HALOS 15 na salawal pambaba na panlalaki o mga brip ang nanakaw na sa mangingisdang si Rico. Hindi siya makapaniwala dahil halos dalawang linggo pa lamang nang mawalan siya ng ganoong karami na brip at hindi lamang yuong mga nasa bagong laba na nasa sampayan ang nawawala kundi, ayon sa kanya, pati yung mga brip niya na nasa loob ng kanyang tokador.
Nawawala raw ang mga ito sa pagitan ng alas-siyete hanggang alas-diyes ng gabi. Hindi na natutuwa si Rico dahil bago siya makabili ng mga panibagong brip o salawal ay kinakailangan pa niyang tumawid ng ilog at maglakad ng mahaba-haba pababa ng bundok patungong bayan.