkasenador.
Itinuturing niyang ta-gapagpayo, mentor, at ka-nyang boss ang pangulo kaya naman ay hindi nito matatanggihan ang kagustuhan nito.
Pero para sa kanya ay napakaaga naman para pag-isipan niya ang mga ganung bagay. Pagtuunan muna ni Go ang 24-oras na makapagsilbi sa pangulo.
Una nang itinuro ng pabiro ni Pangulong Duterte si Go para sa Senate race sa susunod na taon na sinegundahan naman ng anak nito na si Davao Mayor Sara Duterte sa pabirong pagtawag kay Go na senador hanggang sa humantong ito sa paglunsad ng kampanya ng mga Cabinet officials upang hikayatin itong tumakbo.
Umabot ang kampanya hanggang Visayas sa sarili rin nilang bersyon na “Cebu is Go” movement na pinangunahan ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Dino.
Nagpahayag ang mga opisyal sa mga bayan at lungsod sa Cebu ng kanilang suporta kung sakaling tumakbo si Go sa pagkasenador kabilang ang mga hindi kasama sa partido ng administra-syon ay nagpahayag din ng kanilang suporta.
Malaki ang tiwala ni Duterte na maging magaling na senador si Go at tiwala rin ang pangulo na manalo si Go dahil malawak ang suporta nito mula sa lahat ng mga sektor kabilang ang militar at pulis.
Kaya wala ng dahilan pa para iwasan ito ni Go!