Ni: Ana Paula A. Canua
Lumaki sa Sherwood Content , Jamaica si Usain Bolt, lugar na walang ilaw ang kalsada at limitado ang tubig, noong mag-uwi ng gintong medalya si Bolt, lubos ang kagalakan ng kanyang komunidad dahil sa wakas , sa kabila ng hirap ng kanilang lugar mayroon silang kababayan na nag-uwi ng ginto. Hindi naman sila nabigo dahil nagpaabot si Bolt ng tulong sa kanyang unang panalo sa Olympics.
“Usain’s three gold medals brought us running water, now we praying for another gold medal to fix up the road.” Sabi pa ng kanilang kapitbahay sa panayam ng The guardian.
Tulad ng lahat ng inang nais na makabangon sa hirap, lubos ang pagsisikap ni Jennifer Bolt, ina ni Usain na mapag-aral at matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Namuhay ng payak at may pagpapahalaga sa pamilya ni Usain na kung tawagin sa kanilang lugar ay “Leadfoot” dahil sa bilis nitong tumakbo.
Noon pa man kahit pa naglalaro lamang nakakitaan na ni Jennifer ang anak ng potensyal sa sports. Kaya kahit walang malaking pera para pag-aralin si Usain sa magandang paaralan, binawi na lamang niya sa suporta at paggabay sa anak na nagsilbing coach at fan ni Usain sa kauna-unahang pagkakataon.
Kahit ang ama ni Usain ay naniniwala rin noon pa na may dalang kakaibang sigla at talento si Usain, ito ay sa kabila ng diagnoses ng doktor na ‘hyperactive’ si Usain kondisyon kung saan sobrang active ng bata, malikot at mahirap makuha ang atensyon. . “He used to say to me: ‘There is something about this child. I remember I left him on the bed and he nearly fell off, I came back in the room and he was pulling himself back up. He was very strong, even then,”pagbabalik tanaw ng kanyang ina.
Nagsimula sa pustahan
Hindi sa training o paaralan nagsimulang nadiskubre ni Usain ang kanyang kakayahan kundi sa isang pustahan. 12-taong gulang noong si Usain noong magpustahan silang magkakaibigan kung sino ang pinakamabilis tumakbo. Napansin ng paring si Reverend Nugent ang pustahan ng mga bata, ayon sa kanya nag-aasaran ang mga bata kung sino ang mas mabilis si, kung ito ba ay si Ricardo Gedes na kaibigan din ni Usain, o kung si Usain. Matapos magpustahan nagpaligsahan sila at ang nanalo ay si Usain. Matapos panoorin ng pari, sinabi nito kay Usain na ‘If you can beat Ricardo, you can beat anyone’, at simula noon tumatak na sa isipan ng bata na talunin pa ang magagaling sa ibang lugar.
Hindi hadlang ang Scoliosis
Sa kabila ng tikas at lakas, hindi mo aakalaing iniinda ni Usain ang kanyang Scoliosis kondisyon kung saan abnormal ang curvature ng spine, madalas na sumakit ang likod ng mga taong may Scoliosis, kung tutuusin malaking hadlang ito sa training ng sinumang atleta.
Nito na lamang napagtuunan ng pansin ni Bolt ang kanyang scoliosis nang magsimulang magkaroon siya ng team at coach kung saan pinalakas ang kanyang core at likod kasabay ng training upang mapanatili ang bilis at stamina sa pagtakbo.
Kaugnay nito maraming atleta rin sa kasaysayan ang nagpatunay na hindi hadlang ang Scoliosis, na kung bibigyan ng atensyon hindi na kailangan pang sumailalim sa operasyon, lalo pa’t para sa mga atleta mahirap ang makarecover sa operasyon sa buto, lalo na sa spine ang pangunahing nagpapanatiling balanse. Ilan sa maga nagpatunay na hindi ito hadlang ay sina British middle distance athlete Emelia Gorecka, Romanian Olympic gymnast Alexandra Marinescu, at swimmer na si Jennifer Thompson ng United States na dineklarang one of the most decorated Olympians in history.
Olympic Career
Taong 2008 sa Beijing Olympics sumali sa sa 100-meter at 200-meter si Usain na hindi lamang niya ipinanalo, nagset siya ng world record sa bilis na 9.69 seconds sa 100-meter run. Ang nakakamangha pa, sa kanyang pagtakbo natanggal ang tali ng kanyang sintas na hindi naging hadlang upang mapanatili ang tulin sa track.
Noong summer Olympics na iyon, mabilis na tinangay ni Bolt ang tatlong gintong medalya pati na rin ang kasikatan, napansin ng media at advertisers ang bilis ni Bolt, pagkatapos ng kompetisyon mabilis na nakilala si Bolt sa buong mundo.
2012 London Summer Olympic games, inuwi ni Bolt ang pang-apat na medalya sa 100-meter race sa bilis na 9.63 seconds, na tinanghal na bagong world record. Sumali rin sa 200-meter si Bolt at inuwi ang kanyang panglimang ginto. Sa kauna-unahang pagkakataon nagkaroon ng back-to-back gold medals ng doble sa sprint race. Ang kanyang tatlong world records sa isang Olympic Game ang nagpaingay pa pangalan ni Bolt, para ituring na kidlat sa laro.
Taong 2016, muling bumaliksa karera si Bolt. Sa Summer Olympic Games na iyon nanalo muli ng ginto sa 100-meter race, kung saan tinapos niya ito ng 9.81 seconds.
“This is why I came here, to the Olympics, to prove to the world that I’m the best — again” pahayag ni Bolt, “It always feels good to go out on top, you know what I mean?”
Puno man ng angas ang kanyang pahayag, nanatili pa ring nakaapak sa lupa kanyang mga paa, dahil gaano man kalayo ang kanyang natakbo bumabalik-balik pa rin siya sa pinagmulan, at hindi kinalimutan ang kinalakihan kahit ito ay napag-iiwanan dahil sa mabagal na pag-unlad.
“What else can I do to prove I am the greatest?, I’m trying to be one of the greatest, to be among Muhammad Ali and Pele. I have made the sport exciting, I have made people want to see the sport. I have put the sport on a different level.”
Sa kanyang hindi matatawarang galing itinuring na “fastest man alive” si Bolt, “It’s what I came here to do. I’m now a legend. I’m also the greatest athlete to live. I’ve got nothing left to prove.”
Kahit gaano kabilis ang takbo ni Bolt sa kompetisyon, ang pagtupad pa rin ng pangarap ay hindi mabilis na makakamtan, dahil ito ay kailangang dumaan sa matinding ensayo at disiplina. Pinatunayan ni Bolt na sa karera, gaano man kalayo o kahaba, ang mahalaga ay hindi umatras, ito man ay dumaan sa lubak at mabato ang mahalaga ay patuloy lang ang paghakbang.