EYESHA ENDAR
SOBRANG mahal ni Nadine Lustre, ang kanyang yumaong kapatid, kaya hindi niya hahayaan ang sinuman na gawing “joke” ang dahilan ng pagkamatay nito.
Binigyang diin ng dalaga na hindi siya apektado sa mga naglabasang article na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si James Reid. Pero labis siyang nasaktan sa sinulat ng The Philippines Star’s writer na si Ricky Lo.
Sinabi ni Nadine, “People were releasing articles about me and James breaking up, which didn’t bother me at all,” “When Ricky Lo published that article which said that James is cushioning the breakup, or he’s like taking things slow because parang I’m mentally unstable, and he also mentioned my brother in the article, that’s when I lost it… As soon as he mentioned mental illness and my brother, that’s when he crossed the line.” pahayag pa ng aktres. “What my brother has gone through, it wasn’t a joke, I can’t even imagine what was going through his head when that was happening to him. Like until now, I still wish I pushed him a little bit more so he’d open up to me… I could’ve helped him, I could’ve done something.” pagpapatuloy ng dalaga. “Until now that’s still in my head, but now I’m more concerned with the people who are actually going through it, and who need people to lean on.” aniya pa.
Pinipigilan ni Nadine ang kanyang mga luha habang patuloy na nagpapasalamat sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya, isa na ang kanyang matalik na kaibigan at dating kasintahan na si James. “I’ve learned so much and I’m always gonna be thankful that guy came into my life, no matter how it ends,” pahayag niya para kay James.
Madalas pa rin silang magkasama ni James sa hangout ng kanilang barkada at minsan silang dalawa. Anuman ang masakit na pinagdaanan ng aktres noong nakaraang taon, desidido siya na mag-focus sa kanyang sarili ngayong taon.