Matapos ang ikalawang pagdinig ng senado sa isyu ng smuggled shabu na nasabat sa Valenzuela City noong buwan ng Mayo, umaasa si Sen. Richard Gordon na makapagsusumite na ito ng preliminary recommendation sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Gordon, isa sa rekomendasyon n’ya ay ang total revamp sa mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na dahilan kung bakit nakapasok sa bansa ang P6.4-B halaga ng shabu na inangkat sa China.
Sinabi din ni Gordon maliban sa mga taga-Customs ay hindi rin lusot ang mga taong nagpagamit upang maipasok ang shabu sa bansa gaya na lamang ni Mark Taguba ang may-ari ng trucking company na ginamit sa pagtransport ng shabu sa Valenzuela, consignee for hire na si Eirene Mae Tatad, ang broker na si Teejay Marcellana at si Kenneth Dong na sinsabi ni Taguba na middleman.
Ayon naman kay Director Wilkins Villanueva ng PDEA nagkaroon na sila ng parrallel investigation with National Bureau of Investigation (NBI) at lumalabas na walang dahilan upang hindi kasuhan ang dalawang businessman na sina Richard Chen at Manny Li.
Inaasahan namang bukas o sa susunod na linggo sasampahan na ng kaso ng NBI ang mga taong involve sa pagpasok ng P6.4-B halaga ng shabu mula sa China.