INAMIN na ng power celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang ginagawang paghahanda sa kanilang nalalapit na kasal.
Sa social media, hindi na pigilang ibahagi ni Sarah ang pagkasabik at labis na kasiyahan sa kanilang 2020 wedding.
Say ng aktres, labis ang kaniyang pasasalamat sa Panginoon sa pagbibigay nito kay Richard bilang kasintahan at sa kanilang mga anak.
Wala na aniya siyang ibang hihilingin pa at excited na itong sa susunod na yugto ng kanilang buhay.
Sa ngayon ay hindi pa isinasadetalye ng celebrity couple ang eksaktong petsa at venue ng kanilang pag-iisang dibdib.
Taong 2017 nang magpropose si Richard kay Sarah makalipas ang mahigit limang taong pagsasama.