Ni: Ana Paula A. Canua
PINIRMAHAN na ni Presidente Duterte ang Republic Act 10973 na nag-aamyenda sa Republic Act 6975 o ang Local Government Code na nagtatakda sa Philippine National Police (PNP) Chief, at Deputy Director ng Administration of the Criminal Investigation and Detection Group na mag-issue ng subpoena at subpoenas ducus tecum o mga dokumento na kinakailangan para umusad ang isang imbestigasyon.
Nakasaad sa naturang batas na kailangang sundin ang ilang alituntunin na magsasabing nasa katwiran ang subpoena, “The subpoena shall state the nature and purpose of the investigation, shall be directed to the person whose attendance is required, and in the case of a subpoena ducus tecum, it shall also contain a reasonable description of the books, documents, mor things demanded which must be re-levant to the investigation.”
Kapag hindi tumugon ang nasasakdal sa subpoena maaari itong macharge ng indirect contempt ng Regional Trial Court o makulong ng 30 araw.
MAY DAPAT BANG IKABAHALA SA BAGONG KAPANGYARIHANG IPINATAW SA PULISYA?
Ayon sa batas, hindi maa-ring gamitin ng pulisya ang subpoena na kanilang inissue upang umaresto. Kailangan muna na magfile ng petition sa korte bago isagawa ang pag-aresto. “Iyong subpoena powers po hindi po iyan dahilan para sila ay magkaroon ng kapangyarihan na mag-aresto, dahilan lang po iyan para magkaroon ng petition for indirect contempt at ang hukuman pa rin po ang magpapataw ng parusa doon sa hindi susunod sa mga subpoenas,” pahayag ni Presidential spokeperson Harry Roque.
Ang nasabing desisyon ng pangulo ay kasunod ng pagnanais na mapabilis ang imbestigasyon at proseso ng pagkakadakip sa sinumang sangkot sa iligal na droga at gawain.
SINO ANG MAARING MAG-ISSUE?
Sa ilalim ng batas, ang PNP chief, director at deputy director ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, ang may kapangyarihan na mag-issue ng subpoena at subpoena duces tecum o dokumento na may kinalaman sa imbestigasyon. “This subpoena power will give hope to the many victims of crimes who were deprived of justice due to the slow investigation processes, as witnesses or respondents to crimes cannot be forced to face investigation,” dagdag ni Roque.
HINDI AABUSO SA KAPANGYARIHAN
Sinisigurado ng PNP investigation body na wala dapat na ikabahala ang publiko dahil hindi nila aabusuhin ang kanilang subpoena power. “Tatlong tao lang, hindi pwedeng i-delegate yon. Para yung accountability and res-ponsibility, nasa shoulders lang namin kahit sino sa amin pupuwede. Pero sa PNP na napakalaki ng organisasyon, tatlo lang. May wisdom na sa bawat gagawin, may accoun- tability and responsibility din para doon sa mga taong naatasan na magbigay ng subpoena,” giit ni police Director Roel Obusan.
“It will not be abused. Subpoena can be checked, the person can consult lawyers and other learned individuals. It will not supplant rights of the people. In fact, this can lessen conduct of search warrants,” dagdag niya.
“Mas mapapabilis ang proseso. Mabilis siya na walang masyadong nasasaktan. Maiiwasan din yung bulung-bulungan na kapag nag-raid ay kung anu-ano ang kinukuha ng raiding party, kahit na hindi subject ng search warrant. So mas magiging mas democratic, legit at mas mabilis.”
Ayon kay Obusan dahil na rin sa pinataw na kapangyarihan sa kanila magkakaroon na sila ng awtoridad na makakuha ng mga dokumento at magpatawag ng indibidwal para sa imbestigasyon para makakuha ng ebidensya laban sa mga hinihinalang sangkot sa krimen at masamang gawain, sa pamamagitan nito mas mapapadali ang pag-file ng kaso at mabilis ito na mareresolba.
Dagdag ni Police Senior Supt. Wilson Asueta, chief of CIDG-National Capital Region napakahirap noon na makakuha ng impormasyon na maaring gamiting ibidensya sa kaso gaya ng pagkuha ng kopya ng CCTV footage.
“Dati, kung may gusto kang hingin na ebidensiya na hindi ibibigay basta o kahit anong related na request na document na nahihirapang maibigay. Mas mabilis nga-yon, dahil kapag inimbitahan mo, may ngipin ka. Hindi mere invitation lang, may effect sa imbestigador. Pag ayaw nila, pwede mong kasuhan. Lalo na sa mga financial investigations related sa drugs. Mas magaan ang pagkuha ng ebidensiya.”
Paninigurado ni Asueta sinuman na CIDG na mapatunayan na umabuso sa kapangyarihan ay mahaharap sa administrative at criminal charges.
“May measure na gagawin, ipapadaan din sa legal, review bago makarating kay chief or director. Hindi naman basta basta mag-i-issue ang director. Evaluate din yung kanilang i-a- apply. Kung sinong mag-violate magkakaroon pa rin ng admin or criminal charge, depends sa situation.”
Upang maisakatuparan ang batas, kailangan ng ngipin sa pagpapatupad nito habang hindi naisasantabi ang karapatan ng suspek at biktima. Nanatili namang bukas ang organisasyon at ahensya gaya ng Commission on Human Rights sa sinuman na maabuso ng nasa kapangyarihan.